Teaser

9.7K 253 13
                                    

The Girl Between Us
Written by: lady_phoenix16
GENRE: Romance, Drama, Comedy, Psychological
THEMES: Friendship, Crazy In Love, Revenge

Hanggang saan ba ang kayang gawin ng isang pusong bigo at baliw na baliw sa pag-ibig? Para kay Serenity, walang ibang lalaking kayang pumalit sa puso at isipan niya kundi si Jeremy lang. Si Jeremy na kahit pinagpalit na siya sa ibang babae ay mahal na mahal pa rin niya. Si Jeremy na ibinaon na lang siya sa limot bigla pero siya ay patuloy pa rin na nagmamahal dito. Si Jeremy ang pangarap niyang lalaki na natupad pero sa isang iglap ay naglahong parang bula...
Dahil desperada na makaganti sa mga taong nanloko sa kanya at makuha ulit ang pag-ibig na nawala ay nagpanggap siyang lalaki para mapaibig sa internet ang kasalukuyang girlfriend ni Jeremy na si Trixie. Naisip niya na kung ma-i-in-love sa kanya si Trixie bilang lalaki ay hihiwalayan nito si Jeremy at mawawasak pa ang pride nito kapag nalaman na isa talagang siyang babae. Makukuha pa niya ulit ang pag-ibig na iniisip niyang para talaga sa kanya. Si Jeremy.
Pero paano kung unti-unti ay makita na rin niya ang mga magagandang katangian ni Trixie? Paano kung makita niya ang sarili na nagkakaroon na rin ng concern sa babaeng kinamumuhian at naging dahilan para maghiwalay sila ng boyfriend niya? Itutuloy pa ba niya ang paghihiganti o maiiwan ulit siyang luhaan?

The Girl Between Us (PUBLISHED BY LIFEBOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon