"Bless My Love"

18K 614 53
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen Brejente

CHAPTER 31 "Bless My Love"

Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/1GJ0jrH

GANO'N na lamang ang gulat ni Erine nang mapagsino ang kaharap. Kung sino ang lalaking naka-sutana. Kung sino ang lalaking may buhat kay Yahnie.

"My daughter, please." Sabi ni Erine na di malaman ang gagawin. Trying to cover her cleavage. Lalo pa't iniisip niyang banal na yata ang ama ng anak niya.

"I can't believe how time flies so fast. It has been three years since the last we've met." Sabi ni Kenzo saka tumingin sa karagatan. Mukhang malayo ang tanaw. "Matalinong bata." Tumingin ito sa tulog na si Yahnie.

"What should I call you? Father? Or brother?" Erine asks, trying to confirm what's on her mind.

"Seminarista pa lang naman ako." Sabi ni Kenzo. The way how he talk? Banal na banal na nga. "I've met this child when I was waiting for you in the AuthorHouse. She calls me Papa, she changed me. How I wish I was her Papa. Napakatalino niyang bata. Who would have thought that she recognized me. Kung lukso ba 'yon ng dugo, o sadyang ramdam lang niya dahil sa akin naman talaga siya nagmula." Dugtong ni Kenzo. Tahimik namang nakikinig si Erine.

"Bakit naisipan mong pumasok sa Seminaryo?" she asks. Kahit alam niyang napaka-personal ng tanong na 'yon.

"Masyado na akong naging makasalanan. Masyado na akong maraming nasaktan. I had everything, before. But, I never knew how to value and keep them hanggang sa isa-isang nawala sa akin ang lahat." Tugon ni Kenzo. "Nang mawala ka sa akin noon, pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Nahirapan ako, to the point that I've committed a suicide. Akala ng lahat wala na akong pag-asang mabuhay pa. Pero, maging sa panaginip ko noon di ka nawala. Patuloy akong lumaban dahil alam ko sa puso ko na hahanapin kita, susuyuin, hihingi ako ng tawad, hihilingin ko saiyo na magsama tayong muli, na kailangan nating magkaayos. Dahil sabi ko, di ako perfect. There's a natural law of karma that vindictive people, who go out of their way to hurt others, will end up broke and alone. Kailangan kong bumangon, kailangan kong magsisi at kailangan kong humingi ng tawad sa Diyos. We were wrong when we judged your father instead of thanking him, but then I've realized that humans aren't perfect. But, God tested me, kung gaano kita kamahal. And I was a fool back then, dahil mas pinili kong magpadala sa galit imbes na magtiwala sa pagmamahal mo. Wala akong karapatang hawakan ni dulo ng daliri ni Yahnie ngayon o ang tignan man lang siya, dahil may mga bagay akong nasabi na bagamat napatawad mo na'y di ko na mabubura pa. Hindi ko sinasadya. God knows I -regretted what I've done. Hindi ko kayo dapat dinamay na mag-ina, kahit totoo man ang bintang ng mga pinsan ko sa inyo. Truly, God is good. Sa naging lagay mo noon, milagro na lang ang pwedeng magligtas para sa bata at saiyo. I've called Father Roman and asked him to pray for you and our baby. He adviced me to pray for you as well. For the first time, I did pray. Kneeling down the altar, asking for His miracle and it changed me. A lot. Pero, nang malaman ko mula kay Lucho na wala na ang sanggol na dinadala mo, I was like I've hated God for neglecting you and the embryo. I've been cursing Him, to the point that I've committed a suicide. Killing myself as well, than to hear you suffer for the loss of our baby. Hinanap kita, kung saan-saan. Naroon na ang ipagtabuyan ako ng mga magulang mo para tantanan na kita. Pero, ipinaglaban ko ang sandaling 'yon. Hindi ako sumuko. Pero, sadyang kayhirap mong hanapin. Hindi kita natagpuan. Hanggang sa isang araw, bangkay na ni Renz ang dinala ni Bisha sa akin. I've hated myself, more. Anong klaseng ama ba ako? Bakit, di ko man lang naisip tulungan ang anak kong maysakit? Bakit, napakamakasarili ko? Bakit, ang damot ko? Huli na para magsisi ako. Dahil, hinanap ko lang ang taong hindi ko dapat nilugmok sa kalungkutan, sa pagdurusa at di ko dapat pinabayaan. Too late for regrets, Erine. Bawat sandali ng buhay ko, natuto na akong magdasal. Natuto na akong mangumpisal. Dahil alam ko, isang araw mamamatay din ako. Paano na lang kung mapunta ako sa impyerno? Father Roman was there supporting and guiding me. Hanggang sa mag-desisyon akong mag-migrate sa California." Naging emosyonal si Kenzo sa pagsalaysay ng nakaraan.

"MY BOSSY ASSOCIATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon