"His Unromantic Proposal"

18K 527 14
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written By: Yeshameen Brejente

CHAPTER 24 "His Unromantic Proposal"

NANG matapos magsuot ng mga damit sina Kenzo at Erine ay butil-butil namang pawis ang mapapansin sa kanilang mga mukha. It was Kenzo who opens the door. At halos matumba na si Oceana sa katawan ng binata dahil hindi nito inaasahang bumukas na ang pinto.

"Oh God!" sabi ni Oceana. "Umagang-umaga ay gumagawa pa rin kayo ng milagro!" sermon nito.

"Stop it!" sabi ni Kenzo sa dalaga. "Erine is going with you now."

"Ba't ang sungit mo?" nang-aasar na wika ni Oceana saka tinapunan ng natatawang tingin si Erine. "Bitin ka 'no?" Sa sinabing 'yon ni Oceana ay bigla namang nagbago ang mood ni Erine. Iba kasi ang dating no'n sa kanya, lalo pa't ex associate ito ni Kenzo. At alam niyang minsan ding inibig ng binata. Walang anu-anong nagpatiuna ito sa labas at pabagsak pa man ding isinara ang pinto ng Suite.

"Erine!" sigaw ni Kenzo saka napasapo ng sariling noo.

"Ano'ng nangyari do'n?" di makapaniwalang wika ni Oceana. "Di naman yata ako aware na sumpungin ang mga tao dito. Makaalis na nga!"

"Talk to her, Oceana." Bilin ni Kenzo.

"Ginawa niyo na akong pantakip sa kasalanan niyo sa parents ni Erine at ngayon? Ako pa rin ang mag-aalo sa kanya? Wow, Kenzo! Ang unfair mo naman. Ikaw na!" ani Oceana.

"Just do it!" demand nito.

"Say, please!"

"Stop acting like Erine." Sabi ng binata. Lalo namang nainis si Oceana. Di niya alam kung naiinggit ba siya dahil di naman ito nagawa ni Kenzo noon sa kanya. Di na siya muling nagsalita. Si Kenzo naman ay muling pumasok sa loob ng Suite niya saka pabagsak na naupo sa kama. Dinampot niya ang kanyang cellphone upang tawagan sana si Erine, saka naman niya napansin na nasa kama ang cellphone ng dalaga. Sa init ng ulo niya ngayon ay walang sabi-sabing inihagis sa dingding ang hawak niyang cellphone.

Sa elevator room na nagpang-abot sina Erine at Oceana.

"Hey! Ano'ng nangyari saiyo?" sabi ni Oceana.

"Wala." Tugon ni Erine.

"Nagseselos ka? O naiinis ka?"

"Why should I?"

"Halata naman, Erine." Nakabuntong-hiningang saad ni Oceana. "Look, I'm over him and he's all yours. Wala na akong balak na agawin siya saiyo. Iyong-iyo na siya."

"Hindi naman ako naiinis dahil do'n eh! Di lang ako comfortable na nagbibiro ka sa harap namin ni Kenzo nang gano'n." Sabi ng dalaga.

"Sorry po.." pabirong saad ni Oceana upang kahit papaano ay mapatawa si Erine. "Forget it. Your man is already mad at me. Gano'n ka ka-special sa kanya. He's dead worried. Mukhang takot na takot na awayin mo. He's like scared of the possibility of you leaving him. Ano ba kasi ang pinakain mo sa mokong na 'yon?" humagikgik pa si Oceana sa huling bahagi ng sinabi.

"Maniwala ka do'n!" maktol ni Erine. "Ni hindi ko nga alam kung ano ang lugar ko sa buhay niya eh. Hanggang ngayon, sobrang hirap niya pa ring spelling-in! Di ko siya maintindihan." Saka naman bumukas ang elevator door. At lumabas na rin sila. Mabuti na lang at wala pa ang parents niya.

"Manhid ka ba?" sabi ni Oceana. "Kung di ka mahal ni Kenzo, di ka na sana niya pipiliting isama ulit sa El Tierro. Wake up, Erine! If you're waiting for Kenzo Villahermosa to tell you he's in love with you, then be rest assured na puputi na lahat ng buhok, wala ka pang "I love you" na maririnig mula sa kanya."

"MY BOSSY ASSOCIATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon