Chapter One: Kiss the Rain

187K 1.2K 100
                                    

--Mabilis man ang daga nahahabol pa rin ng pusa.

Mabilis man ang kotse nauubusan din ng gasolina.

Buti pa ‘yong kuneho nahahabol ng pagong.

Pero bakit ba iyang puso mo hindi ko mahabol habol?

--Kyle and Brent

Chapter One: Kiss the Rain

LISA:

Gabi na at hindi pa rin ako makatulog. Ano  ba ‘yan?!

Tumayo ako sa harap ng pang whole body ko na salamin. Tinitigan ang pajama ko na Patrick Star ang print. Napabuntong hininga ako.

“First day mo na bukas sa college bukas,” sabi ko habang kinakausap ko ang reflection ko. Napasimangot ako sa itsura ko, “pero mukha ka pa ring High School. Yung height mo pang High School yung weight mo pang nanay. Pero yung beauty mo pang diyosa!” Saktong sakto naman at biglang kumidlat sabay kumulog.

Napasimangot ako sa nangyari.

Biglang tumunog ang phone ko na nakapatong sa kama. Sino naman ang magte-text sa akin ng ganitong oras?

Nag-flash sa screen ng phone ang name: Anderson, Kyle.

“Hi Lisa! =)” sabi sa text.

Akala ko ba naman kung sino si Kyle lang pala! Ano ba ang problema ng lalake na ito?! Buong bakasyon text ng text sa akin. Hindi ko naman siya nirereply-an. Hindi makaintindi na ayaw ko siyang maka-text.

“Dear lord alam ko naman na maganda ako pero sana naman maintindihan ni Kyle na hindi ko siya gusto. Delubyo lang ang dala sa akin ng lalake na iyon.”

Kumidlat nanaman sabay kumulog ng malakas tapos nawalan ng power.

“Ay! Di maganda ‘yan!” sigaw ko.

“Hoy Lisa magpatulog ka!” sigaw ng bunso kong kapatid na nasa kabilang kwarto.

Napahiga nalang ako sa kama ko.

“Shet naman paano ako makakatulog nito?!”

Walang aircon!

***

“Late nanaman ako! Napaka-cliche naman ng nangyayari sa akin ngayon! First day of school tapos late ako,” daing ko.

Naglalakad ako papunta sa school. Bumaba ko ng jeep na sinasakyan ko dahil sobrang traffic at usad pagong na ang mga sasakyan. Ang malala pa nito ay pag nakarating na ako sa school gate ay maglalakad pa ako ng napaka-layo dahil ang college building namin ay nasa dulo ng school.

Love EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon