Chapter two: Boy Next Door

96.4K 832 65
                                    

LISA:

4:00 PM.

Uwian ko na. Ang ganda ng schedule ko dahil yung iba gabi pa ang uwian.

Wala pa rin akong friends dito sa bago kong school. Ewan ko ba, mga snob ang mga tao dito sa school na ito. Ano ang maganda sa alas kwatro na uwian kung wala ka namang kasama maggala?

Tahimik akong naglalakad papalabas ng college building namin at tinawag ng isang lalake ang pangalan ko. Hindi ako lumilingon dahil alam ko kung sino ang tumatawag sa akin, si Kyle.

“Lisa!”

“Lisa!”

“Uy Lisa!”

Patuloy ang pagtawag sa akin ni Kyle kaya binilisan ko ang paglakad.

“Lisa!” bigla niyang hinawakan ang braso ko at napahinto ako sa paglakad.

“Bakit?”

“Pwede ka bang sumama sa bago kong apartment?”

Tignan mo nga naman itong si God. Binigyan agad ng solusyon ang pagiging friendless ko at walang kasama sa paggagala. Kaso maling tao ang pinadala sa akin.

“Huh? Ano ang gagawin natin doon?” Akala mo naman napaka-close namin para ayain ako sa apartment niya. Baka rape-in pa ako nito! Masyado akong malisyosa pero may basehan ako.

“Ahm... Kasi...” yumuko siya na parang batang nahihiya. Kahit naman yumuko kita ko pa rin siya dahil matangkad siya. Ang tangkad kaya ng damuhong lalake na ito! O sadyang maliit lang ako.

“Kasi..” ano kaya ang meron? Nahihiya talaga siya eh ano?

“Kasi ka ng kasi diyan, eh ano ba kasi iyon?” tanong ko sa kanya. I have this time of the month kaya masyado akong impatient at iritable. Ang bitter bitter ko tuloy sa kanya.

“Wala lang, gusto lang kitang makasama,” ah ayun naman pala. Ang problema lang ay ayaw ko siyang makasama.

“Busy ako eh, marami akong gagawin,” REJECTED SiYA!

“Malapit lang naman ang apartment ko sa bahay mo. Sige na kasi,” nag puppy dog eyes siya na sobrang cute na nakaka-mesmerize.

“Huh? Paano mo nasabing malapit?”

“Pinalipat ko na ang mga gamit ko doon sa pinauupahang apartment ng kapitbahay niyo,” AYY DI MAGANDA IYAN!! Ibig sabihin araw-araw ko ng makikita ang mokong na ito?! Lakas talaga ng trip ng mga mayayaman!

“Eh bakit doon ka titira? Doon ka nalang sa mansyon niyo! Mas maganda doon! Saka hindi ka naman sanay mag-isa! Tapos delikado pa sa lugar namin maraming kawatan saka sira-ulo na mga maton!” hindi naman masyadong halata na ayawa ko siyang maging kapitbahay.

Love EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon