Epilogue: 10 things about you & 1thing about me. Me&You. (Part 1)

145K 2.4K 301
                                    

Epilogue: 10 things about you & 1thing about me

(Part 1)

That Girl: Me & You. ♥

...ends here.

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

"Gravitation is not responsible for people falling in love. "
- Albert Einstein 


xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

January 04.

4days na ang nakakaraan since last ko syang nakausap at nakita. Pagkatapos kasi ng New Year's celebration, patay na yung cellphone nya at wala na akong balita sa kanya. Hindi na rin sya nagpakita sakin, I absolutely do not have any idea what happened to her.

Back to school na ulit, excited akong pumasok hoping na makikita ko sya ngayon para matanong ko kung bakit hindi sya nagparamdam these past few days. Saka gusto ko na rin linawin sa kanya yung relationship namin, I mean tapos na yung Christmas and I do not want to stay as her "Christmas boyfriend", I want to be her "forever boyfriend". Seryoso ako, kung ayaw nya man, liligawan ko sya hanggang sa maging "kami" na talaga for reals at hindi dahil lang sa blackmail or whatsoever. Gusto ko rin syang ipakilala sa mga kaibigan ko at i-announce sa klase na girlfriend ko sya, sigurado mabibigla si Steve pag nalaman yun. Aasarin ako nun at sasabihing, "Nagayuma ka na ata ng stalker mo."

Haha. Nagayuma man o hindi, wala akong pakelam... eto na yan eh, tumitibok na eh. I maybe under her spell but I won't ask for any antidote, I don't want to escape from this spell.

"Oy pre! Woo! Happy new year!" pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom sinalubong agad ako ni Steve.

"Yeboi! Kamusta? Woo!" sinundan pa ng isang kaklase ko na inakbayan ako at ginulo ang buhok ko.

Total chaos sa loob ng classroom syempre excited kasi ang lahat sa bawat isa, maraming kwento dahil sa nagdaang bakasyon. Sobrang ingay at tumahimik lang ito ng dumating na yung teacher namin pero nagpatuloy pa rin ang kwentuhan dahil nagpakwento si maam.

Pero teka... may isang bagay akong kanina pang napapansin... where's that girl? Iniikot ko na ang paningin ko sa buong classroom pero wala sya at nung nagroll call para sa attendance... absent.

Nalungkot ako dahil wala sya. Tinanong ko yung ilan sa mga kaibigan nya pero ang sabi nila, wala daw silang balita, hindi daw kasi nagpaparamdam. Natapos yung klase ng wala sya. Ipinass na nga namin yung requirement namin sa moral studies, yung 10things about your seatmate and 1thing about me requirement.  Asan ba kasi sya? :(

Lunchbreak na nun eh, kasabay kong maglunch sina Steve ng biglang tumunog yung cellphone ko.

bebi calling...

That Girl 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon