5: She's such a crybaby

131K 2.2K 131
                                    

Enjoy reading! Vote&comment. TY. :3

- 5 -


"In the end, it's not going to matter how many breaths you took, 
but how many moments took your breath away. "

- Anonymous



"Babalik ako, okay?"

"Bilisan mo ah?" tumango ako at lumuwag na yung pagkakahawak nya sakin. Umalis na ako pagkatapos at nagpunta sa may banyo, andun kasi nakatago yung mga kandila eh. Kumuha ako ng mga tatlo at isang lighter at isa ring flashlight. Bumalik agad ako sa sala kung nasaan nandun yung babaeng yun.


"Dito ko ilalagay yung isang kandila." sinindihan ko na yung isang kandila at nagliwanag na kahit papaano. "Lalagyan ko lang yung sa kusina at sa may corridor ah." pumunta na akong kusina at corridor para lagyan ng mga kandila at pagkatapos bumalik na ako sa sala.


Pagbalik ko nakita ko, nakaupo lang sya dun sa sala tapos naka-angat yung dalwa nyang paa na nakapatong sa sofa tapos yung dalwa nyang kamay nakayakap sa binti nya habang ang ulo nya nakabaon sa may tuhod nya.


"Uy, ayos ka lang?" tumabi ako sa kanya at tinapik ko sya sa balikat. Hindi nya ini-angat yung ulo nya bagkus eh umiling sya habang nakabaon pa rin yung mukha nya sa tuhod nya.



*TZZZ!*


Kumulog nanaman at napansin kong lalo syang naging stiff sa position nya at humigpit yung yakap nya sa mga binti nya.


Tinapik ko ulit sya sa balikat, "Hey, okay ka pa ba?"



*sob sob*



I could already hear her sobbing, "H-hey! Bakit umiiyak ka?"


Ano ba 'to, ang OA naman netong babaeng 'to, parang kidlat at kulog lang umiiyak na.



*TZZZ!*



Kumidlat ulit at dahil dun, mas lumakas yung iyak nya.


"T-teka, tahan ka na. Wag ka ng umiyak." tae. Natataranta ako pag gantong may naiyak eh.


"Paano ka ba tatahan..."  :-\ hindi ko malaman gagawin ko. Ano ba 'to.



Bigla may pumasok na ideya sa isip ko.


"Halika." kinuha ko yung kamay nya at sinubukan hilahin 'to at dahil dun napaangat sya ng ulo at pag-angat nya ng ulo nakita ko mula sa liwanag ng kandila ang basang basa nyang mukha mula sa kanyang luha. Nagtataka yung itsura nya.


"Basta, halika." hinila ko sya patayo sa sofa hanggang sa paakyat  ng hagdan papunta sa kwarto ko. Sinarhan ko yung pinto ng kwarto ko tapos nagsindi ako ng kandila dun tapos sinarhan ko din yung bintana ng kwarto ko para maging close na close yung loob ng kwarto ko kaya pag kumidlat man hindi ganun kalakas. 


"Umupo ka dyan." pinaupo ko sya sa higaan ko. Umupo naman sya dun, tapos ako kinuha ko yung gitara ko sa tabi ng higaan ko tapos umupo ako sa tabi nya.


"Hindi ko alam kung madidistract ka nito mula sa kidlat pero... sana madistract ka nga. Wala kasi akong maisip na paraan para mapatahan ka eh. Alam mo kasi, natataranta ako pag may nakikita akong taong naiyak eh. So eto... Eto ang pakinggan mo imbis na ang tunog ng kidlat..." nagsimula na akong magstrum sa gitara ko.


Now playing: Just The Way You Are Cover by Joseph Vincent
(Listen by clicking at the side --->


"Oh her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shining
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying"

Nagsimula na akong kumanta, nakayuko pa rin ako habang nakanta kasi tinitignan ko yung ini-istrum ko sa gitara.

"She's so beautiful
And I tell her every day
Yeah I know, I know
When I compliment her
She wont believe me
And its so, its so
Sad to think she don't see what I see"


Tumingin na ako sa kanya... Nakatingin lang sya sa sahig habang nilalaro nya yung mga daliri nya na nakapatong sa may lap nya tapos kagat kagat nya yung ibaba nyang labi. Hindi na sya umiiyak pero mukhang hindi pa rin sya kalmado. Binawi ko na yung tingin ko sa kanya at binalik sa may gitara ko.

"But every time she asks me do I look okay
I say,

When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you're amazing
Just the way you are"


Tumingin ulit ako sa kanya, at ngayon nakatingin na sya sakin. Nagsalubong yung tingin namin, ngumiti ako sa kanya pero inalis nya yung tingin nya at ibinalik ang tingin sa semento habang nilalagay nya sa likod ng tenga nya yung ilang mga buhok na nakalaylay sa may tabi ng mukha nya.


"Her lips, her lips
I could kiss them all day if she'd let me
Her laugh, her laugh
She hates but I think its so sexy

She's so beautiful
And I tell her every day"



*TZZZ!*



Kumulog. Nakita ko na nagitla sya kaya mas lalo kong nilaksan ang pagkanta ko.



"Oh you know, you know, you know
Id never ask you to change
If perfect is what you're searching for
Then just stay the same

So don't even bother asking
If you look okay
You know I say"



Tinignan ko sya, mukhang kumalma naman agad sya at hindi na sya umiyak, "Ayos ka na ba?"


Tumingin sya sakin, tumango sya habang nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya at pinagpatuloy ang kanta.



"When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are..."


"Salamat..." narinig ko yung pagbulong nya. Tumingin ako sa kanya pero nakita ko, nakatingin na ulit sya sa may semento but this time nakangiti na yung mga labi nya.



*Dug dug dug*



I heard something loud. I'm sure it's not the thunder and it wasn't my guitar. 

 

"And when you smile,
The whole world stops and stares for awhile
Cause girl you're amazing
Just the way you are..."



Natapos na yung kanta pero parang may nararamdaman akong kakaiba...





Tumayo ako at pinatong yung gitara sa may kama ko, "Umm, excuse me, punta lang akong banyo."



Pumasok na ako sa banyo ng kwarto ko dala dala ang isang flashligh, pinatong ko yung flashlight sa may tabi dun tapos pumunta agad ako sa may lababo at naghilamos. Pagkatapos maghilamos, pinatong ko ang dalwang kamay ko sa may magkabila ng lababo at tumingin sa salamin.



Nakikita ko ang mukha kong basang basa ng tubig na parang hinihingal na hindi mapakali, 
"Something's not right."

That Girl 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon