Chapter 7

6.9K 54 2
                                    

Chapter 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 7

This Appointment

Month of October. Just the end of second grading. Releasing of grades. Start of enrollment for the next semester.

Let me rephrase those.

Shittiest month. Just end my life. Releasing my tears. Start kicking myself out of our house.

Okay, I am having my senior highschool crisis right now.

Ang baba ng mga grades ko.

Hindi ko ini-expect 'to. Akala ko man lang ay makakakuha ako ng decent grades. Pero akala ko lang 'yon. Sino ba'ng pinagbibigyan ng mga akala? Wala naman.

Alam ko'ng nagkulang ako nang ilang beses...maraming beses pero hindi ko alam na ganito kababa. Nasanay ako noong junior highschool na sobrang tataas ng grades ko. Well, not as high as Sol's grades pero desente naman kahit papaano.

Tingin ng magulang ko mas magaling ako kay Sol sa lahat pero mali sila. Kaya ako napipressure, e...

What will my parents think of these not-so-pleasing-to-their-eyes grades? Probably magagalit sila. Pwede naman ako'ng mag-excuse na hindi pa binibigay ng Velventi University ang mga grades namin pero sino'ng niloloko ko, diba?

Sarili ko lang din.

Bumuntong hininga ako at yumuko. Nandito ako ngayon sa bleachers ng gym namin, my usual spot. Hindi ko kasama ang dalawa ko'ng kaibigan dahil iba ang schedule ng pagkuha nila ng kanilang grades. Bumuntong hininga ulit ako.

Hindi ko alam kung paano ako makakauwi sa bahay nang normal.

Napailing pa ako nang maalala ko na may appointment kami nila Daddy sa board member ng isang sikat na kompanya sa California. Sabi nila ay lalakarin nila ako para sa immersion ko next school year. Gusto nila'ng sa California ako mag-conduct ng immersion.

I remember asking...

"Is that even important, Dad?" tanong ko sa hapag kainan.

Daddy didn't answer so my Mom did. She first sipped her wine and smile. "Yes, Serah.. Lahat naman nang tingin naming maganda para sa kinabukasan mo ay importante."

Tumango ako at isinubo ang steak na natira sa plato ko. "What if they don't accept me, Mom? I mean..."

Tumikhim si Mommy at tumingin kay Dad. Hinihintay nitong sumagot si Daddy. Hindi pa rin umimik ang Daddy ko. "The only thing that would stop them from accepting you are your grades, Serah. Remember that. Ace your tests, please."

"Yes, Mom."

"You don't want us to look pitiful in front of them, do you?"

Hindi ako nakasagot.

"There is no room for errors."

Bumuntong hininga ulit ako nang matapos ko'ng balikan ang alaalang 'yon. Ang hirap pala magkulang sa mga magulang. Hindi man sa respeto at sa pagiging anak pero...

SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon