Chapter 1

11.2K 47 11
                                    

Chapter 1

Changed

"What's bothering you?" tanong ni Sol habang nagmamaneho kami pauwi sa bahay na kabibili lang niya.

What bothers me most is...living a life I know I could live better.

Nagkibit balikat ako at hindi na sinagot ang tanong niya.

Hindi ko na alam kung nabubuhay pa ba ako nang may purpose? Hindi ko alam kung may karapatan pa ba ako para gamitin 'to. I just feel dead at times at hindi ko maiwasang punahin ang way ng pamumuhay ko.

Tinitigan niya ako saglit at saka itinuon ang pansin sa kalsada. Humilig ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang kamay ni Frione na ngayon ay tulog na tulog sa byahe.

Napangiti ako. 

"I missed you, Sol. How are you? Mom and Dad?"

Ngumiwi siya at umirap. "Wala akong balita sa kanila. Hindi ba ikaw ang nakakaalam ng mga activities nila, Serah?"

That was one insensitive question, Serah. How could you?

Tumawa ako nang hilaw. "Hindi ko rin alam. I wouldn't ask you if I knew."

Tumango siya at hindi na nagsalita. Naiintindihan ko.

Simula pa naman noong mga bata pa kami e hindi na kami magkasundo. Lagi siya'ng kinukumpara sa akin ng mga magulang namin. I studied better; she was good. I had few friends; she had more. I was told to play instruments; she enjoyed playing them. I was told I was the greatest; she was told she was the weakest. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit sa aming tatlo ay kami'ng dalawa ang may weakest link.

Ibang-iba ang buhay na kinalakihan namin. Naisip ko nga na para ba'ng mas na-enjoy niya ang kabataan namin. Though, truth be told, hindi maaalis sa sistema niya ang pagkukumparang ginawa nina Mom and Dad. It must have cost her too much pain. And I was sorry. Still sorry.

Hindi ko lang alam kung paano ko pa bubuksan ang usapan na 'yon sa kaniya.

"Serah, gisingin mo na si Frione at malapit na tayo sa bahay ko."

Hindi na ako nagulat nang hindi niya ako tawaging ate. Ever since naman hindi niya ginawa 'yon. Tinanggap ko na rin. As long as nirerecognize niya akong kapamilya e ayos na ako. That's more than enough.

"Right."

Tinapik ko nang mahina si Frione at unti-unti naman niyang minulat ang mga mata niya. Pumasok na kami sa bahay ni Sol. Malaki ang nabili niya. Maraming bintana ang bahay niya. Kitang-kita sa labas ang kalooban ng bahay.

Kabaliktaran niya ang bahay niya. She's unpredictable. Hindi mo alam kung ano ang iniisip niya. Hindi mo alam kung ano ang susunod niya'ng gagawin. Wala. Hindi mo alam kasi masikreto siyang tao.

I also wonder kung paano niya nabili ang bahay na ito sa edad na twenty-three? Simula noong pinalayas siya ng mga magulang namin at hindi na tinuring na anak e naging independent siya. Hindi ko na alam kung paano siya nakausad...but I must congratulate her for making it this far. Pero baka ma-offend ko lang siya.

Who would congratulate someone who had been exiled from the family? Nakaka-offend 'yon.

"Ang ganda ng bahay mo, Sol." panimula ko.

Umakyat na si Frione sa sinabi ni Sol na kwarto niya. Tumingin sa akin si Sol at tipid na ngumiti. I felt a stabbed in my chest. Nahihirapan ako sa pakikitungo ng kapatid ko. Do I really deserve this? I don't know. Maybe.

Isa ako sa mga nakasakit sa kaniya, e.

"What program did you pursure, anyway?" panibago ko'ng tanong.

SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon