chapter 27

20 0 0
                                    

====

"Dad..." agaw ni kuya sa pansin ni Dad. May mga kausap kasi siya.

"Here they are. Enrico, this is Stephanie. This is your, Tito Enrico, Steff, for now"

Anong for now? Bumati nalang ako sa kanila.

"Ang ganda talaga ng anak niyo, John. Bagay talaga sila ni Iniego."

Who the hell is this Iniego?

"Oh by the way, hija. This is my son Iniego."

Nagpakilala sakin ang isang matangkad na lalaki. May hitsura pero, parang may iba sa kanya. I can't really tell what it is. He looks familiar.

"Hello, Steff. It's been so long since the last time we've met." Nagumiti lang ako bilang tugon.

"I think it's the time John." sabi nun Tito Enrico daw.

"I-i see." Bakit parang hindi komportable si Dad, sa sinabi ng matanda? He looks hesitant. Parang may ayaw siyang gawin.

"Excuse me everyone... I have a-another announcement. This is also an engagement party between the debutant, my daughter Stephanie and m-my godson, Iniego Montecillo."

Halos nayanig ang mundo ko. E-engagement? Ako?

"WHAT???" gulat na tugon ko.

"Yes, hija. Bata palang kayo ay nakatakda na ito lahat." sabi nung matandang lalaki

"Dad...M-mom?? Kuya??" Halos maiyak na ako sa mga sinabi nila.

"What is this all about Dad? Bakit mo pinapangunahan ang buhay ni Steff? How could you?"

"M-matagal na namin itong plinano."

"N-no..no..." Tumulo ang mga luha ko. Nakita ko si Jeff sa may kalayuan, na nalilito sa mga nangyayari.

"How could you do that to me Dad... All my life is planned? Ganun ba iyon? Sana pala hindi na ako nahanap ni Kuya Steve... Sana pala hindi ko na kayo nakilala. Para lang malaman ko na kontrolado at planado na ang buhay ko. Now I really regret it having this family... no... infact... having you as my father is the term.. I hate you Dad... I really despise you..." umalis ako sa stage.. Pero nahagip ng mga mata ko ang sakit na bumalatay sa mukha ng ama ko.

Pero hindi nun matumbasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Oo nga pala, for your all information. I'm already engaged to someone whom I really love and cherish." Pinakita ko pa sa kanila ang singsing ko na kumikislap dahil sa pagtama ng lights dito.

"Y-you can't...." parang takot na sabi ng ama ko.

"Sorry, Dad...I love him so much that I'm willing to sacrifice this family." lumabas ako sa bahay at naupo sa labas ng gate, kahit na madumihan ang gown ko wala na akong pakialam.

"Princess....Is that true? You and Jeff?"

"Yes kuya...hindi ka naman tutol diba?"

"No, I only want you to be happy. And I know Jeff can only do that. Congrats, princess and happy birthday."

"Thanks kuya. Mabuti ka pa naiintindihan ako, but Dad.."

"Hey don't judge him yet..parang may mali sa mga reaksiyon ni Dad. Wag ka na lang ganung mag-isip. Pumasok na tayo."

"Mamaya na ako papasok Kuya."

"You're not safe here."

"Okay lang may mga guard naman eh."

"Hindi pa rin ako mapalagay. Papupuntahin ko dito si Jeff. Wag kang umalis jan."

===

Naghihimutok pa rin ako sa labas. Hindi ko nga napansin na natagalan si Jeff... sabi kasi ni kuya papupuntahin niya rito ang binata.

Bigla nalang may humintong itim na van sa harap ko at bumaba ang tatlong lalaking na bonnet ng itim. Kinutuban ako kaya tumayo ako. Napansin kong wala ang mga guard sa gate namin.

"S-sino kayo?"

"Sumama ka nalang samin miss. Para hindi ka masaktan." Hinablot ako ng dalawang lalaki. Ngunit nanlaban ako. I kicked them, kahit nahihirapan akong kumilos dahil sa suot ko.

Bumunot ng baril iyong isang lalaki. Hindi ako handa, malayo sakin iyong lalaki kaya hindi ko siya ma---

Pero bigla nalang natumba iyong lalaking may hawak na baril dahil sa isang sipa....ni Jeff.

"Are you okay?" Hindi namin namalayan na nakatakas pala ang mga lalaki.

"Sino ang mga iyon?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero nanganganib ang buhay mo. Ikaw talaga ang pakay nila. Kailangan mong mag-ingat ngayon. Kakausapin ko si Steve na bigyan ka ng bantay."

"Hindi ko na kailangan 'yon. Kaya ko ang sarili ko."

"Please, don't argue with me okay? Your safety is more important. Kung hindi siguro ako dumating baka natangay ka na nila. And I don't want anything bad happens to you."

===

Pagkatapos ng nagyaring iyon at nalamang ng mga magulang ko iyon. Nagkaroon ako ng dalawang bodyguards. Gusto sana ng ama ko na lima, ewan pero para talagang takot siya or may kinatatakutan.

Ngayon nasa park ako, kasama mga bodyguards ko. Hindi kasi ako papayagang umalis ng hindi sila kasama eh. Nasa malayo lang sila ng konti sakin kasi hindi ako komportable na nasa paligid sila. Isa pa kaya ko namang protektahan ang sarili ko.

Babe calling....

"Asan ka? Sabi ng Kuya mo umalis ka raw? Bakit ka umalis, alam mong delikado..."

"Relax, babe, kasama ko mga bodyguards ko kahit ayoko ko sana. Nandito lang ako sa park ng subdivision namin. Safe lang ako siguro rito dahil mahigpit naman ang security dito"

" You know, I can't relax knowing your life is in danger. Wag kang umalis jan pupuntahan kita."

"Okay, bilis---mmmhhhpppp" bigla nalang may nagtakip ng panyo sa bibig ko. May nalanghap akong kakaibang amoy dun sa panyo.Naririnig ko pa ang boses ni Jeff sa phone na nabitiwan ko. At nagdilim na ang panigin ko.

chapter 25:continuation po ito Meet  Mr. MalasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon