Chapter 2

8.3K 51 20
                                    

Chapter 2

Keeping Tabs

Okay, I admit it. Ayaw ko sa mga tao'ng mababait. Hindi nila magagamit 'yon sa survival setting ng mundong 'to. Dito pa nga lang sa school na pinag-aaralan ko, kapag mahina ka...ikaw ang target nila. Also, ayaw ko rin naman sa mga tao'ng nasobrahan sa kagaguhan. Hindi talaga nila alam kung paano sila titigil sa pananakit nila ng ibang tao.

Nasa eleventh grade pa lang ako, unang taon sa senior highschool, pero marami na ako'ng nasasaksihan na hindi maganda.

Don't get me wrong, I'm not tolerating them.

It's just that, wala ring magagawa ang kagaya ko upang pigilan ang mga bullies sa mga kinakawawa nila. Kagaya na lamang nitong lalaki'ng nasa harapan namin. Pinapakilala siya ng professor namin dahil late siya'ng nag-enroll for like a month.

"Introduce yourself to the class," maikling sambit ng professor ko saka tumalikod upang magsulat sa whiteboard.

Tumango lamang ang lalaki at yumuko. Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaklase ko'ng lalaki sa bandang likod. Umiling ako. Hindi maganda ang nararamdaman ko para sa bagong salta na 'to. He doesn't deserve this on his first day.

"I-I'm Joseff Claude Gonzalo."

Nakita ko'ng pumula ang mga pisngi niya at napapapikit siya nang mariin sa harapan. What's with him? Hindi ko alam kung ano'ng nakakahiya sa pagpapakilala? Lalong lumakas ang tawanan ng mga lalaki sa likod. Hindi 'yon pinapansin ng professor namin at nakakainis na para ba'ng ayaw niyang sawayin ang mga ito.

"B-B-Bakit ka n-nauutal?" nanunuyang tanong ng kaklase ko'ng si Andrus.

Nagtawanan ang lahat. Hindi pa rin lumilingon ang professor namin. Tinignan ko ang bago ko'ng kaklase at napansin ko'ng nakayuko pa rin siya. What now?

Nilingon ko si Andrus saka tinignan nang masama.

"What?" tanong niya sabay apir sa mga kaibigan niya. Inirapan ko lang siya.

Humarap na ang professor namin saka kami tinignan lahat. Or should I say, tinignan ang mga bakanteng upuan sa tabi namin. Nang makitang bakante ang pwesto sa harapan ko, itinuro niya 'yon. Tumango lamang si Joseff at naupo rin.

There...

Sana lang ay ma-overcome niya ang mga tao sa klaseng 'to. Sana lang.

Pagkatapos ng klase ay inaya ako ni Andrus lumabas para kumain. Tinanggihan ko siya. Sawa na ako'ng samahan ang kupal na 'yon. Hindi naman nagpapigil si Andrus kaya mabuti naman.

Napansin ko'ng hindi pa rin tumatayo si Joseff sa kinauupuan niya. Tinapik ko siya. "Hindi ka pa kakain? Break na."

Tinignan niya lang ako. "Hindi ko alam kung saan ba ang canteen dito."

Ngumiti ako saka tumawa. "Ano ka ba, kaya nga kita tinatanong kasi pwede naman kitang samahan."

Tinitigan niya lang ulit ako. It was kind of awkward kaya tumalikod na ako sa kaniya. "Tara na!" utos ko.

Tumawa siya saka tumayo. Napalingon ako. Seryoso na ulit ang mukha niya.

Did I just hear him laugh?

Or was I hallucinating?

I don't know...we should eat.

Sinuggest ko sa niya na bumili kami ng pagkain sa canteen at kumain sa bleachers ng P.E. center. Monday ngayon at wala'ng mga estudyante roon. Hindi sa nakakahiya siya'ng kasama, gusto ko lang kilalanin siya. And maybe, kung papayag siya, maging kaibigan rin niya.

Nagustuhan niya ang suggestion ko kaya ginawa namin 'yon. Ilang minuto kami'ng naglakad patungo sa bleachers at naupo sa paborito ko'ng spot.

"Sure ka'ng okay lang sa'yo 'tong kakainan natin?" tanong ko sakaniya habang inaayos ang mga pagkain namin.

"Oo," maikli niyang sagot.

Tinagilid ko ang ulo ko at tinignan siya nang mapanuri. "Hmm, ang sungit mo naman sumagot." Tumawa ako. Nakatitig lang siya nang seryoso. Umiwas naman ako ng tingin.

"Hindi ko alam kung bakit mo ako sinasamahan."

Umupo ako sa gilid, umupo naman siya sa harap ko. "Masama ba?"

"No. I'm just thankful."

Ngumiti siya at kinuha ang pagkain niya.

"Really? Maliit na bagay lang 'to, ano ka ba!" 

Tumawa ako para itago ang kaba'ng nararamdaman ko. Hindi pala ako sanay na sabihan nang ganito ng lalaki. Ang lakas nga naman ng loob kong samahan 'to nang mag-isa.

"Wala ka ba'ng kaibigan?" pareho naming tanong.

Napatingin ako sa kaniya. Tumawa ulit ako pero umiling at ngumiti lang siya. Wow, simple gestures. Masyado siya'ng limited gumalaw.

"Ikaw muna," utos niya.

"Meron. Nasa ibang strand lang sila. Si Louisse nasa HUMSS at si Jai naman ay nasa ABM."

Tumango-tango siya. "Ikaw?" tanong ko ulit.

"Wala...kakalipat ko lang diba?"

Natahimik kami'ng dalawa. Tahimik lang kami'ng kumakain. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at sinamahan ko ang isang 'to.

"May sasabihin ako."

Inangat niya ang tingin niya sa akin. "Ano?"

"Bakit yuko ka nang yuko kanina? Nahihiya ka ba sa harap?"

Umiling siya. "Oo."

Tumawa ako at hinampas ang braso niya. Napatingin siya sa braso niya dahil sa ginawa ko. "Umiling ka tapos oo naman ang sagot mo. Ang gulo mo!" Tumawa ulit ako.

Tumikhim siya. "Hindi mo maiintindihan kasi hindi mo pa ako kilala." Ngumiti siya at nagkibit balikat.

"Alam mo, sabi ng mga magulang ko...'wag kang gagawa ng mga bagay na magpapayuko at magpaparamdam sa'yo ng hiya. Those thing aren't worth your time."

"Ayaw ko lang talaga nakikisalamuha."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Masyado ka namang mahiyain. Sige ka, marami ka'ng mamimiss na opportunities."

Ngumiti ako at kumain ulit. Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko. Nag-isip ulit ako nang pwedeng i-topic. Nakakahiya naman sa isang 'to na wala'ng effort dugtungan ang usapan, e.

"So, hindi mo ba itatanong ang pangalan ko?" panimula ko.

Tinignan niya ako nang nagtataka. Saka ko lang na-realize na ang hambog ng tanong ko. Hindi ko mapigilang matawa. Hindi naman siya natawa sa inakto ko.

"Kailangan ba? I only want to get people's names if and only if I want them to keep tabs on me...and well, vice versa."

Nahiya ako sa tinanong ko at tumango na lang. Nang matapos kami'ng kumain at tumayo na kami. Nauunang siya'ng maglakad. Sumusunod lang ako. Huminto siya bigla kaya nauntog ako sa likuran niya. Mas matangkad siya nang kaunti sa akin.

"Ay..."

Humarap siya sa akin. "Paano, mauuna na ako, Serah...salamat." Ngumiti siya bago tuluyang maglakad palayo.

Napakunot na lang ang noo ko dahil lito pa ako sa nangyari. He just said my name. Ibig ba'ng sabihin nito...

He wants me to keep tabs on him?

What?

SyncWhere stories live. Discover now