Ch.39: Pwde ako naman?!

2.7K 56 29
                                    

AT DAHIL MAY PASOK AKO BUKAAAAAAAAAAAS. HUHUHU

--

DANI'S POV

Sa tingin ko naging okay naman yung pag amin ni ranz kay Mayumi. Masaya silang lumabas ng room eh. Lahat kami naka abang sa kanila sa labas para silang bagong kasal. =)) Nang biglang may nag text sakin.

To: Dani 

"Dani, sorry kung nagpapaka fc ako pero kailangan kita ngayon. Nandito ako sa canteen."

Yang text na yan galing kay Allayca. May problema siya? Ano naman kaya yun. Kaya agad agad akong pumunta ng canteen habang sila tuwang tuwa sa pag ch-cheer kila ranz.

Pag dating ko ng canteen ka agad kong nahanap si Allayca kasi wala pa namang mga estudyante dun dahil di pa breaktime. Nakita ko siyang naka upo mag isa nasa may sulok yung pinag table-an niya. Mukhang ang lungkot lungkot niya.

"Allayca." tawag ko sa kanya habang naka tayo ako sa may tabi niya.

"Dani!!" tawag na pabalik sakin ni Allayca tapos bigla siyang tumayo at nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla niya akong niyakap para siyang bata na iniwanan ng magulang.

Pagkatapos nun umupo na kami. Tumabi na ako sa kanya. "Anong problema?" tanong ko kay Allayca.

"Paano kung yung taong mahal mo may nililigawan na?" tanong sakin ni allayca. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Nililigawan?" tanong ko ulit. Mag tanungan nalang kaya kami? Wala akong nakukuhang sagot eh. =))))

"Yung mahal ko kasing bestfriend may nililigawan na." pagpapaliwanag ni Allayca. Mahal? Bestfriend? Binyel ba ito?

"Si RANZ?!" pagulat kong tanong sa kanya.

Napabuntong hininga naman siya bago niya ako sinagot, "Mahirap mang tanggapin pero oo eh. Sa dinadami siya pa." sagot niya sakin.

"Alam ba niya to?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Ayaw ko kasing masira yung pag kakaibigan namin eh. Natatakot ako na layuan niya ko." sagot sakin ni Allayca.

"Sabihin mo kaya? Graduating na naman tayo eh." sabi ko.

"Para san pa? Siguro okay na tong mag bestfriends kami. Kahit ang sakit sakin, okay lang tatanggapin ko." sabi sakin ni allayca tapos tumingin siya sakin at nginitian niya ko.

"Sigurado ka?" ang kulit ko rin eh noh? :(((((( hindi pa kasi ako na iin love sa bestfriend. Sabi ko sa sarili ko nun kung ma iin love man ako sa bestfriend ko sasabihin ko sa kanya.

"Oo naman. Mamahalin ko nalang siya ng patago. Wala namang masama dun diba?" spell martryr? A-L-L-A-Y-C-A grabe idol ko to. =))) Kung ako siguro nasa kalagayan niya parang pinapatay ko na yung sarili ko. Panoorin mo ba naman kasing yung mahal mo mag mahal ng iba? -___________- Parang sinasaksak mo na yung sarili mo nun eh.

"Si allayca ang martyr na bestfriend ni ranz." sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. loko.

"Wala eh, ganun talaga pag nagmamahal ka. Magiging masaya ka sa taong mahal mo kahit hindi ikaw yung dahilan kung bakit siya masaya." allayca. Napangiti lang ako sa sinabi niya sakin.

"Tara na?" yaya sakin ni Allayca.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Tara na." sabi ni allayca tapos ayun sabay na kaming bumalik ng classroom.

--

UWIAN NA.

Habang nag kakagulo lahat ng mga estudyante sa room at syempre sa hall way bigla kong hinablot si ranz. HInawakan ko siya sa wrist ah hinila papunta sa wala msyadong tao. MOMENT NA NIYA KANINA AKO NAMAN.

"HOY KAILANGAN NATING MAG USAP!" sabi ko kay ranz.

Napakunot naman siya ng noo sabay sabi ng "Tungkol nanaman saan?" NANAMAN?! eh ngayon ko pa nga lang siya seryosong kakausapin.

Binunot ko yung bracelet na nakita ko sa locker nila Owy at pinakita kay Ranz.

"ANO YAN?! MUKHA BA AKONG LOST AND FOUND? DUN MO SA LOST AND FOUND IBIGAY YAN." sabi sakin ni ranz.

"HINDI MO BA NAAALALA?" tanong ko sa kanya.

"ANO BA DAPAT KONG MAALALA AT SKA TNGNAN MO OH MUKHANG LUMA NA YANG BRACELET NA YAN!" ranz.

"RKVEO OH!" dani.

"BAKIT AKO LANG BA RKVEO SA MUNDO?" pagpepelosopo sakin ni ranz.

"HINDI MO BA NAALALA BINIGAY KO SAYO TO NUNG MGA BATA PA TAYO!" pagpapaliwanag ko kay ranz.

Inagaw naman sakin ni ranz yung bracelet tapos pinagmasdan niya.

"OO NGAAAAAAAA NAAALALA KO NA ITO YUNG KINUHA NI---" naputol kasi biglang may nag salita galing sa likod ko yung boses.

"AKIN YAN AH!"

--

Next Chapt. ;)

Stuck in the moment. ♡ ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon