Ch.30: night night night. =))

3.4K 75 33
                                    

Dedicated po kay @JoceLynVeronica @MinMinLove13 @ja_lee15 @_RANZterific22 Happy 25k reads satin. Ang bilis. Nakakaiyak. Sa totoo lang nakakabisado ko na mga username niyo! Nakakatuwa.

Thankyou sa pag dedicate @ohohberna ;) Basahin niyo yung story niya! http://www.wattpad.com/17925662-it-all-started-with-a-mess-chicser-owy-posadas-fan#.Uai4hch1qZQ I-vote niyo na din ha! =)) BAWAL SNOB.

Natutuwa ako sa mga comment niyo. =)) Grabe, story lang naman yung ginawa ko pero grabe yung mga comment niyo. Nakaka overwhelm. :"> Hihi. Kinikilig ako. Shemayyy.

Sorry sa mga typo ha, pag napansin niyong meron. Pagbigyan niyo na. =)) Hindi ko na ksi napapansin eh basta pag natapos ko kasi publish na ka agad kaya ayun. :)) Baka akalain niyo kasi di ako marunong mag spelling. :( HUHUHUHUHUH

Sa mga nag memessage, syempre may facebook, twitter, at instagram ako! =)) Papahuli ba naman ako. Sa panahon ba naman ngayon eh. -____________- May WeChat pa nga eh! Pero nahihiya ako sainyo. =))

Vote and Comment. ;)

--

OWY'S POV

On the way na ako dun sa hotel kung saan gagawin yung highschool night. HIndi ko alam pero kinakabahan. First time?! Naisipan ko ngang sunduin si dani pero naalala ko hindi ko nga pala alam bahay niya. =)) Tinext ko siya pero feeling ko hindi na yun ang number niya. Tinanong ko din si ranz pero hindi naman siya nag reply. Busy?! Okay na nga, magkikita kita naman kami dun eh.

Kinuha ko nalang yung headset ko at nag soundtrip habang nakatingin sa may bintana tamang emote lang. Tiningnan ko din yung cellphone ko kung may nag text pero puro mga number na hindi naka save. Tinry ko silang replyan lahat pero hindi ko kinaya.

Napansin ko nalang na huminto yung kotse kaya tinanggal ko yung headset ko at napasilip kung nasan na kami at nakita kong mahaba yung pila ng mga sasakyan. Isa isa kasing bumababa yung mga estudyante sa lobby para hindi na mag papark yung kotse at hassle kasi pag nag park pa eh di maglalakad pa sila papuntang lobby? =))

"Sir." sabi sakin ni kuya. Nagpahatid kasi ako. Nginitian ko nalang siya bilang pasasalamat sa paghatid niya.

Pababa na ako pero bigla akong napatigil sa nakita ko..

Una, napangiti ako kasi bumaba si dani. Ang ganda niya. Mukhang nahihiya pa nga siya eh kasi nung pag ka baba niya pinagmasdan pa niya yung ibang mga tao sa lobby. Lumingon naman siya dahil mau tumawag ata sa kanya. Ewan ko, basta lumingon siya.

Pagkatapos nun, nakita ko namang bumaba si Cav tapos parang nag uusap sila. Bakit sila magkasabay? At parang napapadalas na ata? Anong meron? Oh baka naman nag kakataon lang. HIndi ko rin alam. Naguguluhan ako. Nung nakapasok na sila tska lang ako bumaba ng kotse parang nawalan ako ng gana.

Pagkapasok ko, hinanap ko agad yung table namin. Nakita ko si ranz at cav mag kausap tapos si dani naman may sariling mundo. Agad ako lumapit sa kanila hindi pa ako nakakaupo inasar na agad ako ni ranz, "pogi pre ah! pinaghandaan."

"Mata mo, nawawala nanaman." sabi ko sa kanya. Naka ngiti kasi siya habang sinabi niya sakin yun. =)) tapos umupo na ko. Umupo ako sa tabi ni dani, o.p siya eh.

Nakita ko naman na parang inis na yung mukha ni dani. Hindi pa nga nag sisimula eh. =)) "Ang ganda mo naman." sabi ko sa kanya.

"Ayaw ko ng maging maganda, ang kati kati nitong damit na to!" sabi ni dani tapos hinihila yung dami basta kung ano man tawag dun. =)) Natatawa tuloy ako sa ginagawa niya.

"Tinatawanan mo pa ko!" sabi ni dani tapos ang sama ng tingin sakin. Buti kinakaya ni Cav pag nagtatalo ito pa nga lang nakakatakot na si dani eh. =))

Stuck in the moment. ♡ ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon