9: She's so gullible.

133K 2.2K 282
                                    

Malapit na syang matapos. Weee! Sana magustuhan nyo magiging ending. Salamat sa mga nagsupport nito. Makakatapos na ulit ako ng short story, I'm really happy. <3

Vote, like and leave a comment. 

- 9 -

She's so gullible.

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

"one day, everything will change. "

- Unknown

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

-9-

She's so gullible

"I'm here!"

"Wow! On time ka ngayon."

"Shemperds. Magpapalate sana ako ng mga 30minutes kasi nabasa ko sa internet na dapat daw ang babae nagpapalate sa date para masukat nya daw ang patience ng kadate nya."

"Ano namang mga katangahan pinagbabasa mo." =_=

"Hoho. Forum yun! Pero hindi ko sinunod kasi alam kong maiinipin ka eh."

"Buti alam mo..." =__=

"Pero hindi rin totoo yun,"

"Ang alin?"

"Yung maiinipin ka, kasi nung nanuod tayo ng sine at nagpunta tayo sa park nagawa mo akong maintay kahit sobrang late ako."

"Eh? Ginawa ko iyon?" tinuro ko sarili ko ng hintuturo ko na hindi makapaniwala at matandaan kung ginawa ko nga ba iyon.

Pero tumawa lang sya at hinigit ako sa kamay, "Tara na, mamaya dadami na ang tao at sisikip na." ^v^

Oo nga pala, dahil official 'couple' na kami ay halos araw araw nya akong niyayang lumabas na lagi nyang tinatawag na 'date'. Blackmailer itong babaeng ito, ayaw kong makarating sa klase yung recorded voice ko. Ang hirap pa man din ideny yun kung boses na boses ko ang nakarecord. Kaya no choice ako kundi pumayag na maging 'christmas boyfriend' nya. Hanggang new year daw. Pakshet na holiday yan oh, nagkainstant baliw na girlfriend. Great, just great. ~__ ~

December 24 na ngayon at sobrang dami ng tao kasi "last minute" hour na ng pagbili ng mga regalo para sa pasko bukas. Pakshet, ayaw ko man din maglakad sa lugar na matatao, halo halo kasi mga amoy. ~__~

"Dyan ka lang sa labas ok? Wag kang papasok." paguutos nya sakin nung nasa tapat na kami ng isang home materials shop, "Bibili ako ng panregalo ko sayo bukas kaya dyan ka lang ok? Saglit lang ako. Wait ka lang dyan."

"O sige na, sige na. Bilisan mo ha!" 

"Roger!" nakangiting sumaludo sya sakin at pumasok na ng shop. 

Naiwan ako sa labas kaya sumandal na lang ako sa pader malapit sa pinto, nakataas at nakasandal ang isang paa ko sa may pader at sinalpak ko ang headset ng cellphone ko sa tenga ko at binalik ang mga kamay ko sa aking bulsa pagkatapos.

That Girl 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon