3rd part

178 3 0
                                    

Steph's POV

"Ok ka lang? Tulala ka na naman." Mga tinig na na dumampi sa aking tenga mula sa aking likuran.

Bagama't tatlong taon na ang lumipas, sariwang sariwa pa rin sa aking isipan ang nakagigimbal na  pangyayari.

"May tumawag ba sa cellphone ko? Tanong ko

"Tigilan mo na nga yang paghihintay sa tawag nya! Ni sa text nga di nagpaparamdam. Bakit hindi mo subukang mamasyal sa labas? Magdamag ka na naman sa kwarto mo." Padabog nitong sagot

Tumingin na lamang ako sa kanya at yumuko. Huminto ako ng isang taon sa pag-aaral at nag ho home schooling ako ngayon. Mas mainam na raw ito para sa kin sabi ng aking psychiatrist.

"Look.. It's been 3 years. Alam kong mahirap. Pero please anak? Kelangan na nating kalimutan ang nakaraan. Para san pa ang pagpunta natin dito sa  probinsya?"

Tama sya. Pero paano ko ito makakalimutan kung hanggang ngayon ayaw akong patahimikin nito ng sarili kong pag-iisip.

After ng nangyari, sa Palawan na kami nanirahan. Mas nakabubuti na ito para magkaroon ako ng katahimikan at kalimutan ang lahat ng nangyari. Pero hindi. Mali ako. Binabagabag pa rin ako ng mga pangyayari hanggang sa panaginip.

"Nga pala. Nakalaya na si Tristan sa ospital last week. Nakalimutan kong sabihin. Di ka kasi makausap nakaraan. Mukhang bumabalik na daw sya sa katinuan."

"Talaga? Kung nagkataon nga, edi ako nalang itong hindi." Sagot ko sa mababang tinig

Naconfine si Tristan sa isang mental hospital. Hindi ko rin alam pero ganun kalala ang sinapit nya dahil sa mga pangyayari.

"Ano ka ba?" Hinawakan nya ang aking kamay
"Malalampasan natin ito."

Natatawa ako sa aking isipan. 'Natin?' Eh kalahati nga ng aking pinagdaraanan eh wala syang kaalam alam.

"Gusto ko muna mapag-isa.." Sambit ko

Agad namang umali si Mama.

Tatlong taon? Tatlong taon na pala ang lumipas. Simula noon, hindi ko na sila nakausap pang muli. Maliban kay Brent.

(safe and sound by Taylor Swift)

Biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag pala.

"Hello?" Agad kong sinagot nang hindi tunitingnan ang screen.

"MAGBABAYAD KAYO! HINDING HINDI NYA KAYO TITIGILAN!"

"Sino to?!" Napatayo ako sa aking kinauupan. Isang napakalaking boses na tila'y nagwawala ang sumagot

"HAHAHAHHAHAAHAHHAHAAHA!--

"Hello?! Hello.." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

May masamang mangyayari..

Kung sino ka man..

Kung ano ako man..

Tigilan mo na ako..

Ghost HuntingWhere stories live. Discover now