Chapter 10

116 9 4
                                    

Judy POV

"Can you just drop down your tone, ang ingay mo mika"

There you go, meron na akong isang maingay na kaibigan na parating buntot ng buntot sa akin, ayoko naman maging rude kay mika kaya pumayag na akong maging kaibigan nya at tutal naman ay wala din naman syang kaibigan sa school.

"Sorry na judy, natuwa lang kasi ako na parat tayong magkasama. Biruin mo yun meron na akong bestfriend" masaya nyang balita sa akin.

"What? At kelan pa kita naging bestfriend? "

"Eehh, grabe ka sa akin, bestfriend na tayo from now on."

Napaka hyper talaga nitong babae na ito, kinabaliktaran sya ng sa akin, i wonder kung nakakain ba ito ng pwet ng baboy kaya sobrang ingay.

Pabalik na ako galing cafeteria ng makita ko ulit si Dylan, naalala ko yung ginawa nya kanina, ang paghablot ng lalagyan sa akin. Bakit ganito ka rude ang lalakeng ito, napaka sungit pa na akala mo parating meron.

Dumaan sya sa harapan ko na parang hindi nya ako nakita as usual meron nanaman syang bored na muka. Pero ang mga babae ay parating napapalingon sa kanya, sino ba naman kasing hindi mapapalingon sa mga muka nya.

Napapailing nalang ako habang tinatahak ko ang room ng next subject ko kelangan kong magmadali para naman makapag review ako bago ang quiz na biglaan daw.

Natapos ang lahat ng subject ko na as usual tulad ng ibang estudyante na natatapos ang mga subject ng gabi na. Nakakapagod oo pero wala ganun talaga ang buhay.

Habang naglalakad ako ay bigla nalang ako nabangga ng isang lalake, nagulat pa ako kasi napaka laki ng field at talaga namang mababangga pa ako ng isang lalake. Nalaglag ang lahat ng libro ko, nakakainis kasi bakit kasi mambabangga pa.

"Miss sorry, nagmamadali lang sige una na ako" sabi nya na parang nagmamadali pa.

Lilingon na sana ako para mapagalitan sya kasi dali-dali ko munang pinulot ang tatlo kong libro ng mawala sya sa harap ko, aba't talaga naman hindi na ako tinulungan pumulot ng libro iniwanan pa ako agad. Kibit balikat nalang akong tumayo at umuwi, kung sino man ang lalakeng iyon. Karmahin sana sya.

(a/n: hi guys sorry sa late na update and sa short update, its just that masyado akong madaming ginagawa, take care guys)

ONE SIDED LOVE - OSLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon