Chapter 1

359 13 15
                                    

Chapter 1

"One sided love nanaman yan"

Napatingin ako sa classmate ko na sinasabi ang mga litanya nya, hanggang ngayon, love padin pala ang pinaguusapan nila, kelan kaya sila titigil at parang naririndi ako sa mga sinasabi nila.

"tignan mo yan si Judy, ganyan na ganyan ang isang One Sided Love"

Bigla akong nasamid kahit wala naman nakabara sa lalamunan ko sa sinabi ng classmate ko, talaga naman ako nanaman ang nakita nila, ako na walang malay, ako na walang ginawa kung hindi ang titigan ang isang lalake mula sa malayo.

"oo nga, ano? Isa nga syang ganyan, maganda naman ayaw nya pang Lapitan si Dylan, for sure mapapansin sya agad nito"

Tumingin na ako ng masama sa kanila, isa pa isang isa nalang namumuro na silang lahat sa akin, mga bastos parang wala ako sa harap nila at kung makapag chismisan eh sagad sagad. Bigla naman silang tumigil nung pagtingin ko.

Tumingin ulit ako sa malayo at natanaw ko nanaman sya. Dylan Ampil,2nd year college, gusto nyang maging piloto pero meron pa syang ibang bokasyon na gustong kuhain, hindi ko alam kung bakit parang napakadami nya atang gustong gawin, parang sumobra ata ang bigay ni god sa kanya at ganyan sya ngayon, nilulubos lubos ang lahat.

Masungit, walang duda, hindi sya palasalita, pero sikat na sikat sya sa school na ito, sino bang hindi makakakilala sa kanya. Every morning nasa simbahan na sya ng school, maaga pa sya sa mga guard na nagbubukas ng school, masyado syang devoted sa mga ginagawa nya. Isa pa, gwapo sya, matalino, deanlister, president sya dun sa organisasyon nila.

Yan ang mga alam ko sa kanya, isa pa pala SAKRISTAN nga pala sya. Malungkot ma aminin pero oo dun sya masyadong devoted. Minsan iniisip ko nga, baka naman magpari na ito, inaantay nya lang ang sign para makapag pari na sya. Sa pagkakaalam ko wala syang naging girlfriend pero meron syang special someone na hindi naming alam kung talagang nag eexist ba talaga. Masyado kayang pribado ang buhay nya.

"tignan mo, tinitignan nya nanaman sa malayo si Dylan, yayain na kaya natin yan sumama sa fans club nya ng sumaya naman sya at malapitan nya na yang si Dylan"

Anak nang, hindi talaga sila titigil hanggat nakikita nila ako, kaya naman dali-dali akong umalis para naman kahit papaano makapag isa ako, maka kain na din kasi medyo nagugutom na ako.

Pumunta na akong cafeteria, wala kaming pasok at vacant ako ngayon, pangalan ko Judy Grace Sy, 2nd year college, course ko? BSIT walang masyadong maganda sa buhay ko, bukod sa hindi ako palasalita, hindi din naman ako pala kaibigan, kaya wala kayong magagawa. Kundi alamin nalang ang totoong ako. Hindi naman ako masungit, pero sanay akong magisa, ayoko lang kasi ng masyadong maingay.

'masarap ata ang bakedmac ngayon' nakakatakam na sabi ng isip ko, syete ang sarap ngang tignan, naman gusto ko to

'ate pabili nga po ng dalawang order ng bakedmac, tsaka juice na din po pineapple flavor po' tinatakam ako ng konsensya ko. Ang sarap naman kasi nito. Mura pa 25 isang order at masarap na.

Inabot ko na ang bayad ko kay ate, tapos nang papunta na ako sa table meron hindi kanais-nais na nangyari.

Ang bakedmac ko.


ONE SIDED LOVE - OSLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon