Chapter Twenty Four

15 3 0
                                    

Ang Bilis talaga ng Araw, Isang Linggo nanaman ang Lumipas.

Isang Linggo nung Mapagdesisyunan namin na itigil na nya yung Panliligaw.

Isang Linggo na Puro Iyak bago Matulog ang Ginagawa ko.

Pumapasok ako sa Trabaho pero Lutang ako palagi.

Lalo na kapag Nakikita ko sya, Kapag nagsasalubong kami sa Daan, kapag may kailangan akong papirmahan. Nagkikita kami. Pero hindi na gaya ng Dati.

Lagi akong May nakikita na Babaeng Kasama nya, Mga Mukhang Model o Artista, Paiba Iba.

Minsan nga Nakikita nya ako na nakatingin sakanila ng Kasama nya e. Hindi nya ba naisip na nasasaktan ako. Kasi Mahal ko na sya.

"Deri, Anong Masasabi mo sa Babaeng Kasama ni Sir?" Sabi ni Kenneth kay Deri na katabi ko.

"Maganda, Mukhang Mayaman, at Bagay sila ni Sir noh! Bakit naiingit ka kay sir noh?" Nagtawanan kaming Lima.

"Alam nyo Guys, Nakakapagtaka lang, Dati wala namang Pumupunta dito sa Office ni Sir na ganyan diba? Nagtaka lang ako bakit Last Week lang bigla nalang may Ibat ibang babae ang Nagsusulputan!" Sabi ni Jas. Malamang Kasi dati, Ako pa yung niyayaya nyang mag Lunch at Dinner!

"Oo nga! Kung Babaero talaga si Sir, Dapat Firstday palang nagdadala na sya ng Girl!"Sabat ni Cynthia

"Malay mo, Busy lang sya this Past few weeks kaya hindi sya naggi Girlfriend, pero ngayon na tapos na yung deal natin sa Bigating Kompanya, Naisip nyang Sarili muna ang Isipin!" Sabat ni Kenneth. Di na ako nakatiis...

"Pero malay nyo, May niligawan sya dati kaso binasted na sya kaya ngayon naghahanap sya ng Babaeng Maliligawan!" Nakatulalang sabi ko. Napansin kong tumahimik ang lahat.. Pagtingin ko nakatingin silang lahat.

"Hugot?" Nagtawanan sila. "Ang Lalim ng Hugot mo ah? Binasted mo ba yung nililigawan mo Mam?" Napairap nalang ako at Umiling.

"Balik na nga sa Trabaho, Iniinis nyo ako e!" Nagsipag Angal naman sila.

"Joke lang naman Mam!"

"Si Mam di Mabiro!"

"Hala!"

"Haha! Biro lang! Magsi Cr lang ako ha?!" Sabi ko. Baka kasi sabihin nila ang Sama ko diba.

Dumiretso na ako sa Cr dito sa Baba. Tinignan ko yung Phone ko.

"Asan ka? Tyron toh! Nandito ako sa Company nyo!"

Yan ang sabi sa Text. Nagreply nalang agad ako.

"Aba! Hindi ka nagpapasabi na pupunta ka. Andito ako sa Cr sa Lobby, Pakiantay nalang ako sa Office ni Papa!"

NagCR agad ako at naglagay ng Lipstick na Konti, at Foundation.

Paglabas ko ng Cr. Nagulat ako sa Matang Nakatitig sakin. God. Hindi ko alam ang Iniisip nya.

Basta nakatitig lang sya sakin.

At The Heck. Anong ginagawa ng Isang Matinong President ng Isang kompanya sa Labas ng CR ng Babae.

"Gosh! Ang Tagal mo. Nagugutom na kaya ako!" Sabi nya sa Malambing na boses. Inaantay nya ako? Tsaka kumain na ako.

"Sorry! Nabura kasi yung Blush on ko e!" Napatingin ako sa Babaeng Nagsalita sa Likod ko, na papunta sa Kinaroroonan ni Kirby. Awkward! Di pala ako.

"Babes!" Napatingin ako sa Tumawag ng Pamilyar na CS at pamilyar na Boses.

"Tyron!" Gulat na sabi ko. "Sabi ko sa Office ka nalang ni Daddy Magantay! Pasaway ka talaga!" Natatawang sabi ko habang nilalapitan sya.

"Tss.. NaMiss kasi kita! Kaya dumiretso na ako dito di ko na kayang Magantay sa Office ni Tito noh!" Tumawa ako. Baluga talaga toh.

"Lunch tayo?" Tanong nya. "Kaka Kain ko lang sa Canteen!" Napadapo sandali yung Mata ko sa Kinaroroonan nila Kirby at Girlfriend nya ata.

Naguusap sila, nakatalikod yung Babae, Pero nakatingin sakin si Kirby. Masamang Tingin.

Kumunot noo ako, Na parang tinatanong kung Anong nagawa ko.

Biglang Umakbay sakin si Tyron.

"Tara na kako! Samahan mo nalang ako, Ang Haba kaya ng Byahe!" Sabi nito habang nakaakbay at hinatak na ako paalis doon.

~~

"So kamusta ka na?" Tanong nya.

"As you can see buhay pa!" Natatawang sagot ko. "Ikaw balita ko ikakasal ka na!" Biglang nawala yung ngiti nya.

"Dapat!" Simpleng sagot nya. "Pero mukhang hindi kami para sa isat isa e!" Ngumiti sya ng Plastic.

"Malungkot ka na. Wag na nating pagusapan!" Tumango sya at Kumain na.

Hanggang sa Napunta ang usapan namin sa kung saan saan.

Si Tyron, Kababata ko sya.. Magkakilala kami since Elem. Alam ko lahat ng Tungkol sakanya dati, at ganon din sya sakin. We're Bestfriends back then.

Pagkatapos naming magkwentuhan Umakyat na ako sa Office ko at Nagpatuloy sa Trabaho hanggang Uwian.

"Jenina! Bakit nanjan ka pa?" Tanong ko ng Makita ko si Jenina sa Cubicle nya.

"Mam, OT po kasi ako.. Gusto ko na ngang umuwi kaso bukas na yung Deadline nito!" Tumungo sya sa Mesa

"Okay Goodluck!" Sabi ko nalang.

"Ingat Mam!" Bumaba na ako at Sumakay sa kotse. Nag Drive papuntang Bahay.

By the way Nakabili ako ng Condo unit malapit lang sa Office. Pero di ko tinitirhan muna, Bukod sa Hindi pa alam ni Papa, Magulo pa sya.

Pagkauwi ko. Parang ang Tahimik.

"Manang tawag ko!" Napatingin si Manang habang sinasarado ko yung Pinto.

"Si Papa?" tanong ko.

"Ayy.. Mam, Nasa Cebu daw pu sela.. Pakesabi daw pu saenyong tatlung araw daw selang Mawawala. Naewan pu si Justine, Nandon pu sa Kwarto niya!" Sabi ni Manang Sita. Tumango ako. Masaya na sana kaso bat naiwan si Justine.

Kumain na ako ng Dinner. Tapos umakyat na sa Kwarto. Naligo, Nagbihis bago mahiga.

"Mam! Mam! Mam!" Nagising ako ng makarinig ng Katok at Tawag sa Pinto.

Binuksan ko yung Pinto ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Mam, kase po may Lalaki pong Nagwawala sa Labas. Hindi po namin mapaalis kasi Kaibigan nyo po!" Kumunot noo ako.

"Kaibigan? Wala naman akong Pinapuntang kaibigan dito.. Ng Ganitong Oras?!" Nagkibit balikat si Manang Cora.

Bumaba na ako, Walang Pakialam kung naka Manipis na Pajama at Manipis na VNeck lang ang Suot ko. Matutulog kaya ako.

Paglabas ko nakakita ako ng Lalaki sa Gilid ng Gate namin. Nakatungo sya.

"Kirby?" Tanong ko. Napalingon sya sakin..

"Stephy!" Sabi nya sabay tayo at Yakap sakin. "Let's Talk please! Let's talk!" Naaamoy ko ang Alak at Minth sa Bibig nya. Bakit ang Bango ng Bibig nya.

Pero mas pumukaw sakin ang sinabi nya. Let's talk? Ano bang sasabihin nya. May dapat ba kaming Pagusapan? Sabi ko tumigil na sya sa Panliligaw then sabi nya 'OKAY' tapos ngayon let's talk?

My RevengeWhere stories live. Discover now