Chapter Seventeen

56 3 0
                                    

Stephanie Evanguelista

Niyayaya nya akong kumain mamaya, Date ba yun?

Stephanie wag ka ng umasa, May Girlfriend na nga diba.

Pero bakit nya ako niyaya? Di bale itataanong ko nalang sakanya.

7:12 na, Baka hindi sisipot? Bahala na, uuwi nalang ako.

Pagbaba ko ng elevator nag Log out agad ako, pasakay na ako ng Taxi ng may humintong Black at Tinted BMW s tapat ko.

Bumaba ang isang lalaki, Matangkad, Matangos ang ilong, Halatang may Pinagaralan.

Ngumiti sya saken bago buksan ang Kotse.

" Kanina pa kita inaantay, Pero di bale. Sakay na.!" Sabi ni Kirby.

Sumakay na ako, umikot sya saka sumakay.

"Stephanie----" hindi ko na naintindihan yung sinabi nya, dahil titig na titig ako sa mukha nya.

"Hey!!" Napunta ako sa realidad at nakita kong kinaway nya ang kamay nya sa Tapat ko.

" Haa??!" Tanong ko.

" Ako na nga!" Napasandal ako ng Lumapit yung mukha nya, kusa nyang ikinabit yung Seatbelt saakin.

Haaayy!

NagDrive na sya.

" Akala ko lasing ka pa, Wala ka kasi sa sarili." Natatawang sabi nya, namumula kaya ako?

" but i know hindi ka lasing, Hindi mo kasi ako tinatawag na Guardian Angel mo!!" Tumawa ulit sya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit dahil pinagtatawanan nya ako o Dapat ba akong Matuwa dahil kasi sakin tumatawa sya.

" Teka! Nung lasing ba ako kagabi sinabihan kitang Guardian Angel ko??" Nakakahiya.

" Yap, Sabi mo isumbong ko ang Papa mo kasi Nasasaktan ka na!" Biglang sumiryoso ang Mukha nya.

" Nakakahiya, Im Sorry hindi na dapat ako naglasing!" Nakayukong sabi ko,

Nakikita ko sa Peripheral Vision ko na nakatingin sya sakin.

" Hindi naman!, Ang Cute mo nga e!" Napatingin ako sakanya.

Ngumiti lang sya, saka tumingin sa Dinadaanan namin.

Ako Cute? ^___^

Ng Makarating kami sa Restaurant, Lahat ng mata nakatingin samin, No Actually sakanya lang. Ang Gwapo naman kasi ng Kasama ko.

May naririnig pa akong magSyotang nagaaway, Please wag namang dahil sakanya.

Umupo na kami sa bandang Gitna, Maganda naman yung Restaurant, Gold, Dark Brown and White ang Motif, ang Ganda ng Combination.

Lahat ng Kumakain Halatang may Class. Hindi naman sa First time ko makarating sa gantong Lugar, Pero ang Ganda talaga.

"Teka, Hindi ba magagalit yung Asawa mo na kasama mo ako??" Napakunot yung Noo nya. Naparang di nya ma Gets yung sinasabi ko.

"Wala Akong Asawa!" Oh oh! Ayokong itanong yung gusto kong malaman, pero baka sabihin nya Chismosa ako.

"E diba Girlfriend or Asawa mo si Fei?" Napakunot noo nya pero nawala din, at bigla syang tumawa.

Nagtinginan yung mga tao.

Ano nakakatawa??

"S-Si Fei, hahahaha! Si-Si Fei, Di ko sya Asawa or Girlfriend, B- Bestfriend ko sya!" Humina na ang Tawa nya.

"Akala ko kas--"

" Wait!! Kaya ba last time sinabi mo saking Ayaw mong maging Kabet?" Tumawa ulit sya. Nakakahiya talaga. "K-kasi akala mo asawa ko si Fei!"

My RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon