A Vampire Story; The Other Side (Teaser)

1K 23 13
                                    

TEASER:

Sa isang madilim na lugar ako ay naglalakad. Sa hindi ko alam, may mga sumusunod na pala sa akin. Pilit kong binibilisan ang aking paglakad ng sa gayon ako ay hindi nila maabutan pero napakabilis nila. Naisip ko ng tumakbo pero sa kahit anong bilis ang gawin ko, nakakasunod pa rin sila. Anong klase sila? At sila ay napakabilis. Nakakadama na ako ng takot. Binilisan ko pa ang aking takbo, at nakarinig ako ng sigaw isa sa kanila. Hinahabol pa rin nila ako, sila na ay tumatakbo.

Sa hindi ko inaasahan ako ay natisod at natumba. Babangon na ako ng may nakita akong nakatayo sa harapan ko. Hindi ito pwede, naabutan na nila ako. Lumingon ako sa likuran ko at du n nga nakatayo ang dalawa pa, tatlo lahat sila, dalawang lalake at isang babae. Lahat sila ay nakakatakot ang itsura, ang mga tingin nila para bang sila ay nasasabik. Napababa ang aking tingin at nakita ko ang mga matutulis nilang mga kuko, napaangat ako at ngumis sila nakita ko ang kanilang mga…pangil?

Gulong gulo ako, anong klase bang nilalang sila? Ang lalakeng nasa harapan ko, hinawakan niya ang aking baba dahilan para ako ay pilit na mapatayo. Nanggigil na ang dalawa niyang kasamahan. Nais na nila akong suklaban. Ang puso ko, bumibilis ang pintig ng puso ko. Nais kong sumigaw at humingi ng tulong. Pakiusap, iligtas niyo ako. Ilayo ninyo ako sa kapahamakan. Lumapit pa ang dalawang niyang kasamahan at hinawakan nila ang magkabila kong kamay, nakatingala pa rin ako dahil sa hawak ng lalakeng nasa harapan ko ang aking baba.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko siyang ngumanga at namasdan ko ang kanyang matutulis na mga ngipin. Kakagatin na sana niya ang aking leeg ng may marinig akong boses, boses ng isang lalake. Salamat dahil sa dininig niyo ang aking hiling, pakiusap ako ay iyong sagipin. Sa tono ng boses niya, nais niya akong mapakawala sa tatlong ito. Hindi ko alam kung sino siya dahil sa ako ay nakatalikod. Binitawan ako ng lalake.

At hinarap niya ang taong sasagip sa akin. Pinilit kong humarap sa kanila pero hindi ko makita ang mukha ng lalakeng sasagip sa akin, natatakpan ang mukha niya sa dilim. Sumugod na ang lalakeng may hawak sa akin kanina at itinaas niya ang kanyang kamay na may matutulis na kuko. Sinugod niya yung lalakeng magliligtas din sa akin pero mas mabilis pala siyang kumilos sa kanya kaya naman naiwasan niya ito. Lilingon na sana yung lalaki nang maunahan na siya. Bago pa man siya makasugod ay…ha?!

Nagulat ako sa aking nasaksihan. I-isa din pala siya sa kanila, pareho din siya sa tatlong humahabol sa akin, p-pero bakit nais niya akong iligtas? Pinutol nung lalaking maglilitas sa akin ang lalaking may hawak sa akin kanina. G-gamit nang kanyang kamay na sa d-dulo nito ay ang m-matutulis niyang kuko. D-dugo? Napakadaming dugong dumadaloy sa may kalsada. Sumugod na ang isang may hawak pa sa akin, yung babae.

Pero bago pa niya masaktan yung lalakeng magliligtas sa akin ay nagapi na din siya dahil sa..ha?! n-nabutas ang kanyang dibdib. Duguan na ang kamay ng lalake dahil sa ginawa niya. Nakababa ang kanyang mga kamay at duon pumapatak ang dugo ng kalaban. Nagulat ako dahil sa lalaking may hawak sa akin hinawakan niya ang ulo ko para malaya niyang makagat ang aking leeg. Hindi ako makapalag sa higpit ng hawak niya.

Kinagat niya ang aking leeg at napasigaw ako ng malakas. Agad sa naman itong natigil, hindi ko alam. Ang paningin ko, dumodoble ang paningin ko. Para bang ako ay tutumba na para bang namanhid na ang buo kong katawan, wala akong maramdaman.

Minulat ko ang aking mga mata, at nasilaw ako sa sobrang liwanag, wala akong makita. Unti-unti kong binubuksan ang aking mga mata at nakita ko nga ang paligid, wala kang makikita kundi kulay puti ng paligid maliban sa akin na nakasuot ng itim. At, t-teka, b-bakit duguan ako? Nanginginig akong hinawakan ang aking leeg at nang makita ko na ito ay nakita ko ang aking dugo. Hindi maaari ito. May narinig akong boses, hindi ako makapagkamali boses yun nila Papa at Mama.

Narinig kong may bumanggit ng pangalan kong “Sam”. Naluha ako dahil sa tagal ko ng hindi siya nakikita ay mamamasdan ko uli ang itsura niya, si Kuya. Nakita kong may dalawang batang naglalaro sa aking harapan. A-ako ang babaeng iyon at s-si Kuya. Gusto ko na ulit makita si Kuya. Unti-unting tumatakbo palayo sila sa akin, naglalaho na para bang bula. Wala na, wala na sila hindi ko na sila makikita pa. may narinig akong mga tawa.

Si mama at si papa ‘yon. Hinanap ko sila sa paligid ko pero, utni utni ding nawawala ang mga boses nila. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa napansin kong may dugo. Sinundan ko kung saan ito nanggagaling at tumumbad sa aking harapan ang nakahalundusay na si mama. Duguan ang kanyang leeg, nanlambot ang aking katawan at napaluhod sa kanya at dun ko napansin ang dalawang maliit na bilog sa leeg niya. Yinakap ko si mama at napansin ko pa ang ibang duguan.

Si papa, ako nung bata at si…hindi ko kilala ang isang binata. Malapit din ba siya sa akin? Kasi hindi ko siya kilala. Linapitan ko ito pero, wala siyang mukha. Tulad ng mga nakita ko ay pareho ang dahilan, lahat sila duguan at dahil dun sa maliit na bilog sa kanilang leeg. May narinig akong mga yabag, at bigla akong kinilabutan. Napatingin ako sa likod ko at nakatayo ang mga kakaibang nilalang, mahahaba ang kanilang kuko at matutulis ito, may mga pangil sila at para bang natatakam sa akin at parang nais nilang matulad ako sa mga magulang ko at sa isang binata na hindi ko naman kilala.

Nagulat ako ng may naglahad ng kamay sa harapan ko, hindi ko alam pero parang nais niya akong tulungan kaya naman iniabot ko ang kamay ko sa kanya. Tulad din siya sa binatang nakita ko, wala din siyang mukha, bakit? Bumitiw ako sa kanya at bigla nalang nag-iba ang paligid. Pamilyar ang lugar na ito, ito ang bakuran ng bahay namin. Pumunta ako sa harapan ng bahay at kumatok ako, ilang minuto pa ay nagbukas na ang pinto.

Napakasaya ko ng makita ko sina papa at mama, buhay sila. Hindi ko alam pero para akong naulila ng kaytagal. Binanggit nila ang pangalan ko, at sinabi nilang sumama ako sa kanila. Medyo naguluhan ako sa sinabi nila. Hihiwalay na sa ako sa pagkayakap ko sa kanila pero napakahigpit ng yakap nila. Nagulat nalang ako sa ginawa nila dahil sa kinagat nila ang aking leeg. Napasigaw ako ng malakas, Hindi...

A/N: i need your reaction, kaya comment kayo. Ito ay sa upcoming story ko, ano itutuloy ko pa ba? Haha :D Kung gusto niyong ituloy ko, bomoto sana kayo :) Thanks !

The Other Side  【Slow Update】Where stories live. Discover now