Journey 14//

14.8K 321 58
                                    

Dedicated kay Ate ko! Hahaha. Ayaw daw niya sa tragic endings eh. :p

 

Journey 14//

 

(Daniel’s Point of View)

 

    “Anak, si Kath oh.” Narinig ko na naman ang excited na boses ng mama ko habang pinapanuod nito ang concert ni Moo ko via Pay-Per View. Hindi niya daw kasi ako maiwan kaya sa TV na lang siya nanuod.

   Siya nga. Kanina ko ko pa naririnig ang boses nito. Naka-sampung kanta na siya. Wala pa rin talaga itong pagbabago,  napakaganda pa rin ng boses nito.

   Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko pa rin magawa. Napaka-bigat nila o sadyang napakahina ko lang kaya kahit imulat lang ang mga mata ko ay hindi ko na magawa.

“Anak, ang ganda ganda ni Kath.” Alam ko kung anong ginagawa ni mama. Gusto niya akong ingitin para subukan ko pang ibukas ang mata ko.

“DJ, naririnig mo ba? Ang dami niyang fans, ang daming sumisigaw.”

“M-mama…t-tu…lu…ngan n-ni..yo a..ko.” Unang beses kong nagsalita, kahit mahina…sana maintindihan ni mama.

   Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa kamay ko. Mukhang naiintindihan na niya ako.

“P-pero anak…hindi ka pwedeng umalis dito sa ospital.”

“Ka…hit.” Sinikap kong ituloy ang sasabihin ko kahit sobrang hina lang.

“s-sa…T..V l-lang.”

       Narinig ko na naman ang ayaw kong naririnig mula kay mama,umiiyak na naman ito.

“A-anak…” Huminga ito ng malalim, “H-hawakan mo ang kamay ko.” Pinilit ko namang hawakan ang kamay ng mama ko.

“At dahan dahan mong buksan ang mga mata mo…” Hinigpitan ni mama ang pagkakahawak sa akin.

Sinubukan ko ulit buksan ang mata ko…pero hindi ko pa rin kaya.

“Anak, kaya mo ‘yan. Dahan dahan lang…”

  Narinig ko ang tawa ng Moo ko mula sa TV. Moo, gusto na ulit kitang makita.

 

“Anak…kayanin mo.” Hinigpitan ko ang hawak ko kay mama hanggang sa dahan dahang bumukas ang mata ko.

   Nakita kong pinunasan ni mama angmga mata nito at saka ngumiti habang tinuturo ang TV sa tabi nito.

“S-si…M-Moo k-ko….”

   Pasakay sa isang heart na nasa ere si Kath. Nang nakasakay na ito ay dahan dahang binababa ang sinasakyan nito habang siya ay kumakanta. Kitang-kita ko ang takot at kaba sa mga mata nito pero nakangiti pa rin ito ng pagka-ganda-ganda.

“When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?”

THE UNSEEN SUPERSTAR (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon