Journey 13//

16.4K 332 48
                                    

Journey 13//

 

 

“Kapag natapos ka nang kumanta yung isang surprise guest mo. Sasakay ka dun sa heart, yung nasa itaas. Tapos kakantahin mo na yung last song mo habang nasa ere yung heart na sinasakyan mo. Napag-practice-an natin yan kaya wala ng problema. After nung last song, mapasalamat ka na sa mga gusto mong pasalamatan.” Hinawakan nito ang balikat ko, “This will be your first concert. Kaya do your best. Maraming nag-eexpect from you kaya you must do everything para hindi sila ma-disappoint. Kaya mo yan, Kath.”

    Pagkatapos akongkausapin nung director ay agad din itong umalis. Tinulungan na din akong mag-ayos nung pinsan ko na siyang nagsilbing make up artist-slash-PA ko kaya kahit papaano ay komportable ako, hindi naman kasi ako mahilig sa make up.

    “Insan, anong next sa sched natin?”  Tanong ko dito. Gusto ko na kasing makita si Daniel.

“Last na yung sa isang talk show tapos free time mo na ‘te, pero sabi ni Miss Yana mag-beauty rest ka daw after ng work.” Si Miss Yana na kasi yung tumayong manager ko.

“Salamat naman. Namimiss ko na kasi si Daniel.”

    Kinurot ako bigla ni insan, “Kalurkey te! Ganyan na ba ang in love? Parang kanina lang nakita mo ha? Miss mo na agad? Agad agad?”  Pang-aasar nito at tinaas pa yung kanyang make up kit.

   Tumawa na lang ako ng mahina. Natatawa pa rin ako sa way ng pagsasalita ng pinsan kong si Leo, na mas gustong twagain siyang “Lea”

**

“Kathryn, anong pakiramdam mo ngayon? Kinakabahan ka na ba or something?” Tanong ni Miss Brianne, siya kasi ang nag-iinterview sa akin. Hindi live yung interview kaya kahit papano ay hindi naman ako masyadong kinakabahan.

“Kinakabahan na po ako para bukas. Normal naman po kasi sa mga mag-coconcert ang kabahan lalo na kung first timer. May mga nakausap nga rin po akong singers na kahit ilang beses na daw silang nag-concert ay kinakabahan pa rin sila.”

“True! Kahit nga kumanta  lang sa sampung katao na hindi mo naman kakilala ay tiyak na kakabahan ka na, paano pa kaya kung thousands na.” Sabi nito. Ngumiti na lang ako habang tinitignan ang disenyo ng studio. Napapaligiran kami ng mga pulang puso.

“Kathryn, will you sing for us? I already bought your ticket for your concert. And I’m super excited na! ‘Can’t wait to watch you on stage tonight.”

    Sinabi nitong ‘tonight’ kahit bukas pa lang naman yung concert ko. Bukas din kasi ipapalabas itong interview kaya ganon.

    Pagkatapos kong sagutin yung ibangtanong nito at nung natapos na akong kumanta ay agad ding sumigaw ng ‘cut’ ang Director. After naming magpasalamat sa audience ay sabay na kaming pumunta ni Miss Brianne sa dressing room.

“Kath, sobra akong natutuwa sainyo ni DJ. Sobra ang pagmamahal niya para sa’yo at alam kong ganun ka din para sakanya. I wish you both happiness.” Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tita Brianne. Kahit galing sa ibang tao yung nagsasabing mahal niya ako, kinikilig pa rin ako.

THE UNSEEN SUPERSTAR (KathNiel) [Finished]Where stories live. Discover now