Kung Dudungaw Ka, Bayan Ko

19 0 0
                                    

Preface:

Ang nobelang "Kung Dudungaw Ka, Bayan Ko", ay isang satirikal na pagsulat tungkol sa tunay na nagaganap sa maraming mamamayan sa ibat-ibang panig ng lipunan. Mula sa pinakamahihirap hanggang sa mga pinakadakila ay sisiyasatin natin ang kani-kanilang saloobin. Pati mga pari, relihiyoso at maging sa kriminal ay di papalagpasin.

Ang nobelang "Kung Dudungaw Ka, Bayan Ko", ay pawang nagmula sa masusing pagmamasid at kuro-kuro ng may-akda. Ang nobelang ito ang bunga ng pagkalungkot, pagkabighani at pangarap ng pagbabago ng may-akda sa kanyang bansa.

Nais ng may-akda na lahat ng makakabasa ng obrang ito ay masimulan ang pagbabago sa kanilang buhay. Nais din ng may-akda na magbigay ng mas malalim na pakahulugan sa tunay na mukha ng kahirapan sa bansa sa representasyon ng bayan ng Ningas sa bansang Panultaran.

Paalala sa mga mambabasa, pawang kathang-isip lamang ang mga lugar na nakasulat dito at hindi nakalitaw sa tunay na buhay ngunit ang mga ito at lahat ng mga pangyayari na nababanggit ay nakataga sa tunay na mga kaganapan sa paligid.

Naway mamulat kayo sa pagbabasa ng akdang ito.

D. P. Bano

Kung Dudungaw Ka, Bayan KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon