Chapter 21

2.7K 37 4
                                    

Chapter 21: "The Comeback Kathryn Chandria Bernardo"

-------------------------

Kathryn's POV

Nakarating na kami sa may park. Sobrang dilim na at wala na rin mga tao sa paligid. Hindi rin kami nagsasalita habang naglalakad. Ewan ko ba, parang nakikiramdaman lang. 

Nauna akong umupo sa may bench don, sumunod siya. Tanging yung post lights lang yung nagbibigay liwanag sa paligid namin. Malakas din ang hangin, pero tama lang sa pakiramdam. Ano kayang problema ni Quen? Kating kati na ko magtanong kaso, iba kasi yung nakikita kong Enrique ngayon eh >__< Parang hindi siya. Amp!

Hindi na lang din ako umimik. Haaayz, ang ingay ng katahimikan >__<

"So, alis ka na bukas?" tanong niya kaya naman napatingin ako sakanya. His eyes. Parang ang lungkot lungkot. Dahil din sa hangin, naamoy ko yung amoy niya. I admit na mabango siya, but, this time, amoy alak siya. Pero hindi ko na lang din pinansin yun.

"A-ah. Oo eh. Hindi sana kami mauuna don kaso pahamak si Daniel! Tss. Siya kasi may kasalanan kaya nadawit ako sa pesteng project na yun. Hay naku." naalala ko naman yung pagbubwiset sakin ni Daniel that time. Bentang benta yung apilido ko nun eh -___-+

Yumuko naman siya, "Daniel." he wisphered. Bigla naman siyang tumingala. Ilang seconds lang din at tumingin ulit siya sakin. Totoo ba yung nakikita ko? Konti na lang, tutulo na luha niya! O di kaya dahil sa liwanag lang? Shz. "M-mahal mo b-ba yung p-pinsan k-ko? Pwede bang, a-ako na l-lang?"

Wtf! May tumulong luha sa mata niya! T-teka, pinsan? Shit! Bakit ngayon lang nagprocess sa utak ko na magpinsan sila? >_< Pero, bakit niya yun tinanong? Bakit siya umiiyak? Peste, ang dami kong tanong pero hindi ako makasagot sa tanong niya!!!

Mahal ko nga ba? Pero, kasi.. its started with the deal right? Tsaka, naiinis din ako kay Daniel 'noh! I know na may gusto ako kay Albie. Dun sure ako. Pero kay Daniel? Naguguluhan pa ko! Ready na kong magsabi ng NO, pero parang may pumipigil sakin. Hindi ko na alam sasabihin ko.

I just staring at him. "E-enrique..." yun na lang lumabas sa bibig ko. He's still crying for Pete's sake! Hindi ko alam kung anong gagawin ko >___<

"Kath, b-bakit hindi na lang ako? Am I too late? Ang bagal ko 'noh. Ang tanga tanga ko. Alam mo kung bakit? Kasi nag kakaganito ako kung kelan wala na akong palag. Tama nga siguro sila Kuys, na sobrang torpe ko. Ang tagal ko nang gustong umamin. N-na mahal kita. Nasasaktan ako tuwing umiiyak ka sakin. Yung mga problema mo, gustong gusto kitang tulungan. Yung yayakapin ka at sasabihing kaya mo yan Kath, nandito lang naman ako eh, hindi kita pababayaan. But still, mas inuna ko yung kahinaan ko ng loob. Kathryn, I love you. I know I look pathethic now, but I don't care. Alam mo bang naiinggit ako sa pinsan kong yun? Kasi buti pa siya girlfriend ka na niya. Eh ako? Shit lang. Napakalaki kong TANGA! Naiisip ko nga ngayon, agawin ka sakanya eh. Desperedo na ko. Kaso, hindi ko kaya. K-kathryn, pwede bang... akin ka na lang?" 

at patuloy lang yung pagtulo ng luha niya. I don't know why, but... napansin ko na lang din na may tumutulong luha sa mata ko. Enrique, ano bang nangyayari sayo?

Magical Kind of Love  [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon