Chapter 10

3.3K 37 1
                                    

Chapter 10: "The 'BCK SYNDROME'~ "

----------------------------

Kathryn's POV

Nagising ako na hinihingal. Gaayyd, what a nightmare! Pumikit ulit ako at huminga ng malalim. Nakahiga pa rin naman ako sa.....

OSPITAL?!?!?!?!

Pagmulat ko ng mata ko, napaupo ako agad sa pagkakahiga. Napatayo naman si Enrique sa pagkakaupo sa upuan katabi nung hinihigaan ko. Nakita ko rin sila Kuys na nakatayo lang din sa isang gilid at naglalaro ata. Napatigil naman sila sa ginagawa nila at tumingin sakin.

Napahawak naman ako sa ulo ko, wala lang finifeel ko lang kung anong nangyayare. "Ugh.. oh, mga Kuys, Quen musta?" 



"Kami pa dapat ang tatanungin mo kung kamusta kami ha?! Anong nangyari sayo? Nung tinawagan kita sa cellphone mo iba yung sumagot, at sabi nandito ka nga daw sa ospital. Now, Kathryn explain everything. What happened to your left arm?" sermon sakin ni Enrique.

Napatingin din naman ako sa left arm ko, may bandage lang naman ng maliit, yung sakto lang siguro sa sugat ko kanina. Tsaka ko lang naalala yung saltik na yun! Siya yata sumagot sa phone ko eh. Pero ayus na rin, medyo nakapag pahinga na rin ako. Akalain mo yun, na puri ko?

Yung tatlo ko namang Kuys, eh ayun nakatayo sa harapan ko at naka cross arm pa pare-pareho! Medyo natawa naman ako sa itsura nila, well masaya rin kasi halata mong nag aalala sila sakin. Humarap naman ako kay Enrique na naka smile, ewan ko good mood ata pagka gising ko eh, kahit napanaginipan ko eh hindi maganda.

"Err... okay lang naman ako eh...." nagpout naman ako nung naalala ko si Daniel, sabay bulong, "Tss, yung saltik na yun! Mapapatay ko talaga yun pag nakita ko siya." tumingin naman ulit ako sakanila, "Anong oras na ba? Pwede naman na kong umuwi di ba? Okay na rin naman na yung sugat ko."


Tumingin naman na sa wristwatch si Kuya Gerald, "Quarter to eight na. Ayos ka na ba talaga? Wala nang masakit sayo?"


Tumayo naman na ako at sinuot yung sapatos ko. Sinuot ko na lang din yung jacket ko na nasa may side table, kasama rin nung cellphone ko. Humarap naman na ako sakanila at ngumiti, "Yah! Okay na talaga ako. Wala namang masakit eh.. napuruhan lang yung kaliwa kong braso.. after that, wala na. Ayos naman na diba? So... let's go!"




Tinapik ko sila isa-isa sa balikat at nauna nang maglakad. Sa totoo lang, ayokong mag explain eh, tinatamad pa ko. Siguro dahil ang dami kong iniisip ngayon. Bwisit talaga pag naalala ko si Daniel (>__<)

Tumingin naman na ako sakanila, nagsigh lang sila sabay sabay at naglakad na rin. Ilang saglit lang eh nasa tabi ko na sila. Nung nadaanan namin yung counter, HOLLY COW! KULANG YUNG DALA KONG PERA!

Magical Kind of Love  [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon