1: Natasha's Fangirl Life

319 8 1
                                    

//1

"Z-roooooooooooo! Oh my goood! Mahal na mahal kitaaaa! Ako talaga ang number 1 fan moooo! Woooh-- OUCH!"

Galit na tumingin si Natasha sa kung sino man ang bumatok sa kanya, dahilan para muntikang malaglag ang salamin niya. Pagharap niya, nakita niya ang best friend niya na nakapamewang. Handa na siyang bulyawan ito at pagalitan dahil inistorbo nito ang pagfafangirl niya, pero naunahan siya nitong magsalita.

"Pinapaalala ko lang sa'yo kung nasaan ka Tasha. Nasa music store ka po ng isang mall at wala sa concert ni Z-ro. Kung makasigaw ka diyan ha? F na F."

She opened her mouth to speak and was ready to argue with her best friend but she saw the weird stares of the people inside the music store dahilan para isara na lang ulit niya ang bibig niya at sumimangot. Tinaasan na lang siya ng kilay ng best friend niya na para bang sinasabi nito na magpasamalamat pa siya dahil pinigilan nito ang ginagawa niya. She pouted and fixed her eyeglasses up the bridge of her nose. Tumalikod siya upang sana'y ipagpatuloy ang panunuod sa music video ng kanta ni Z-ro pero para siyang nalugi nang makitang tapos na at ibang video na ang nagpe-play. She stomped her foot like a child, turned to look at her best friend and said, "Ayan tuloy! Tapos na! Juliette naman kasi e."

"Hala siya! Umayos ka Tasha. Simula ng irelease yang music video na yan ni Z-ro naging tambayan na natin 'tong music store. Hindi ka ba nagsasawa diyan? Aba! Paulit ulit na lang. Memorize mo na ata bawat kumpas niya ng kamay niya at nabilang mo na rin kung ilang beses siyang pumikit sa video na yan. Tama na ples." Sermon ni Juliette kay Tasha, not minding the people who might have heard her rants. Juliette loves her best friend, but going to a music store every single day after their classes just to watch Z-ro's music video is a tiring work lalo na at may trabaho sila pagkatapos.

Natasha placed her forefinger in front of her mouth, signaling Juliette to keep quiet but she's too late. Everyone on the music store has heard everything her best friend said.

‘GRABE BEST FRIEND KO BA TALAGA 'TO?’ tanong niya sa isip niya.

"Juliette naman e. Best friend tayo di ba?"

"Oo, kaya nga binatukan na kita ng matauhan ka. May pasok pa tayo sa Grill's at male-late na tayo."

Natigilan saglit si Natasha at inayos ang kanyang salamin. Pagkaraan ay tumingin siya sa relo niya. She gulped when she realized that they are indeed going to be late kung mananatili pa sila sa music store.

"O? Ano pa hinihintay mo? Tara na!" Nginitian lang niya ang mga empleyado roon na malamang sa malamang ay kilala na siya, bago hilain si Juliette palabas.

"Oy, teka. Teka! Hapit?" Reklamo ni Juliette habang pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"Oh, sabi mo male-late na? Tara na." Hinila ulit niya ulit ito at hindi na nag-reklamo si Juliette.

Sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos, lagi na lang ganito ang eksena nila ng best friend niya. Pagkatapos ng last period nila, magmamadali siyang mag-ayos ng gamit, una upang takasan ang mga nangbu-bully sa kanya at pangalawa para pumunta sa music store - kung saan nga siya sumigaw sigaw kanina – para panoorin ang music video ni Z-ro.

Madalang ang eksena na kung saan payapa ang loob nilang lalabas ni Juliette sa mall dahil alam nilang hindi sila male-late sa trabaho. Alam niyang sawa na si Juliette sa ganitong set up. Ang paalalahanan siya na male-late na sila. Ilang beses na rin naman siyang sinabihan nito na tumigil na sa ginagawang pagpunta sa music store dahil napanood na rin naman niya ang music video, ang kaso lang ayaw niya magpapigil. Kumbaga, adik na siya. At ang panonood ng music video ni Z-ro ang drugs niya. Kasi naman, kung sana nagsinungaling yung empleyadong tinanong niya noong una siyang pumunta doon (kung saan nga nadatnan niyang nagpe-paly ang music video ni Z-ro) kung regular ba na pineplay ang music video ni Z-ro, e di sana hindi na siya bumabalik balik dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hired As Z-ro Lacuesta's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon