Nasa kamay niyo ang aking kapalaran.

220 23 25
                                    

Mickey: Pandalita! May kailangan kang malaman!

Habol hiningang sigaw ni Aling Mickey kay Panda. Pinahinto nito ang bus na sinasakyan ni Panda para ibunyag ang isang malupit na sikretong matagal na nitong itinatago.

Panda: Huh? Ano po yun?

Mickey: Ito tignan mo!

Sabay abot kay Panda ng isang tumpok ng mga papeles.

Panda: .....

Mickey: Ngayong alam mo na na ako ang iyong tunay na ina---

Panda: Ano? Kayo po ang nanay ko?

Mickey: Hindi mo ba nabasa dyan sa binigay kong papeles?

Panda: Hindi ko naman binasa eh, tinignan ko lang, busy kasi kami ni Mahal sa paglalambingan.

Jen Mahal: Oohgutchigichigoo! *kiliti-kiliti

Panda: Ahihi *ilag-ilag

Mickey: Anaknang! Anak kita! Ako ang nagluwal sayo sa mundong 'to!

Panda: Ha? Bakit? Pano? Pero daga ka at panda ako! Panong naging anak mo 'ko?!!

Mickey: Mahabang istorya pero ikukwento ko para humaba ang chapter na ito.

At madramang ikinuwento ni Aling Mickey ang kaniyang masaklap, malandi, mapusok at nakakagulat na nakaraan.

Mickey: Umibig ako noon sa isang pandang manlalakbay na napadpad sa aming lugar. Naging madali sa kanya na mapaibig ako dahil maliban sa gwapo sya at mas maangas kaysa kay Daniel Padilla ay hindi sya slang kumanta. Marami ang nagkakagusto sa kaniya noong mga panahong 'yon, ngunit ako ang napili niya sapagkat bukod sa maganda, sexy, mabait, kaakit-akit, mabango, masarap kasama at masipag ay ako din ang tanging dalaga noon sa aming baryo na gumagamit ng dove bilang shampoo.

Jen Mahal: Ano pong konek nung dove shampoo?

Mickey: Yun lang kasi ang may shampoo commercial na makatotoohanan ang buhok ng mga endorser.

Panda at Jen: Ooooh seems legit.

Mickey: Nagmahalan kami ng lubusan ng pandang iyon, araw-araw kaming magkasama at masayang nagkukwentuhan at naglalambutchingan sa ilalim ng punong kawayan. Hindi nagtagal ay nagbunga ang aming pagmamahalan at ikaw nga ang naging bunga niyon!

Panda: Ibi----

Mickey: Ngunit dahil mahal namin ang isa't-isa at hindi pa uso ang family planning noon (hanggang ngayon) ay nasundan ka pa ng dalawang pandang kapatid! Ngunit matapos ang lahat ay iniwan tayo ng iyong lapastangang ama at sumama sa besprend kong si Zoey Choco!

Panda: Bak----

Mickey: Hindi ko alam kung bakit niya tayo biglang iniwan at sumama sa Zoey Choco na iyon! Iniwan nya kayong tatlo sa akin ng mga kapatid mo! Hirap na hirap ako noon kaya naman wala akong nagawa kundi ang gayahin ang mga napapanuod ko sa teleseryeng panghapon. Ipinaampon ko kayo sa iba't-ibang pamilya!

Panda: An-----

Mickey: Oo! Ipinaampon ko kayo pero nagsisisi na ako! Mahirap ang buhay natin noon. Kulang ang bamboo sa ating baryo at masyado kayong masiba kaya hindi nasustentuhan ng mga ito ang inyong pangangailangan! Pinilit kong magtanim ng bago ngunit hindi agad sila tumutubo! Naging wild kayo ng mga kapatid mo, sinimulan niyong pakialaman pati ang mga pananim na sunflower ng ating kapitbahay na panlaban nila sa zombies! Wala na akong nagawa kundi ang magdesisyon, ang kahirapan kasama kayo o ang tahimik at madaling buhay na wala kayo? At alam mo na siguro ang sagot. Pero maniwala ka Pandalita! Mahal na mahal ko kayong mga anak ko!

Panda: Ang Paglalakbay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon