Ang taksil na si Bengbeng.

1.5K 64 94
                                    

Lunes ng gabi, maingay ang buong wattpad community.

Marami ang naguusap tungkol sa mga bagay bagay na madalas pagusapan ng mga taong walang magawa sa buhay.

Samantala, sa di kalayuan ay may isang pandang nalulungkot.

Nalulungkot siya sapagkat hindi pa siya nakakatikim ng bengbeng, ang tsokolate na pang masa.

Noong araw nga lamang na iyon niya nadiskubre ang produktong ito.

May nakilala kasi siyang isang wattpad user na itago natin sa pangalang bengbenghoney o mas kilala sa tawag na Ate Beng, siya ang nagpakilala kay panda ng nasabing produkto.

Bengbenghoney: Oy cute na panda!

Panda: Baket po?

Bengbenghoney: Gusto mo ng bengbeng?

Panda: Anong bengbeng? Yan ba yung tunog ng baril? *beng beng!

Bengbenghoney: Hahahahahahahha eksdi eksdi! nakakatawa ka pala Panda!

Panda: Ay, hindi naman po masyado. Eh ano po ba talaga yang bengbeng na sinasabi niyo?

Bengbenghoney: Tsk. tsokolate 'to!

Panda: Tsokolate?

Beng(nakakapagod magtype): OO! namimigay ako ng bengbeng! Gusto mo?

Panda: Opo naman po!

Beng: O sige, mamya punta ka sa QWERTYUIOPASDFGHJKLZXCVBNM na thread! Doon kita bibigyan ng BENGBENG!

Panda: Waaaaah~ Sige pupunta po ako dyan!

Beng: Sige Ingat!

~

Naeexcite na si Panda na makakain ng bengbeng, ginogle niya pa kung ano ang itsura nito dahil sa sobrang excitement na nadarama niya.

Kaya dali dali niyang hinanap ang thread na binigay sa kanya ni bengbenghoney.

Hindi naman siya nabigo sa paghahanap sapagkat pinsan niya si dora.

Sa thread~

Panda: Ate Beeeng! Asan ka na?

*katahimikan.

Panda: Ate Beng? Hello? May tao po ba dito? (kung hindi ka marunong umintindi ng salita ng panda, ganito lang ang magreregister sayo "rawr rawr moewr rawr rawrrrrr" pero dahil naka on na kanina pa ang subtitle sa story na 'to ay nagkakaintindihan na tayo.

*katahimikan, nakakabinging katahimikan.

Panda: A-ate Beng?

*takot na tawag ni Panda kay Bengbenghoney na hindi naman nagpakita sa thread.

Panda: S-sino na yan?

*takot na kausap ni Panda sa kaniyang sarili.

Panda: Huh? Tanga! Ikaw kausap ko!

Narrator: Tanga narrator ako dito dapat di mo ko kinakausap!

Panda: Ah ganun ba? Eh baka alam mo naman kung nasaan si Ate Beng.

Narrator: Hindi ko alam, ang trabaho ko lang sa storyang 'to ay ipaalam sa mga mambabasa ang nararamdaman o ginagawa mo. O kaya naman basta ikukwento ko sa mga taong 'to kung ano mangyayari sayo.

Panda: Ah sige po. Hahanapin ko pa po si Ate Beng.

At hinanap nga ni Panda ang bengbeng na nawawala. (Madaming nawawala sa istoryang 'to, pati nga plot at sense nawawala eh)

Panda: Ate Beng!

*Sigaw ulit ni Panda kahit paulit ulit para lang mahanap si Beng.

Unknown Creature: Wala dito ang hinahanap mo!

*Sigaw ng Unknown Creature kay Panda mula sa kasuluksulukan ng thread.

Panda: Huh? Ms. Narrator ikaw ba yan?

Unknown Creature: Hindi! Di hamak naman na mas cute yung narrator kesa sakin!

Panda: Oh, okey. So sino ka ba at bat ka nagtatago sa dilim?

Unknown Creature: Ako? Hahahahahahaha Ako lang naman ang kinatatakutan na Ipis na Panda Hunter! Bwaahahhahahahahahahhah eksdi eksdi

Panda: So? Anong gagawin ko? 

*May pagkabtch na tanong ni Panda sa Ipis na Panda Hunter.

Ipis na Panda Hunter: Tae, dapat matakot ka kasi papatayin kita.

Panda: Okay.

*At nanginig nga sa takot ang ating bida.

Panda: Huwag po koya! Huwag po! Maawa naman po kayo sa isang Pandang cute na tulad ko! Bata pa ho ako!

Ipis na Panda Hunter: Bwahahahahahaha! Bakit ako maaawa sa inyo? Hindi ako marunong maaawa! At yan talaga ang gusto ko! Ang mga bata! Bwahahahahahahaha! Gagawin kitang hapunan cute na panda!

Panda: Salamat po sa mga papuri ninyo at gusto ko po sana kayong tulungan sa gutom na nararamdaman niyo, ang kaso po eh may hinahanap po ako. Nakita niyo po ba si Ate Beng?

Ipis na Panda Hunter: Sino si Beng? Ah Si Beng yung ninang ng anak kong si nika! Oo kanina kausap ko pa sya dito. Sya pa nga nagsabi sa akin na mag abang lang ako dito at may pandang cute na darating. Hiningian pa nga ako ng bente para sa impormasyon na binigay niya.

Panda: .............

*Unti-unting nag sink-in sa utak ni panda ang ibig ipahiwatig ng pahayag na iyon ng Ipis na Panda hunter.

Panda: Hindiiiiiiiiiiiiii!

*Sigaw ni Panda habang dahan-dahang dumadausdos pababa sa pader ng thread.

Ipis na Panda Hunter: Oh Okay ka lang?

Panda: (*singhot singhot) Okay lang po. Nabigla lang po ako. Akala ko po kasi mabait si Ate Beng, ang sabi po kasi niya bibigyan niya ako ng Bengbeng na tsokoleyt kapag nagpunta ako sa thread na 'to, yun pala... Waaaaah!

*Paglalabas ng sama ng loob ni panda sa Ipis na Panda Hunter.

Ipis na Panda Hunter: Sige, hindi na lang kita kakainin, ang cute mo kasi eh. Tsaka kawawa ka naman, naisahan ka ni Bengbeng, pagpasensyahan mo na yun, medyo adik kasi yun sa bingo, kailangan siguro ng pera kaya nagawa niya sayo yun.

*Mahabang litanya ng Ipis na Panda Hunter na muntik ng magpatulog sa Pandang cute.

Panda: Ganun po ba? Sige po, ako na lang pong mag-isa ang hahanap kung saan makakakuha ng bengbeng.

Ipis na Panda Hunter: Sige, ingat ka! Ang cute mo talaga!

Panda: Salamat po! Kayo din po Ingat sa mga tsinelas!

At yon nga ang dahilan ng pagkalungkot ng Pandang cute.

Pero hindi na siya malungkot dahil she's out on a great adventure to find a piece of heaven in a chocolate called Bengbeng.

Panda: Ang Paglalakbay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon