C5- CAN'T STOP FROM BEING HURT

5K 114 20
                                    

Paolline's P.O.V 


Nakabalik na kami ngayon sa classroom namin. Ang tahimik nga bigla noong dumating kami e. Parang halos lahat ng tao sa classroom nakatutok ang tingin sa'min. Umupo  kami sa mga upuan namin. Wala pa naman 'yong prof namin kaya nag-iingayan pa rin 'yong mga classmates namin . 

"Oy! Oy! Tara mga bro jamming tayo daliiii" aya sa'min ni Jp na soooooobrang energetic na naman.  

"Grabe ka Jp hindi ka ba nauubusan ng energy?" pang-aasar ko sa kanya . 

"NO I'M NOT! I'M FULL OF ENERGY YOU KNOW! " sabi niya ng pambaklang boses at nag-aarteng bakla sa harapan naming apat. Lahat kami natawa except nalang ata kay chris na nagse-cellphone habang may nakasalpak na earphone sa tainga. E, shunga ka pala Pao e. Paano makikitawa si Chris sa'tin e NAKA-EARPHONE NGA DIBA? Shoot!. Mukha akong tanga -_- . Pero kahit naman hindi siya naka-earphone hindi naman talaga siya nakikipagtawanan sa'min diba?. So who cares? Pero nagtataka talaga ako kay chris kung bakit ba ang tahi-tahimik niya. Oh well, hayaan ko nalang siya mamaya nan magalit pa siya sa'kin. 

"OY! Isa ngang sample diyan" panggugulo ni Jp kay Ian na ngayon ay nakaupo sa sulok. Nakasandal ang likod sa pader, hawak ang gitara habang nag-i-strum. Ewan ko kung ano'ng tinutugtog niya. Nakatingin pa siya sa taas na parang bang may iniisip. Ngunit ng kausapin siya ni Jp ay napatigil siya sa paggigitara.

"Oo nga!. Oo nga!. Bakit hindi magbigay ng sample ang ating prince of all in this school? Baka sakaling UMULAN! HAHAHA!" at inasar na po ni Jd. Alam kong nakikisakay lang siya sa trip ni Jp. Nakitawa nalang ako habang pinapanood sila. Nakaupo lang ako sa upuan ko. Si Jp naman nakatayo, si Jd nakaupo sa arm chair kaya parang lang din siyang nakatayo.

"Oo nga, Ian. Hindi ko alam marunong ka palang mag-gitara" naupo ako sa harapan niya sa sahig habang pinapanood ang bawat galaw ng kamay niya sa gitara.

"Psh. 'Yun lang ba? Sige pagbibigyan ko kayong mga fans ko" pagmamayabang ni ian. 'Yong isang kamay niya pa nakataas sa ere habang parang nagbabow ang braso niya.  

"HOY! SINO'NG NAGSABING FAN MO AKO?! NEVAAA!" kontra ni Jp na nagbabakla-baklaan na naman. Tumawa nalang kami at nagsimula ng mag-strum ng gitara si Ian. 


~~~It took

One look

Then forever laid out in front of me
One smile

Then I died

Only to be revived by you~~~


Ewan ko kung bakit pero nakatingin lang siya sa'kin. Nakangiti. Nakafocus ang tingin sa'kin. 

Napangiti nalang din ako dahil sa sobrang ganda ng boses niya at pati na rin dahil 'yong kinakanta niya sa harapan ko ngayon ay ang favorite kong kanta. Nakakagaan ng loob ang boses niya. 'Yong parang bang pinapatahan ka niya. 


~~~There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know

'Bout the way life, plays out~~~

Ang Boyfriend kong SikatWhere stories live. Discover now