My Mysterious Girlfriend - 3

648 27 30
                                    

(A/N: Continue ko lang yung kasunod nung last chapter ah.)

--

Hinabol ko si Yumi hanggang bahay nila pero ayaw akong labasin :\ 

nagi-guilty tuloy ako. >/<

Mukha na ngang ang lungkot ng buhay niya tapos nasaktan ko pa siya nun? :\

*KINABUKASAN*

Hinanap ko siya agad sa school pero hindi ko siya makita. Nung nagtanong naman ako sa classmate niya pumasok naman daw, iniiwasan nalang yata talaga ako.

"Hoy! Problemado ka yata?" Psssh. Eto nanaman tong Jed na to.

"Si Yumi kasi eh."

"Oh bakit? LQ kayo? hahaha"

"Loko. Nakita ko kasi si Charlotte eh tapos hinalikan ba naman ako!"

"Talaga?! Haha! Hanep ah."

"Tss. Nakakainis nga eh."

"Haha. O-ohh! Si Yumi yon diba?"

"San?!"

"Ayun oh! Puntahan mo na, ikaw kasi eh."

Nakita ko siya palabas ng school, hinabol ko na siya agad. Uwian na kasi.

"Yumi ! uy Yumi !"

Tumingin siya sakin, nakngtokwa! Ang sama ng tingin >/<

Hinabol ko siya at naabutan ko naman.

"Y-yumi, sorry na. Hindi naman ako yung humalik sa kanya eh."

"Nagustuhan mo naman?!"

"Hindi ah! Promise! Nag-alala lang naman ako sa kanya, hindi ko naman alam na gagawin niya yun eh."

"Kahit na! Sino ba yun ?!"

"S-si Charlotte. Ex ko."

"Ex?!"

"Oo."

"Ayyyt ! Ah basta! Hindi kita bati!"

"Yumi naman ehh. Kailangan pa ba kita habulin ng habulin para patawarin ako?"

Huminto siya tsaka humarap sakin.

"Hindi ko naman hiniling na habol-habulin mo ko. Ang hiling ko lang naman ay ang maging NAG-IISANG girlfriend mo sa loob ng 14 days. Kasabay na non ang wag mo ako sasaktan." Pagtapos niya sabihin yun nagtatakbo na siya.

Hindi ko alam pero hindi ko na nagawang habulin pa siya, punong-puno ng lungkot ang boses niya nung sinabi niya yun at kitang-kita ko din sa mga mata niya ang kalungkutan na yon.

Hindi ko ginusto na maging girlfriend siya....

Pero hindi ko pinagsisisihan na girlfriend ko siya.

~

Pinuntahan ko siya sa bahay niya dala ang regalo ko sa kanya :)

Humupa na siguro kahit papaano galit niya kasi lumabas naman siya ng bahay :)

"Anong ginagawa mo dito? Sinabi ko ba na pumunta ka dito?"

"Makikipagbati lang ako sa girlfriend ko." :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Mysterious GirlfriendWhere stories live. Discover now