Chapter 5 - School Festival

4.5K 112 0
                                    

Gian's POV


Pumasok naman ako sa loob ng AA ng nakasuot ang headphones ko. Madalas naman na ganto ang unang makikita nila sa akin. Pero kahit gaano pa kalakas ang tunog ng mga kanta sa playlist ko ay narinig ko pa rin ang mga tili ng babae.

Istorbo.

Hindi ba nila alam na nakakabarda 'yang pagiging maingay nila? Wala ba silang matuunan ng pansin kung hindi ang pagtili at pagsamba sa mga gwapong katulad ko? Hindi naman maipagkakaila. Pero hindi ko lubos na maisip na inuubos nila ang oras nila sa pagsta-stalk ng mga lalaking nagugustuhan nila. Kung hindi nga lang talaga mahigpit ang pamamahala ng babaeng Aihara na 'yon, ay panigurado wala nang mag-aaral na mga lalaki dito. Dahil walang lalaki na may gusto na dumugin sila ng napaka-aga.


Tsk. Sobrang ingay talaga ng mga babae.

Dumako naman ang tingin ko sa kabilang gawi.

Nakakapangsisi.

Sino pa nga ba ang nakita ko? Si Mary Mikaella Vasquez Aguilar lang naman. Ang pinakamaingay na babaeng nakilala ko.

Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya dahil lalong nasisira ang araw ko sa kanya. Hindi kaaya-aya sa mata ang itsura niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit maraming nanghuhumaling sa 'ganda' niya. I've seen better faces.

Baka ginayuma niya lang ang mga 'yon.

Tumunog ang message tone ng phone ko, at agad kong binasa ang text.

"Hoy, Gian!" Napatingin naman ako sa sumigaw. Si MJ lang pala. Nag-text pa siya kung malapit lang pala siya sa akin? Tsk. 'Di nag-iisip.

"Eto na 'yung plano."


Nagtungo naman ako sa rooftop ng AA. Dito kasi ako in-assign ng leader leader-an namin. Tss.

Sabi niya, dadaan daw si Bulate dito. Ayon sa child prodigy ng grupo. Tss, hindi halata.

Agad ko naman siya nahanap. Hinila ko ang string at bumuhos sa kanya ang isang balde ng pintura. Napangisi naman ako bago ako bumaba.

Nang marating ko ang ground floor, naroon pa rin si Mika. Mukhang gulat na gulat pa rin siya sa nangyare. She was shouting, yes. Hindi na mawawala ang kaingayan niya kahit sa mga gantong pangyayare. Tss.

Dumako naman ang tingin niya sa akin.

"Bagay sa'yo." Maikli kong saad bago ako napangisi. The look on her face, hah. Kahit saang anggulo, hindi pa rin siya maganda. Screw all the people's compliments for her. She will never be physically beautiful for me.

"Shit! Sino ang may gawa nito?!" There goes her bratty side. Kawawa ang makakatuluyan nitong babaeng 'to.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Wala naman akong pakielam sa'yo."

"Magbabayad siya! Argh! This is totally insane!" Maarte. Maingay na nga, maarte pa. Paano ba 'to pinalaki ng magulang niya? O baka talagang ganyan lang siya. Tss.

"You're not that special para bayaran pa ng pera dahil lang natapunan ka niya ng pintura. Don't be so full of yourself, Mikaella." Blanko akong tumingin sa mga mata niya bago umalis. She's not worthy of my time. Walang kwentang babae.

Campus Heartthrobs! Girls VS Boys - Knowing Each Other (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon