Prologue: The Meeting

37.9K 369 18
                                    

ATTENTION [!!]

Pinalitan ko na po siya from 'COMPLETED' to 'UNDER EDITING' dahil aayusin ko pa po ito. Ngayon, may mapapansin ho kayong pagbabago. Pero ganon pa din po ang flow, aayusin ko lang ho ang pagka-kasulat sa kanya (although may idadagdag akong mga magpapaganda sa story). Kasi I was too young back then nang simulan ko ang CHGVB. So may mapapansin talaga kayong changes sa way of writing sa SEASON 1 at SEASON 2. Bali sa summer ko po sisimulan dahil busi-busihan pa aketch. And yes, gagawin ko po siyang TRILOGY. Oh diba? Lol. Ge. Early thanks sa mga magbabasa. Mahal na mahal ko kayo! Hihi.

And a quick reminder, everything used nor uttered in this story are just fictional. Keep that in mind please.

-M

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•

(EDITED)
Introduction

Kwento ito ng tatlong babae at lalake na sa unang pagkikita pa lang nila ay magkagalit na agad sila. Lagi na lang sila nag-aaway sa tuwing nagkikita sila.

Love story kaya ang magiging kalabasan nito? Or will it be the raging WORLD WAR 3?

----------------------------------------

Hello. Ako nga pala si Mia Nicole Aihara, ang pinaka-maganda sa tatlong magkakaibigan. Ako din ang laging nambabara sa lahat ng nagtatanong ng obvious questions. Kainis kasi eh!

Ay, oo nga pala kasama ko ngayon ang bwisit na pinsan ko si Mark Jenzel Clarkson matatawag din natin syang 'MJ Bungal'. Kainis minsan ang personalities nyan. Matakaw yan pero hindi nataba. Ewan ko nga kung bakit eh. Ang pamilya nya ang may-ari ng NUTELLA Factory. Napilitan bilhin nila Tita yan kasi gusto ni MJ Bungal ang NUTELLA, paborito nya yan eh. Ang pamilya ko naman ang may-ari ng Aihara Company. Ang Aihara Company ang namamahala o may ari ng lahat ng Schools and Universities sa Pilipinas sila din ang may-ari ng mga ice cream shops, factories and such na sikat dito sa Pilipinas. Pati dirty ice cream na makikita niyo sa tabi-tabi ay kami may-ari. Mahilig kasi ako sa ice cream, halata naman diba?

Tatlo nga pala kaming magkakaibigan , isa doon si Stephanie Rio Gonzales ang binansagang 'Man Hater' sa aming magkakaibigan.  Matalino din yan kaso mas matalino ako dahil top 1 ako sa school namin. At yung isa naman naming kaibigan ay si Mary Mikaella Aguilar, ang pinaka-maingay sa amin. Nakakarindi din minsan ang boses nyan pero masaya syang kasama. Kami ang CHG.

-

Nicole's POV

Andito nga pala ang bwisit kong pinsan. Sino pa ba? Edi si MJ Bungal na napapak ng Nutella na paborito nya at nanunuod ng tv. Habang ako ay nag-iisip ng ideas kung paano iwe-welcome ang mga bagong students sa Aihara Academy. School sya ng mga mayayaman, heir sa isang kilalang kompanya at iba pa. Kung papa-igsiin ay school siya ng mga kilalang tao. Kami ang may-ari non, katulad ng sinabi ko na lahat ng school pag-aari ng pamilya ko.

Hay, nakaka-bore pero kailangan ko talaga mag-isip dahil ito ang trabaho ko bilang SC President. Hindi pwedeng hindi ko tatapusin 'to.

"Mulawin, kumain ka oh. Alam kong gusto mo 'to."

Nakakainis naman 'tong pinsan ko kinukulit pa ako kumain ng Nutella nya! Kanya na yan, 'di ako gutom. Kita niyang nagtratrabaho ako eh! Hay. Matawagan nga sila Steph.

Calling... - Twin Steph

"Oy, Steph punta ka dito sa amin." Bungad ko ng sagutin niya ang tawag ko.

"Bakit naman?"

"Tinatanong pa ba 'yan?! Aish. Kailangan ko ang tulong niyo ni Mika para sa welcoming ng mga bagong estudyante. At saka para hindi na rin ako bwisitin ng pinsan kong may mental illness."

Campus Heartthrobs! Girls VS Boys - Knowing Each Other (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon