Twenty-Seven

220K 3.4K 269
                                    

27

Hindi maipinta ang mukha ko habang nakasakay sa chopper pabalik ng Manila. Lahat ng  tanong sa akin singhal ang sagot ko. At oo nasa chopper kami ngayon, sinundo na kami sa walang kwentang isla na yun.  Gigil na gigil ako dahil pa din sa kadahilanang nabitin ako.

Nakatulog na ako’t lahat hindi pa din naalis ang inis ko. At siempre hindi ako natulog sa tabi niya dahil baka sa sobrang inis ko masakal ko siya. Kaya ayun, mabuti na lang at dumating ang magsusundo sa amin kasi kung hindi, hindi na lulubugan ng araw yang si Angelo Jhudiel Villegas. Uuwi yang hindi na virgin.

Teka…paano naman ako nakaksigurong virgin siya? Hmp! Panigurado, hindi na yan virgin. Sa klase pa lang ng sayaw na ginawa niya sa bar dati. Impossible virgin pa siya. At dahil sa isiping yun, lalong uminit ang ulo ko.

Napakaunfair ng mundo!! Bwisit!

“Xiara, ano bang problema mo at para kang papatay ng tao?” Tanong sa akin ng isang kasamahan namin na nagsundo sa amin.

“Tumahimik ka!” Singhal ko. Bumaling ito kay Jhudiel.

“Anong problema niyan?” Pero nakita ko lang itong nagkibit balikat. Hah! Ano!? Hindi niya masabi na siya ang dahilan ng init ng ulo ko? Na na-chicken out siya?

“Meron ka ano? Kaya masungit ka.” Sabi nung isa pa naming kasama at halatang inaasar talaga ako. Tiningnan ko siya ng masama at nakakamatay.

“Gusto mong mag sky diving ng walang parachute?”  Nagkatawanan ang lahat dahil sa sinabi ko. Pero nung sinabi ni Jhudiel na tahimik na, tumahimik naman sila. Bakit ba nila sinusunod yan eh mas matagal naman na nila akong kilala kaysa dyan?

Pagkalapag ng chopper sa helipad, walang kaabog abog na bumaba ako at naglakad ng mabilis pero nagulat na lang ako nung may nag-abot sa akin ng jacket. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya from head to foot.

“Anong gagawin ko dyan? Lalabhan?” Nakita ko ang pagkunot ng noo niya na parang naiirita sa akin.

“Isuot mo.” Seryoso pa ding sabi niya.

“Hindi ko kailangan ang jacket mo.”

“Believe me, you need it. Kung ayaw mong makita ng lahat ang tagos mo, isusuot mo ito.” Napanganga ako at naramdaman ang  pag iinit ng pisngi ko. Tsaka lang ako naging aware na parang wet ako down there. Walang sabi sabing kinuha ko ang jacket niya at isinuot na nagkataon naman na mahaba sa akin. Tapos naglakad na ako.

“Hindi man lang nagthank you.” Narinig kong sbai niya nung naglakad na ako. Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya ng masama.

“Eh di thank you sa jacket.” At iniwan ko na naman siya.  Dirediretso ako sa office at kinuha ang bag ko na nakalagay na sa chair ko at nagmamadaling umalis sa opisina.

Pagdating sa condo ni Jhudiel, agad akong naligo at nagbihis tapos kinuha ang suitcase ko at nilagay ulit doon ang mga damit ko. Oo aalis na ako sa bahay niya. Dahil hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko kapag andyan siya. Paano kung bigla na lang ulit niya akong halikan tapos mabitin ulit ako. Naku! Baka talaga mahalay ko na siya.

Wala pa din siya kahit tapos na akong magligpit. Pero paglabas ko ng pinto ng guestroom, saka naman siya pumasok ng condo.

“Jamie Xiara!” Napatingin siya sa akin, tapos sa suitcase na bitbit ko, tapos sa akin.

“Wag mo akong kausapin! Paasa ka!” Sigaw ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.

“Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong niya na parang inosente at walang alam sa mga nangyayari sa mundong ibabaw. Tapos kung makatingin pa siya, para tutunawin ka niya. Napakaunfair talaga ng mundo. Bakit kasi may mga lalaking katulad niya? Na kapag tumingin parang gusto kang tunawin, na para bang ikaw lang ang nag iisang babae sa mundo pero pag nagkasubuan na, sila yung nauunang umatras. Mga bwisit lang di ba? Kung makaasta akala mo kung sinong mga birhen. Mga paasa!

“Lalayasan na kita.”

“What?” Nanlaki pa ang mata niya nung sinabi niya yun.

“What ka dyan! What-whatin ko yang mukha mo makita mo!” Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko este ang maleta ko na hawak ng kamay ko pero nilayo ko ito.

Wag na wag niya akong susubukan dahil talagang kunting kunti na lang ang pagtitimpi ko sa kanya. Pasalamat siya ngayon dahil naiisip ko na may dalaw ako.  

“Wag mo din akong hahawakan. Kahit kailan hindi ka magkakaroon ng honeymoon. Hanggang sa ako ang asawa mo. “ Tumaas ang kilay niya and then a small smile formed in his lips. Lalo akong naasar.

“So, yan ang ikinaiinis mo? And naudlot nating honeymoon. C’mon Jamie Xiara, you know it’s not practical and unromantic to do it there.  And of course, you don’t mean what you just said. We are still consummating our marriage. “ Natatawa pa din siya habang sinasabi niya yun to the point na naniningkit na ang mata niya.

“Of course I mean it. You will never ever ever have your honeymoon.” I stressed every word that I said at doon na siya tumawa ng malakas.

“Okay. Sabi mo eh. Tara ihahatid kita kung saan ka man pupunta.” At kinuha pa niya talaga ang suitcase ko. Napanganga ako. Hindi niya ako pipigilan? I mean, hahayaan lang niya akong lumayas? For real? Shit!

“You are not going to stop me?” Hindi ko napigilang itanong. Shocked.

“No. Because if I stop you, then  we are going to have that honeymoon that you will never ever ever going to give me as you’ve said. At ayokong mapahiya ka sa sarili mo.” I gaped at him. Pero nakangisi lang siya.

“And Jamie Xiara, if you wont treat me as your husband then hinding hindi mo ako matitikman.” What the hell! Did he just say that? Lalong nanlaki ang bibig ko dahil sa gulat sa mga narinig ko. Dagdagan pa ang paglaki ng mga mata ko.

Tae naman! Kung makapagsalita ang lalaking to, akala mo siya ang matimtimang birhen sa aming dalawa. Pakyu!

A/N: Sorry for the error. It should be Jhudiel not Michael. Already corrected.  

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon