Chapter Six

81 1 0
                                    

“ATE, WHERE ARE MY KEYS?” tanong ko sa ate kong nakaupo sa sala habang nanunuod ng movie sa Fox. Umupo ako sa tabi niya, napatingin ako sa wrist watch ko.

Magaala una na pala.

 Isinandal ko ang ulo ko at ipinikit ang mga mata ko, naparami ata ang inom ko.

“It’s in your room. Salamat sa pagpapahiram ha li’l brother.” Niyakap niya ako at mukang maglalambing nanaman sa akin. “I had so much fun a while ago. Salamat talaga.”

“Obviously ate, hindi ko pinahiram sayo ang sasakyan ko, you drove off without even asking me. Ni hindi ka man lang nga nagpaalam. Wala naman sakin kung gusto mong gamitin yung sasakyan ko at makipagkarera buong buhay mo. Ang akin lang, hindi mo ko sinabihan, pano kung wala pala sa kondisyon ang sasakyan ko at maaksidente ka. Malalagot nanaman ako kina mommy lalo na kay daddy. Sasabihin nanaman nun kinukunsinti kita. Mapapagalitan nanaman nila ako.”

“That’s not gonna happen. I know that your car is always in a very good condition. And besides, I called you last week to tell you na uuwi kami ni Xiara. I know na inihanda mo ang sasakyan mo.” She gave me a very knowing look. “Ikaw pa? I trust you so much Sergienzo. Manang mana ka kasi sa akin.”

“Oo na ate, pinapatawad na kita, pero sa susunod, magpaalam ka na sakin. Last two months ago, sinabihan din kita ng ganito.” I was talking about what she did the last time na umuwi sila ni Xiara dito sa Pilipinas. She did exactly the same thing. “Tulog na ba si Xiara?”

“She’s in her room, oo tulog na nga ata. Alam mo ba, kanina habang pauwe kami, she told me na gusto rin niyang maging katulad ko. Gusto rin daw niyang magmaneho ng sasakyan at makipagkarera. Haha! Ang batang yun talaga.”

“Don’t let her engage into car racing, delikado.” Tumayo na ako at aakyatin ito sa itaas. Namiss ko ang makulit kong pamangkin. Napakabibo na bata. Nakakatuwa.

“Train her Niel, I bet she’ll be far greater than me.” Pangungulit pa ni Ate.

“No. Tama nang may isang pasaway at sakit sa ulong Xiarina sa race track.” Natawa na lang siya sa akin.

“Ate mo kaya ako! Hindi mo na ko ginagalang ah! Hahaha!” tatawa tawa rin akong umakyat sa taas.

Xiara was already sleeping ng pumasok ako sa loob ng kwarto niya. I covered her with her pink blanket. Kamukhang kamukha talaga siya ni Ate. Parang walang nakuha sa ama niya. I kissed her forehead. Inaantok na rin ako. I turned off the lights and closed the door.

Nahiga na ako sa kama ko pagtapos kong maligo at magbihis. Hindi pa ako makatulog. Nakarinig ako ng katok. Bumangon ako at binuksan ang pinto, si ate pala. Kinuha niya ang susi sa drawer sa gilid ng kama ko.

“I forgot Xiara’a clothes in your car, kukunin ko muna, naitanong ni manang Sita kung may iba pa bang labahan maliban sa nasa laudry basket niya sa kwarto.”

“Okay. Magpahinga ka na pagtapos mo diyan sa gagawin mo. It’s late Ate. Alam kong pagod ka.”

“Yes Sergienzo!” tumawa pa siya at saka umalis. Trip talaga nitong tawagin ako sa pangalan ko. Humiga na uli ako. Napamulat ako when Ate stormed inside my room after ten minutes.

“What happened to my car?! Anong ginawa mo?! Yupi ang unahan ng kotse ko! Bakit hindi mo iningatan? Saan ka nanggaling ha?! Kanino ka nakipagbump car?! You know how much I love that Beetle, Sergienzo Nathaniel!”

Shit! I totally forgot about that. Binuo na niya ang pangalan ko, malalagot nanaman ako kay Ate.

“Ate , huminahon ka muna-”

“Pano ako hihinahon?! Yung unang regalo sa akin ni daddy na sasakyan yupi ang unahan dahil sa kagagawan mo! Ano ba-” naputol ang sasabihin niya ng pumasok sa silid ko si Xiara.

The Love Project: Make Her SmileOnde histórias criam vida. Descubra agora