AM - DP...21

1.9K 50 0
                                    

<Adrienne>

pagbaba ko ng telepono, tinignan ko si Troy na nagmamadali sa pagkain niya at pagkatapos ay bigla nalang umalis.

kung makapagdabog pa naman e wagas.

napano naman kaya ang isang yun?

nga pala, yung kausap ko kanina sa cellphone, si Raven.. Ven ang nickname niya pero ang original na tawag ko sa kanya ay Bentot, kaso nung medyo nagkaedad na kame, pinapalit niya pagtawag ko sa kanya, panget daw kasi ng "bentot" kaya BHE nalang.

pinsan ko siya, mother side..

galing sila ng Japan at super close kami.. kaya ganyan kaming mag-usap.

siguro sa lahat ng mga pinsan ko, either mother or father side, siya na pinakaclose ko, siya lang kasi ka-edad ko.

nagpunta sila sa Japan 3 years ago para dun siya magcollege, at ngayon, di ko alam kung bakit sila nauwi pero sobrang miss na miss ko siya, magkikita nga kami mamaya eh, date nga daw.

pagkatapos kong kumain, niligpit ko na yung mesa at umakyat sa taas para magready na umalis, sakto naman tumawag ulit si bhe.

"yow!"

"ready ka na bhe?"

"hindi pa. saglit lang"

"ok, gusto mo sunduin kita? ikaw ha, 3 years lang akong nawala andami nang nangyari sayo."

"hay nako, sinabi mo pa.. ikaw kasi umalis ka, ayan, huli ka na sa balita tuloy"

"haha. oo nga eh"

"wag mo na pala akong sunduin, magkita nalang tayo... san ba?" tanong ko sa kanya

"hmm. mall nalang, tapos uwi muna tayo dito, bigay ko sayo mga pasalubong ko." sabi naman niya.

at napagkasunduan na nga namin na magkita sa mall, pagbaba ko ng phone, nag-ayos ayos na ako..

nung matapos ako, papunta sana ako sa kwarto ni Troy para magpaalam na aalis muna ako, kaya nga lang eh saktong binuksan niya ang pinto at lumabas siya, nakabihis din pang-alis.

"aalis ka din?" tanong ko pero tinignan lang niya ako at ang suot ko tsaka na ako iniwan.

tignan mo tong lalaking to, kinakausap ko tapos lalayasan ako..

bahala nga siya. lumabas naa rin ako at umalis na papuntang mall.

<Troy>

pagakyat ko sa kwarto ko ay naligo ako agad at nagbihis.. 

binabawi ko na yung sinabing kong tambay sa bahay ngayon, pano ko tatambay sa bahay ngayong nalaman kong may date ang asawa ko?

pagtapos kong makapag-ayos ng sarili ay lumabas na ako at sakto naman na papunta siya sa kwarto ko..

"aalis ka din?"

tinignan ko siya at ang suot niya ngayon, casual lang pero iba pa din ang dating..

talagang nagpapaganda pa siya ha.. sino ba kasi yang bhe na yan?!

iniwan ko na siya at lumabas nalang ng bahay..

sumakay ako sa kotse pero  di pa umalis, san ba ko dapat pumunta? 

tapos nakita ko nalang siya na lumabas ng bahay and TING!

sumakay na siya at agad ko namang pinaandar ang kotse.

sinundan ko siya hanggang makarating sa mall.

dumiretso siya sa department store.

tapos may tumawag sa kanya at bigla nalang silang nagyakap.

Arranged Marriage - Dual PurposedWhere stories live. Discover now