Chapter 24 - Heartache

1.6K 16 4
                                    

Hanggang Chapter 35 na lang po ang Secretly Inlove. Plus Epilogue pa po. May 19 days na lang po kasi ako para magtype at UD kaya naman nagttype na ako ng ibang chapters ngayon para UD na lang ng UD ang gagawin ko :)

BTW, nakooo. Maghanda po kayo ng panyo sa chapter na ito.. Pero hindi ko sure kung mapapaiyak ko kayo hehe. Di ako magaling jan eh. But I tried. Sana magustuhan nyo ^______^

Chapter 24

Kath's POV

Andito kami sa Room ko. Nasa tabi ko lang si DJ. Umuwi na din muna si Chase.

Pinapanood ko lang si DJ na natutulog. Sabi ko sakanya sa couch na lang sya matulog para kahit papano comfortable siya eh. Pero matigas ang ulo niya -______-

Hawak-hawak niya ang kamay ko. Ayaw na ayaw talaga niya akong mawala...

Naaalala ko nanaman yung mga sinabi niya kanina. Hindi ako tulog nun o walang malay. Gising na gising ako nun. Narinig ko lahat ang sinabi niya.

Halatang pati siya nahihirapan din sa sitwasyon namin ngayon...

Pumasok nanaman sa isip ko yung mga sinabi niya...

*FLASHBACK*

May narinig akong sarado ng pinto. Ano ba to -_____- ang sakit ng buong katawan ko.

Gigising na sana ako. Pero naramdaman kong hinawakan ni DJ ang kamay ko kaya nagpretend na lang muna akong walang malay...

"Kathryn, bakit ba inilihim mo pa sa akin ang lahat ng ito? Ano pang binoypren mo ako kung hindi mo naman masabi ang mga problema mo sa akin diba? 1 month pa lang tayo pero umabot na tayo sa ganito. Pero Kath, promise ko sayo. Hinding hindi ako susuko kahit ano pang problema ang dumating sa atin. Sana ganun ka din Kath. Hindi ko kasi alam kung ano na ang mangyayari sa akin kung mawawala ka sa buhay ko. Alam mo ba?.....

Tinago ko ang lahat kasi kailangan. Para hindi ka na mag-alala. Tignan mo, nung nalaman mo, pati ikaw tuloy napahamak...

"Nang dahil sayo, nagbago ako. Bumalik din ako sa dating ako. Parehas kasi tayo Kath. Nagbago dahil sa mapait na nakaraan. Gaya mo Kath, nasaktan din ako." Halatang umiiyak na din si DJ. Pero ako nagpipigil para hindi siya makahalata...

Pero hindi ko maintindihan... Pati ba ikaw DJ may mga bagay din na hindi mo kayang masabi sakin? 

"Pero pangako Kath, sasabihin ko din sayo yun sa tamang panahon. Pag maayos na ang lahat. Sana matanggap mo pa rin ako pag nalaman mo na ang tungkol dun. Lalo na't involved dito ang SS. Kath sana pagkatapos nito, wala nang taguan ng sikreto sa ating dalawa. Maging normal na lang sana tayong magkasintahan pagkatapos ng lahat ng ito."

I-involved ang SS? Ano ba talaga ang hindi ko alam tungkol sayo DJ...

At maging normal na magkasintahan?

It sounds fun. Pero, magiging normal pa ba tayong magkasintahan DJ? Madami pa akong nakasangkutang gulo.. At alam kong hindi pa dito nagtatapos ang lahat ng ito...

"Sisiguraduhin kong pagbabayaran ng SS ang lahat ng ito. Buti nga at magagaling ang mga nakuha naming SWAT team para mahanap sila agad. Sinubukan kasi nilang tumakas nung dumating sina Julia para tulungan tayo. Ang sasama ng magkakapatid na iyon. Bakit nila nagawa sa atin to..."

Hindi ko na napigilan ang luha ko...

Hindi lang ako ang nahihirapan kundi pati si DJ...

Secretly Inlove ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon