Chapter 11 - Realizations....

2.3K 26 5
                                    

Chapter 11

Kath's POV

Andito kami sa bar ngayon. As usual by partners nanaman sila. Ako? Eto loner at may gumugulo sa isipan ko. Nagsimula to kaninang umalis si Dj sa Gym eh. Ewan ko kung bakit parang nainis at kumirot yung puso ko kaninang sinabi niyang maghahanap sya ng chicks nya. Tapos sakto pang paglabas namin kaninang dismissal eh nakita kong nakikipaglandian sya sa mga grupo ng mga babae at kiniss pa sya sa cheeks. Muntik ko na ngang kalbuhin yung mga babaeng yun sa sobrang landi eh. AH SH*T! -________-

Ewan kung tama pa ba itong nangyayari sakin. Hindi na sya nakikipag-asaran sa akin. Wala na yung taong laging namimikon at nangungulit sakin. Kaya naman parang inis na inis ako pag nakikita kong nasa iba ang atensyon nya samantalang ako iniiwasan nya. I mean INIS talaga ako!

"May problema ka?" Tanong nitong katabi ko. UGH! See?! Ang cold nya sakin :(

"H-ha? A-ah wala." Sabi ko tapos shinot ko ung tequila na nsa harapan ko. I'm nervous and I don't even know why -_____- Hindi naman ako ganito dati sakanya ah.

"Ah okay." Sagot nya lang sakin.

I can't fall for him :(

SERIOUSLY, I DON'T WANT.

"Alis lang ako saglit." Sabi ni Dj sakin. Nagulat pa ako pero tinanguan ko na lang sya. Parang naguguluhan pa sya kung bakit ganun ako. ABA! Nauna sya no! -____-

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa nakita kong pumunta sya sa mga babae dun sa may counter. FVCK! -_____- As in ngayong araw ko lang syang nakitang lumalandi! Or talagang hindi ko lang sya napapansin dati? UGH! Basta! And I hate what I'm seeing right now.

I DON'T WANT TO FALL FOR THIS GUY.

Ayoko kasing dumating sa punto na ako na yung makakasakit ng iba. Alam ko ang nararamdaman ng nasasaktan. Mahal ko pa si Jerome. Oo 10 months na simula nung nangyari yun pero mahal ko pa rin siya. Siya yung pinakaunang tao na nagparamdam sa akin kung pano ba talaga magmahal ang isang boyfriend. Kung tutuusin parang perfect na perfect na nga kami nun eh.

Pati friends nya tuwang tuwa sa amin noon. Pero nung nalaman nila ang nangyari samin, halos patayin na nila sa mga salita nila si Jerome. Nakakatuwa nga kasi kahit sya yung kaibigan nila, ako pa rin yung nagagawa nilang kampihan kasi nagbago daw si Jerome nung nakilala niya ako.

Haaayyy. Masakit pero sa tingin ko kailangan ko nang tanggapin. Matagal na din siyang hindi nagpaparamdam sa akin.

*After 30 mins*

Bumalik na si DJ. Ewan ang awkward pa rin. Hindi ko din alam kung bakit bigla-bigla niya na lang akong iniwasan. Eh ang saya-saya lang naman namin kanina sa Gym.

Habang tinititigan ko yung shot glass biglang nagring yung phone ko.

*Riiiinggggg*Riinnngggg*

Tinignan ko yung caller ID.

Si CJ. Ang bestfriend ni Jerome.

Ewan pero parang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Ngayon na lang din nagparamdam itong si CJ sa akin. Hindi ko nga pala nasabi sainyo, mas matanda si Jerome ng 1 year sa akin. Kaya 1st year college na sila ngayon.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.

Tumayo na lang ako at lumabas para saguting yung tawag. Hindi na ako nagpaalam kay DJ. Obvious naman na siguro diba?

Sinagot ko yung tawag....

"Hello?" Walang gana kong sagot. Pinakaclose ko sa kanilang magkakaibigan itong si CJ. Kwela kasi siya pero chickboy.

Secretly Inlove ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon