Chapter 53: Unsure feelings

340K 11.9K 3K
                                    

Tamara's Point of View


"Mabait na bata 'yang si Nathan."

"Nakakatawa pa, Ate Tamara."

"Maganda ang pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang niya."

"Sana nga lagi nang dumalaw dito si Kuya Nate."


Buti na lang nakauwi na si Nate. Kung sakaling narinig niya ang mga papuri ng magulang at dalawa kong kapatid sa kaniya baka pumalakpak ang tenga no'n sa tuwa. Hindi rin 'yun magdedeny panigurado. Sasabihin pa niya na totoo lahat ng sinabi nila sa kaniya.

Pero kung tutuusin, totoo naman talaga.

Mabait si Nate kasi bukod sa maganda ang pagpapalaki sa kaniya, mabait ang magulang niya, at sadyang mabait lang talaga siya. Kahit siguro hindi maging mabait ang magulang niya magiging mabait pa rin siya. Kasi ganoon siyang klase ng tao. Kasi nature na niya 'yun. Mabait pero medyo overconfident nga lang.

Proud na proud sa sarili niya. Kaya lang wala namang naiinis sa kayabangan niya. Mas madalas nga na natutuwa sa kaniya ang mga tao kapag nagyayabang na siya. Kahit kasi totoo at seryoso ang sinasabi niya, nagmumukhang joke sa way nang pag-deliver niya. Isa na 'yun sa charm niya. Ang maging nakakatuwa without even trying.


Lately sobrang natutuwa ako sa kaniya. Naappreciate ko 'yung tulong na ginagawa niya para mapalabas ako sa lungga ko at matutong ilabas ang nararamdaman ko. Ayokong maging bato habambuhay kaya sobrang laking tulong niya para mapalabas ang feelings ko.

Sobrang bait ni Nate at masaya ako na makilala siya pati na rin ang iba. Masaya ako kasi kaibigan ko silang lahat. Hindi man kami swinerte sa pera, bawing bawi naman ako pagdating sa kaibigan at pamilya.


***

"Tawa nga ako nang tawa kasi bigla na lang tumalon 'yung kapatid ko sa kama. Siya ba naman liparan tapos dapuan ng ipis sa balikat. Sa sobrang takot nga niya napaiyak na lang siya kaya lang kahit umiiyak na siya hindi ko pa rin mapigilan matawa. Hindi naman masama 'yun, 'di ba? Sadyang nakakatawa lang talaga ang naging reaksyon niya."


Kapag naaalala ko ang reaksyon ng kapatid ko hindi ko mapigilan ang mapabungisngis. Parang ngayon... kaya lang napahinto rin ako nang mapansin ko si Nate. Nakatunganga lang siya at parang nasa ibang mundo.


"Tapos tumakbo sila nanay papunta sa amin kasi akala nila kung ano na ang nangyayari. Hindi nila alam may flying ipis lang naman pala."


Hinintay ko na mag-react si Nate sa kwento ko pero hindi pa rin siya nagsalita at hindi pa rin siya natinag. Hindi ko nga alam kung kumukurap pa ba siya. Ngayon sigurado na ako, hindi talaga siya nakikinig.


"Nate," tawag ko sa kaniya pero hindi pa rin siya sumagot. "Nate." This time ay lumingon na siya sa akin pero parang tulala pa rin. "Nate, ayos ka lang?"


Hindi na naman siya sumagot at nakatingin lang. Parang nandito siya physically pero parang wala naman 'yung katinuan niya dito.

Pumalakpak ako sa tapat ng mukha niya na ikinagulat niya, "Oy! Ano 'yun? Para saan 'yun?"


"Nawawala ka ba?"

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon