Chapter 28: Stay or Quit

431K 14.3K 5K
                                    

Nate's POV

Nang magpaalam ako kay Pipes at Tamara, dumiretsyo na ako papunta sa Prefect of Discipline at nagrequest na aalis na ako ng grupo.

"Sigurado ka na ba, Mr. Scott?"

"Yes, ma'am."

"Alam mo na ang mangyayari oras na umalis ka ng grupo."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "Mawawalan po ako ng grupo. Hindi ko na pwedeng kausapin ang mga kagrupo ko at tanging ang katulad kong walang grupo na lang ang pwede. Kung maisipin ko man na bumalik sa grupo ko, dapat tanggapin ako ng magiging bago nilang leader. Kapag hindi ako tinanggap, kahit anong gawin ko, hindi na ako makakabalik. Parehas lang din sa iba pang groups."

Mukha naman siyang nasatisfy sa sagot ko at tumango.

Napabuntong hininga siya at pinalabas na ako. Now I'm groupless.

Kakaiba talaga sa pakiramdam. Parang kinikiliti ang buong pagkatao ko. Sa wakas nakawala na ako sa mga bwisit na grupo grupong 'to.

Gustong tumalon talon habang naglalakad papuntang classroom kaya lang para naman akong magiging tanga at baliw nu'n. Kaya naglakad na lang ako ng nakangiti. Malapit na ako sa room nang makita ko sila Pipes at mukhang nakasalubong nila si Elle. Malamang ko ba nagparinig na naman ang mapap-Elle na 'to. Trip na trip niya ang bestfriend ko. Konti na lang iisipin kong tibo 'to eh.

Papunta na sana ako sa kanila kaya lang ay napahinto ako nang batiin ako ng dati kong kagrupo.

"Hi, Nate. Sama ka ba mamaya? Nag-aayang manuod ng sine ang iba."

Ang tanga ko. Bakit hindi muna ako nagpaalam sa mga 'to bago ako umalis? Masyadong padalos dalos. Anong problema mo sa buhay, Nate? Bukod sa gwapo ka, tanga ka pa. Hay buhay.

Wala na akong magagawa, nangyari na. Kaya nginitian ko ang dati kong kagrupo, "Yo, dude. I'm groupless. Sorry hindi na ako nagpaalam at sorry kinakausap kita ngayon. Magsusulat na lang ako tapos ibibigay ko isa sa inyo mamaya para mag-explain. Ge, una na ko."

***

"Are you out of your mind? That's so impulsive, Nate. Yes, I know that you'll quit. But parang napikit lang kami sandali and the next we know you're groupless na rin."

"Hindi ba parang medyo OA naman 'yung napikit lang kayo sandali? Mas matagal naman 'yun doon."

Sinamaan ako ng tingin ni Piper pero nginitian ko lang siya.

"Nag-iisip ka ba?" tanong ni Tamara.

"Oo naman."

"E bakit hindi ka nagpaalam sa mga kagrupo mo bago ka umalis?"

"Ahh.. minsan nakakalimutan ko rin mag-isip?"

Tulad ni Pipes, sinamaan din ako ng tingin ni Tamara. Nakakatuwa naman pala. Damang dama ko ang pag-welcome nila sa akin ha. Tinanggap nila ako with open arms.

"We're just worried about your group, Nate. This is too abrupt. Everything's perfect naman sa group mo tapos biglang you're out of the group na. Paano na sila?"

Magsasalita palang sana ako pero pinatahimik ulit ako ni Pipes, "My case is different from yours."

"Sorry na. Nakalimutan ko talaga. Gwapo lang ako. Hindi ako ganu'n katalino."

Kung masama na ang tingin nila sa akin kanina, posible pa palang mas sumama pa ang tingin na 'yun. Itong mga 'to ayaw talaga pumayag na gwapo ako. Medyo nakakasakit na sila ha.

"Gumawa naman ako ng letter kanina habang nagklaklase. Ibibigay ko sa kanila 'to mamaya bago mag-uwian."

"You'll talk to them?"

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon