■10■ Vampire History, Werewolf Fight and Dining Hall Tension

44.9K 1.4K 267
                                    

An: Dahil mahal ko kayo, mahaba tong chapter na to xD

-May-

"Vampires are immortals and so are the werewolves, witches and warlocks. We stop aging at our 18th year. And thus we stay young forever. Since we don't die, unless we are killed by natural force or war, the vampire population grow. But we know that we cannot turn anyone into a vampire so the population is still under control."

"Pero ang ilan sa mga pinakamatatandang vampire ay nagpapakamatay na lang. Why do they end their lives? Simple lang naman. They are too tired of living. Though we have an eternity to live, there will be a moment that we will be tired of living this endless life. Dahil wala ng purpose ang buhay, mas minabuti ng ilang bampira na kitilin na ito."

Nagkaklase ngayon si Ms. Kara Valier. Ms. Valier is a petite lady. She stands at least five feet. Her skin color matches ours, fair and white but a little pale. Though she's small, she has strikingly strong facial features. Siya ang teacher namin sa Vampire History. At base sa kinaklase niya, mukhang off topic na siya dahil hindi pa niya dinidiscuss ang history ng vampire. Naglelecture pa siya tungkol sa buhay ng isang bampira which regards to the population. I do agree with her lalo na dun sa mga bampirang nagpapakamatay dahil napagod na silang mabuhay. Ang boring nga naman mabuhay ng matagal na matagal. Ako kaya, dadating din kaya ang araw na mapapagod din akong mabuhay?

Napasulyap ako kay Stephen na nasa tabi ko. Diretso lang ang tingin niya sa harap. Hindi ko manlang siya kakikitaan ng pagkabagot o interes. Blangko lang talaga siya.

"How about you, King Stephen? What is your view about living forever?"

Nakatingin kaming lahat kay Stephen. Ibang klase din tong si Ms. Valier. Mukhang hindi siya apektado na hari si Stephen. Hindi manlang siya naintimidate sa presence ng hari. She treated Stephen like an ordinary student.

"Forever is an awfully long time. But if you have someone special to spend it with, you will be thankful that forever exists. Do you agree with me, Ms. Lockheart?"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang bumaling siya sa akin. He looked at me with those beautiful black orbs of his. I almost melted in my seat. Wait. Bakit naman ako nasabit sa usapang poreber? Meged.

"Yes, of course." pagsang ayon ko. Naiinis talaga ako pagganito si Stephen. Parang may kakaiba talaga siyang epekto sa akin. To think na titig niya palang ganun na ako makareact paano kaya kung lumampas pa dun? Hindi ko alam pero may konting kirot akong naramdaman sa sinabi niya. Bakit nga ba siya mapapagod mabuhay kung kasing ganda naman ni Adela ang magiging asawa niya?

"Humuhugot ka na naman, mahal na hari." Nawala ang atensyon ng lahat sa amin at nabaling kay Blake na sumegway na naman. Nakita ko ang ilang babae na napapanganga ng konti habang tinitingnan si Blake. Sa bagay, may pinanghuhugutan nga ang pagiging conceited ng lalaking ito.

Natawa naman kaming lahat dahil binatukan siya ng fiancèe niya na si Angeli.

"Aww. Anong kasalanan ko?" angal niya

"Yang pagiging madaldal mo." sagot naman ni Angeli

Bigla namang nakisali sa usapan si Joannie.

"Ikaw, Kuya Blake, pakibawasan yang pagiging chismoso mo ah! Ako na mismo ang magbibilad sayo sa araw pag di ka tumigil."

"Suportado kita diyan, Babe. Haha." tuluyan ng natawa si Andy.

"Aba---" hindi na nakaangal si Blake dahil sinuway na sila ni Ms. Valier.

"Okay, Class. Settle down.  We will now discuss our first lesson in Vampire History. Mr. Devonshire, please keep quiet."

MTAVP II: The Return of the HeiressWhere stories live. Discover now