■1■

63.3K 1.7K 415
                                    

An: please read the author's note. Please lang. Naiiyak na ako sa kakasagot sa tanong ng mga hindi nagbabasa ng author's note :3

Ps. Hindi ako galit, nagpapaliwanag lang ♥♥♥

Btw, hindi pa ako makadedicate. Ililista ko na lang muna UN niyo tsaka na lang ang dedication.

Papromote! Paread po yung The Rockstar is a Vampire at Haunted by Caroline! New stories ko po! Read niyo po pag may time xD

-May-

"Siya na ba yun?"

"Ooh. Ang ganda ah."

Napayuko na lang ako. Kanina pa ako pinagtitinginan at kahit nagbubulungan lang sila ay naririnig ko pa rin. Mukhang maling desisyon ang lumabas ng cottage. Ugh. Ito na nga ba ang mahirap kapag wala kang kaalam-alam sa nangyayari at wala ka pang maalala. Ang Raven na 'yon ang tangi kong kilala dito. Not to mention na hindi pa kami ganoon ka close. May choice pa ba ko?

"Sino ang hinahanap mo?"

Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang isang lalaki. He has this boy next door look and his dimples are really cute. Parang ang bait niya. Nahiya naman daw ako sa smile niya. Abot tenga eh. It's like his smile can light up the whole room.

"Uhm. Si Raven Grey," sagot ko.

"Ang alpha?"

"Alpha? Anong alpha?"

"The leader of the pack."

Leader? Siya ang pinuno ng mga werewolves?

"Siya nga."

"Tara samahan na kita."

Tahimik lang akong sumabay sa kanya. Ang awkard naman nito. Hindi ako komportable, buti na lang sinimulan niya na ang usapan.

"Ako nga pala si Zach Collins, bestfriend ng ugok na alpha," sabi niya ng nakangiti.

"Ako si err. May."

May ang pangalan ko di ba? Ang hirap talaga nito. Ni pangalan ko, hindi ako sigurado.

"Narinig ko sila kanina, yung mga uhm yung mga kasama niyo. Kilala ba nila ako?" tanong ko.

"Oo kilala ka nila because you're a vampire."

"Alam ko."

"Alam mo kasi, hindi ko alam kung paano ka napunta dito sa lugar namin, basta na lang sinabi ng alpha na dito raw titira ang isang bampira which is you."

"Bakit kaya ako napunta dito? Ugh. Wala talaga akong maalala. Nga pala, ilang araw na akong tulog?"

"Matagal na rin. I think mag iisang buwan na."

"Whoah. Ang tagal naman."

Ang tagal ko na palang natulog.

"Yup. Nung una kang dinala dito, sinilip kita sa cottage. Grabe ang payat mo nun. Parang buto't balat ka na lang. Lagi ka ngang binibigyan ni Raven ng gamot galing sa mga witch eh. Kaya siguro bumalik ka na sa normal."

Mas lalong gumulo ang isip ko. Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Bakit nagkaganun ako? Bakit wala akong maalala? At bakit ako kinupkop ni Raven?

"May iba pa bang mga bampira? Baka nandoon ang pamilya ko."

"Oo naman. Nasa Crimson Valley ang mga bampira. Malayo yun dito. Pero tingin ko, hindi gugustuhin ni Raven na lumapit ka sa mga bampira."

"Bakit naman?"

MTAVP II: The Return of the HeiressWhere stories live. Discover now