Crush ko? Ikaw

3.3K 223 49
                                    

Oneshot: Crush ko? Ikaw
By: IamBlackOne

A/N: Dedicated kay Ate Princess Mimie dahil sa pagbasa ng mga oneshots ko pati na ang pagcomment ng marami dito . Thank you po ulit kaya as a sign of my gratitude, heto idinedicate ko sayo at sana magustuhan mo at kiligin karin nito hehe :D Enjoy reading



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


" Crush ko? Ikaw" mabilis niyang sagot sakin kaya inilabas ko dila ko at binelatan siya " Bleeh. Di ako naniniwala"

Napaayos nalang ako ng upo at pasulyap sa loob ng classroom. Kausap ko ngayon seatmate / crush ko at tinanong ko siya sino crush niya. Tss, lagi naman yan sasabihin niya sakin eh na ako daw crush niya pero di ako naniniwala

" Bakit ba ayaw mo maniwala eh totoo naman talaga" tinignan ko naman siya na nakangiti at linapit ang mukha sakin kaya inilayo ko narin mukha ko baka kiligin ako, patay na. Joke lang yan alam ko yan, mga pa-style talaga nito

" Yang mukha mong yan? Sure ka maniniwala ako? Di noh . Tss" umiwas ako ng tingin at inihanda na ang book para sa next subject. Ayoko tumingin sa kanya, ganda kasi ng mata kakainggit. Di joke, sa totoo lang di ako makakatagal makakatitig sa kanya eh kasi nahihiya at naiiba pakiramdam ko

" Mukha kong gwapo? Hahaha. Nagsasabi ako ng totoo, depende sayo kung maniniwala ka" napatingin ako sa kanya sabay taas nang isang kilay " Ikaw gwapo? Basta di ako naniniwala"

" Oo. Crush mo nga ako eh" napatigil ako sa paggawa ng kung ano at napatingin sa kanya na nakatingin sakin. Ano sabi niya? pano niya nalaman?

" Ikaw crush ko? Di noh"

" Sus di daw"

" Good morning class!" Umayos na kami sa upuan namin dahil dumating na si maam , ibig sabihin boring discussion na naman. Paanong di magiging boring eh math ang subject ngayon. Haaay. Habang nagdidiscuss si maam ay nagtake down notes naman ako syempre, mabait ako

" So, ayaw mo talaga maniwala?" Napatingin ako saglit sa kanya nung lumapit siya ng kaunti sakin " Hindi"

" Bakit naman?" tumigil ako sa pagsulat at tinignan siya. " Ganito kasi yan, pag may crush ka di mo talaga yan masasabi sa kanya ng diretso, mahihiya ka pa ganun , kailangan mo pa ng confidence para makapagtapat diba? Eh ang dali mo namang nasabi na crush mo ko noh"

" Eh kasi nabuild ko na con--"

" Ms. Elizabeth at Mr. Sanchez, mind sharing your own discussion to the class" napaayos ako ng upo at napayuko nalang. First time ko tong matawag ng teacher ah, ito kasing lokong seatmate ko

Nagulat ako nung tumayo si Enzo (crush/seatmate ko) tapos tinignan ako saglit saka ngumiti at humarap kay maam " Sinabi ko lang naman maam na crush ko siya pero di po siya naniniwala" sabi nito sabay turo sakin

" Ayiieeeee" kantyaw ng mga kaklase samin dahilan para makaramdam ako ng inti sa pisngi ko kaya yumuko nalang ako para itago iyon. Buwisit na lalake, pinapakilig ako

" Mag-aral muna tayo Mr. Sanchez, saka na yan ha" narinig kong sabi ni maam at pansin ko na umupo narin si Enzo. Kailangan pa talaga sabihin? Pero di ako magpapadala, alam ko na mayroon yang gustong iba at hindi ako . Tss, paasa

***

" Ui. Ano yung sinabi niyang crush ka niya ah? Ayiiee! Kinilig ako sa inyo!" Sigaw ni Kaye na bestie ko. Parang mas kinilig pa siya sakin ah at oo nga pala, alam niya ng crush ko si Enzo " Shhh. Hinaan mo nga boses mo. Ang ingay mo ah"

Naglalakad kami ngayon papuntang classroom. Galing kami caf, nang snacks na muna. Malapit pa lang kami ng classroom , narinig ko na ang mga ingay nila kaya nagtaka ako. Ano kayang meron?

Tatakbo sana ako papunta sa classroom pero pinigilan ako ng bestie ko " Delikado na tatakbo ka, kababago mo palang natapos kumain hehehe" napa-pout nalang ako at naglakad nalang

Pagtapat ko nang classroom ay napahinto kami nung sarado ang pinto. Napatingin naman ako sa kanya, ngumiti lang ito at sumenyas na buksan ko na ang pinto kaya binuksan ko na

Pagpasok ko ay nakita ko ang lahat na nasa gilid lang at nakangiti pa ito. Anong meron? Ngumuso naman sila kaya nagtaka ako, lumingon naman ako at paglingon ko ay nakita ko ang blackboard namin na may mga sulat

Hi seatmate, naalala mo nung una pa kitang katabi? Di muna ako nagsalita kasi nahihiya ako pero sa truth be told, crush na kita nun

Naalala ko nga yun , akala ko nga ayaw niya sakin eh at syempre di ko nalang siya pinansin

Hi seatmate, naalala mo ba nung una kitang nakausap? Ang saya ko nun at ang ganda ng ngiti mo ah. Sana lagi kang nakangiti at ako ang rason nun..

Oo, ikaw ang rason. Joker kasi tong si Enzo kaya simula nun crush ko na siya

Hi seatmate, naalala mo ba nung na-late ako at wala pa akong assignment? Nalaman ko nalang na sinulatan mo ako at nasayo ang notebook ko

Naalala ki pa yun noh, nag-alala kasi ako sa kanya at ang since mabait ako, ginawan ko na

Seatmate, ang dami mong ginawa para sakin kaya mas lalo akong nahulog sayo..

Napatigil ako dahil wala nang nakasulat sa board. Puno na eh

" Kaya ngayon kung itatanong mo, sino crush ko?" Napalingon ako sa kanya at pansin ko ang mga ngiti niya. I put my hands on my waist at tinaasan siya ng kilay " O? Eh ano mo na ako?"

" Di na kita crush.." kahit sinabi niya yan, lihim akong napangito kasi alam ko na ang idudugtong niya

" Mahal mo na ako?"

" Hindi rin" nagulat ako sa sinabi niya at napakunot ng noo

"Mahal na mahal" asus. Mga pastyle talaga. Luma na yan. Nagulat nalang ako nung hinawakan niya kamay ko " Will you be my forever seatmate?"

" Seatmate lang?"

" Para akin ka lang..." kahit hindi ko gets, ngumiti lang ako at syempre kinilig

                       End

 





Oneshot: Crush ko? Ikawحيث تعيش القصص. اكتشف الآن