I Am Kit

17.8K 99 5
                                    

Disclaimer: I have tried to recreate events, locales and conversations from my memories of them. In order to maintain their anonymity, I have changed the names of individuals and places. You know, just because I can. Oh just a reminder, cuss words ahead.

It's nothing fancy but I hope you guys enjoy.    

True story.

- -

Umaambon pa nang kaunti nung mag-out kami sa work. Dahil coding ang tsikot ni Irvin, nag-MRT na lang kami ng team ko. Team building kasi ng Technical Support nung araw na iyon. Fuck! Rush hour pa naman ang end of shift namin kaya matagal kaming pumila sa train station.

Sa wakas at narating namin yung venue. Maraming nagkalat na lobo sa pool. Himala buffet style ang dinner namin tonight. Shala ni Boss ah, impernes! Dumerecho ako sa restroom para magbihis ng pang-swimming. Gustong gusto ko na ding mag-slippers dahil malapit na akong idemanda ng legs ko.

Nagshower muna ako bago nagbihis. White shirt at pekpek shorts ang ipinalit ko. Hindi ako sexy kaya no go ang two piece. Makinis at maputi naman ang legs ko kaya keri lang mag-puke shorts. Nilagay ko sa ziplock bag yung phone ko at ibinulsa. Alam na this! Last year kasi maraming nasiraan ng phone. Tipong bigla ka na lang nilang itutulak sa pool, or worse bubuhatin ka at ihahagis sa malalim na part. Tak mau to its boy!

Sinalubong ako ni Kyle at bumeso. Amoy alak na ang hininga niya. Binulungan ako: "Ambango mo Kit!" saka bumitaw sa pagkakayapos. Mag-dinner na daw ako at sinamahan pa akong kumuha ng food. Hmmm... I smell something fishy. Clingy si gago ngayon. Hanyare sayo brad?

Matangkad si Kyle. Moreno at lean ang pangangatawan. Matalino at palabiro. I'm a sucker for guys with brains. Mas bata siya sa akin ng 5 years. Pareho kaming may ka-LDR. Kasabay ko siya mag-yosi at mag-lunch sa trabaho. Tropa lang talaga kami nun though may mga ungas kaming colleagues na ginagawan kami ng issue. Tipong sisigaw ng "Uyyy!" kapag napapadaan kami sa stations nila. Isama mo na yung mga nanguusig na tingin ng mga beking inggitera sa office.

Kit ang tawag sa akin ng mga tropa ko. Kaboses ko daw si Kitchie Nadal, hence the name. I stand 5'2", chubby but I have the curves, maputi, singkit at higit sa lahat, malaki ang butt. Asset ko yang butt ko kaya isinama ko yan. Sabi nila I look younger at papasa pang early twenties. Taray! Baby face ang peg.

After kong kumain ng dinner, kumuha ako ng beer at nagyosi. Nakita ko si Henry na papalapit sa akin. Supervisor din siya ng isang team. Madalas ko rin siyang kabiruan sa office at kasamang nagyoyosi sa Lung Center.

Henry: Kit shot muna oh!
Me: Kingina may beer na ko pre. Mamaya na empi!
Henry: Weak! Sige na, one shot.
Me: Akina nga! Buh yan! Make it double dude.
Henry: Ah puta ang yabang. Oh, bottoms up.
Me: Oh baka vetsinin mo ko pakyu ka. Sasama naman ako sayo. Hahaha!
Henry: Hahaha! You're nuts! That's fucking clean.
Me: Hahaha! Okay, fair enough smartass. Cheers! *clink

Medyo matagal din kami nag-chikahan ni Henry habang tumatagay ng Empi Lights. Kalahati na yung bote nang lumapit si Kyle at niyaya akong maglublob sa pool. Tumanggi ako at sinabing magpapababa muna ng kinain. Pinisil ni Henry ang pisngi ko at nagpaalam na rin ito na magiikot ng tagay.

Umupo si Kyle sa tabi ko at inihilig ang ulo niya sa balikat ko. Nahihilo na daw siya. Sabi ko magpahinga na muna. Sinunod naman niya ako. Yumakap si Mokong at pumikit. Nakuha pang humalik sa pisngi ko. Wow! Ginawa akong unan. Lanya dude. Wag ganern.

Nagulat ako nang tinawag yung pangalan ko. Pumunta ako sa stage na sinet-up nila. Tutugtog pala kami that night. Di man lang ako na-inform. Yan tayo ih. Walang praktis. Bahala na si Batman. Nilagay ko sa tono yung gitarang gagamitin ko at nag-soundcheck kasama ng banda. Nung okay na, nagsimula na ang rakrakan.

Mon Amour, LiteroticaWhere stories live. Discover now