Chapter 14: Honeymoon

4.7K 21 7
                                    

KATH

Nakatitig lang si Daniel sa akin habang ako naman ay palinga linga, hindi mapakali. Inaamin ko, kinakabahan ako. Napasulyap ako sa kanya isang beses nang hinanap ko ang seatbelt at sinuot ito sa akin.

"Alam mo, wag ka ganyan tumitig baka matunaw ako." Hindi ko siya nililingon imbis nakatingin lang ako sa seatbelt at sinikipan ito tska sumandal.

Napakagat ako ng aking labi at hindi parin mapakali. Kung san san ako tumitingin. Kapag tumingin ako kaliwa ko, nakikita ko si Daniel at nakakaconcious lang ang titig niya sa akin kaya napapaiwas ako. Kapag naman sa kanan ako tumingin, bintana naman ang bungad sa akin. Nalulula lang ako. Feeling ko bumabaliktad ang aking sitmura.

"You're weird." Napalingon ako kay Daniel nang sa wakas ay nagsalita na rin. Nakita ko siya umiiling iling sa akin at nakakusot kilay nakatitig sa akin.

Tinitigan ko siya. Tinaasan ng kilay. Ang sarap niya sabihan na 'mind your own business' nakakaasar lang!

Kumusot ang noo niya sa akin, halatang may iniisip.

"Is it your first time?"

"No!" Agaran kong sabi.

"Bakit ang likot mo? Ang aligaga kumilos! It's annoying!" Hinawakan niya ang gilid ng kanyang mata at hinilot hilot ito.

"You don't care!" Mataray kong sabi sabay irap sa kanya.

"I care kasi ako ang nahihilo sayo!" Iritado niya sabi. Nagmake-face lang ako sa kanya.

"Whatever!"

"So first time mo nga?"

"Hindi nga sabi. Kulet naman nito! Pwede ba manahimik ka nalang dyan?!"

Tinignan ko siya ng masama nang marinig ang kanyang malakas na halakhak.

"Oh, I can see the frustration in you. First time mo nga." Tumawa pa siya lalo.

"Hindi nga sabi!" Hinampas ko siya. Nakakairita eh.

"Eh ano pala bakit ka nagkakaganyan?"

Hindi ako umimik. Una, dahil ayoko sa kanya sabihin ang rason dahil alam ko kahit ano pa sabihin ko, aasarin lang niya ako. Pangalawa, nararamdaman ko na kasi umaandar ang eroplano. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Silence means yes." Narinig ko nanaman siya tumawa.

Imbis na sagutin siya o hampasin sa galit ko ay napapikit nalang ako ng aking mga mata at napahawak sa gilid ko. Exacto nakapatong pala ang kamay niya dun kaya dun ako napakapit.

"What are you doing?" Inis niyang sinabi. Sinusubukan niya tanggalin ang ang kamay ko pero mas lalo lang ako kumakapit. Narinig ko siya tumawa. "You're scared. First time mo nga."

"TAKOT AKO SA EROPLANO OKAY? TAKOT AKO SA PAGLANDING AT PAGTAKE OFF! KAYA PWEDE BA HAYAAN MO MUNA AKO KUMAPIT!" Hindi ko na pinansin ang malakas niyang halakhak. Mas diniin ko ang aking pagpikit at pagkapit hanggang sa naramdaman ko na ang maayos at pantay na ang andar ng eroplano. Napadilat na ko at napakalas sa paghawak ko.

Nakahinga na ko ng mabuti. Sinulyapan ko ang bintana ang nakangisi sa pagkamangha ng mga ulap. Super taas ng araw kaya kita mo ang mga clouds ay kitang kita mo nakakalat sa sky.

Natitigilan lang ako sa aking pagkamangha nang marinig ko ang tawa ng katabi ko. Tsk. Akala ko pa naman mag-isa lang ako, nakalimutan ko may kasama pala akong unggoy!

Nilingon ko siya, nakatitig siya sa akin at nakangiti. Naririnig ko parin ang kanyang tawa na unting-unti na rin nawawala pero yung mga titig niya sa akin hindi maalis alis. Gusto ko pa sana mainis at sagutin siya pero parang ako nalulunod sa malalim niyang titig kaya napa-iwas nalang ako. Bigla ko naramdaman ang puso ko mabilis ang tibok sa hindi ko maintindihan na dahilan.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon