Kir 2.0

598 27 31
                                    

Kir 2.0 - Signed in.

Buhay pa ako at eto, gumagwapo bawat segundo!

〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○


1.) Love o pag-ibig, ang pinaka gustong topic ng lahat. Nowadays, ang love ay para nang isang simpleng bagay na makakamit kahit kalian at mabibili. Para sa’yo ano ang love o pag-ibig?

Pag-ibig? Bakit hindi mo itanong kay google, tamad tamad mo! HAHAHA! K, ang pag-ibig, hindi ito yung “I will die without love”, ay sige push mo lang yan dre. Tapos, sasabihin mo na “Handa akong magpakamatay para sa iyo”. GO PATUNAYAN MO, MAGSIMULA KA NG MAGLASLAS DALI! Joke lang.

“-simpleng bagay na makakamit kahit kailan at mabibili”, seryoso, sino nagsulat nito? Kung isang simpleng bagay yung pag-ibig, aba, nagkakamali ka kasi hindi yan ang tunay na pag-ibig. Hindi pera ang pag-ibig,  hindi rin puro pagnanais, kalibugan o kasakiman. Ito kasi yung pinakamasakit na emosyon na mararamdaman natin, pero bakit lagi nating hinahanap hanap? *Sino ba kausap ko dito putakte, wag muna basahin* Kasi, ang pag-ibig.. kahit yan yung pinakamasakit at yung laging dahilan ng mga luha at mga sugat natin sa ating puso.. ito pa rin yung dahilan kung bakit tayo nakangiti, tumatawa, kinikilig, pumapasok sa klase, nagpapaganda/nagpapagwapo, laging online sa peysbuk, twitter at kung ano-ano pa, tumatalon at nagwawala ang puso, pati si utak nakikisali rin; ito kasi yung pinakamasarap, misteryoso at mahiwaga na pakiramdam. Nakakaadik, parang isang droga. Ang komplikado ata diba?

Pero sabi ko nga, nasasaktan tayo, umiiyak, yung iba pa nga nagpapakamatay. Para sa akin kasi, hindi pag-ibig yan kung hindi ka nasasaktan. Yung sakit kasi na yan pagnalagpasan mo, mas lalo kang lalakas, binibigyan lang tayo ng leksyon ng maykapal. Atsaka kung hindi talaga para sa atin yung tao, wag munang pilitin! Pinapagod mo ang Diyos lalo e!! Kaya wag kang umabot sa punto na ibubuwis muna buhay mo, wag kang magpakamatay para sa mahal mo.. MABUHAY ka!!

Teka. Hindi ko pa talaga nasasagot yung tanong.. Ano nga ba ang pag-ibig, para sa iyo, para sa akin? KASI NAMAN E!! Wag muna alamin kung ano ibig sabihin nun, ang dami daming mga eksplenasyon tungkol dito. Hindi naman eksamen ito para problemahin mo kaya kalimutan muna. Wag muna hanapin kung ano talaga ang pagibig, kusa mo na yang MARARAMDAMAN at IPAPARAMDAM sa iyo!!

“You don’t define love, you feel it” *Google-google din.*

2.) Sabi sa mga statistics, men are the breakers of relationships. What can you say about this survey result? Is it really true that we are the shits in relation-shits? At sa tingin mo bakit yan ang naging result?

Siguro nung tinanong ito, halos babae  ang mga sumagot noh? Hindi naman kasi porke lalaki, lagi nalang kami, kami, kami, at PogiKami nalang ang dahilan sa mga relation-syeeets. Hindi porke naloko ka ng isang lalaki, ipagsisigawan mo na lahat ng lalaki manloloko. Sangina this, sabi nga nila.. “Bakit? Nasubukan mo na lahat ng mga lalaki?” Wag mong sabihin na para-pareho kami, ano to, clone kaming lahat ng isang manloloko? Kagebushin  technique times two, times two, times two, times two, times two?

Iba’t iba ang mga lalaki sa mundo, tignan mo ha, sa dinami dami ng tao.. masasabi mo na lahat kami kagaya ng gagong ex mo? May mga matinong lalaki naman diyan sa tabi-tabi mo, hindi mo lang binibigyang pansin o baka talagang nagiging mapili kalang. Bakit? Kasi ngayon *daw* halos ng babae mahilig sa astigin, *sabi nga ni Imurbro* maangas, at yung tipong bad boy, iba pa nga itsura lang ang tinitignan. Tapos sisisihin niyo na niloloko niya kayo?! PUT----your pencils down.

Oo may mga lnanloloko, pero kami lang bang mga lalaki? Kinalimutan mo na may matitinong lalaki diyan *kagaya ko, wag kayo mangelam* dito dahil nasaktan ka? Ayan rin naman kayo ha, may mga babae rin namang nanloloko at nananakit.. lalo na ang mga PAASA!! Atsaka--- ayoko ng ituloy, gerahin pa ako dito.

3.) “Men are pervert and sex was the agenda in a relationship.” Why or why not?

Malibog ang lalaki, oo. Para kasing paghinga na yan e *OA ata nun*, hindi na nawawala sa DNA namin ang kalibugan. Sa mga babae rin naman may mga libog din kayo, magaling lang kayo magtago!!! Yung sa lalaki, hindi ibig sabihin nito na tsatsansingan, mamanyakin at gagahasain na namin kayo!! Utak naman please, nakakahigh blood kayo.. mahiya naman kayo sa kagwapuhan ko LOL. May mga sumosobra na sa kalibugan kaya umaabot na sa.. alam niyo na, pero uulitin ko, HINDI lahat ng lalaki ganoon. Ang tunay na lalaki, marunong RUMESPETO lalo na sa taong mahal niya! Ako ha, marunong ako maghintay, sa totoo lang. Kahit na sabihin ng magiging syota ko na pagnagpakasal kami, doon nalang naming gawin *iyon*, ayos lang sakin dahil mahal ko nga. Basta maging masaya siya, hindi masaktan at maging akin magpakailanman, kaya kong magtiis, kakayanin ko lahat para sakanya. Kaya itong “Sex was the agenda in a relationship” paki tapon nga sa recycle bin.

4.) Gender Equality. Favor or not? Why?

Dipende.Please lang, mga babae, kung hindi niyo kasi kaya, ano dahilan kung bakit kaming mga lalaki andito kung hindi man lang kayo hihingi ng tulong?Wag niyo pilitin ang hindi niyo kaya, at wag naman kayo susuko nang hindi niyo pa sinusubukan. Hindi lahat lahat ng bagay ibibigay niyo samin dahil nga “lalaki” kami. Kung ano ang mga gawain na para sa lang sa lalaki at para lang sa babae, wala na sanang pakelamanan HAHAHA! Kung ang gawaing bahay para lang sa babae, sainyo lang! Wag niyo kami idamay!!! Wahahaha dijoke lang, syempre andito rin kami para tumulong sainyo. Hindi pa rin hadlang yung kasarian sa mga problema at gawain, pantay-pantay tayo diyan pero wag kalimutan ang suportahan, tulungan, mahalan at libu---ay mali.

Hindi ko na po naintindihan kung ano konek ng pinagsasabi ko sa sagot na ito, bow.

5.) Love is no gender. Love is everywhere. Love is for all. Sa Pilipinas uso na ang same sex relationships. Maraming mga bisexuals, transgenders, trippers at gays/lesbians. So, ang tanong are you in favor with same sex relationships?

Pwedeng 25/75? Pabor ako sa mga ganitong relasyon.. 25%, bakit? Sa tingin ko hindi naman kasalanan ang umibig, hindi mo maiiwasan iyon. Pagdumating na, andiyan na, wala ka ng magagawa. Babae man o lalaki, matangkad man o maliit, taba o payat, mayaman o mahirap.. magiging hadlang sa nararamdaman mo?

75% na hindi ako sumasang-ayon, kasi.. diyan pumapasok ang Diyos. Simula’t sapul, ang maykapal gumawa ng dalawang klase ng tao.. ang babae at ang lalaki, si Adan at si Eba. Wala siyang nasabi o ginawa na taong nasa kalagitnaan ng dalawang ito diba? Hindi masamang magmahal pero sana alamin niyo yung limitasyon. May kilala nga ako na lalaki, masasabi mong bakla dahil sa pananamit at mga kilos niya pero hindi siya nagmahal ng lalaki, ang puso niya .. sa isang babae pa rin. Kakaiba diba? Pero napagtanto ko… “Ah.. dapat ganiyan ang iba, dapat ganiyan lang” Imurbro says: “Ang babae ay para sa lalaki, at vice versa. Utos yan ng maykapal”, saludo talaga ako sayo dre! AHAHAHA.

6. ) What do you think of Gays? Is it okay to be friends and close with gay people?

Sabi ko nga, may barkada ako.. isa or dalawa ata sakanila ang bakla, wala namang problema. Mas masaya nga pag-andiyan sila, kahit na hindi talaga nila maiwasang mahulog sakin dahil sa kagwapuhang taglay ko *HAHAHA JOKE* sa tingin ko okay namang makipagkaibigan sakanila. Tao pa rin naman, nasasaktan, nagmamahal, tumatawa at humihinga. Pero yun nga, alamin sana nila yung LIMITASYON sa buhay na ito, wag nilang pilitin ang mali kasi sila din ang masasaktan.

〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○ 〰○


I'm tagaloging, not englishing!! LOL!

Kir 2.0, Signing out-
Smarter, Fiercer, Braver, Hotter and Pogier.

You better watch out.
See you on the next wave.

SOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon