1. No connections

134K 1.5K 58
                                    

"Hanggang kailan ka ganyan, Juan Miguel?"

Halos maumid ang dila ni Juan Miguel nang maintindihan niya ang tanong ng kanyang ina. He slowly turned his head to her and smiled. Alam naman niya kung anong sinasabi nito. Ang sinasabi nito ay ang klase ng buhay na meron siya.

He is thirty one years old and yet he doesn't have any plans of settling down yet. Hindi naman kasi kahit kailan pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. Ang katwiran niya, bakit siya pupulot ng bato para ipokpok sa ulo niya? He loved being him – single, happy, free and spontaneous. He loved being this person at hindi niya kahit kailan ipagpapalit ang nararamdaman niyang kalayaan sa kahit na ano sa mundo.

"Happy naman ako, Ma." Sagot niya dito. They were having breakfast that morning. Wala ang kapatid niyang si Edward – bumalik na ito sa L.A. dahil sa mga naiwang responsibilidad nito doon, his other brother, Nathaniel Miguel – yes, he likes calling him that way – was on his house, with his wife. Siya na lang ang naiwan sa kanilang ina.

Kung tutuusin ay dapat wala naman siya dito. Maybe kung hindi siya umuwi, nasa isang lugar siya ngayon kung saan maraming adventures, he loved adventures, he's kind of a daredevil. Isa sa patunay niyan ay ang pagsubok niyang umakyat ng Mount Everest three years ago, attempt pa lang iyon, sadly hindi siya nagtagumpay pero, hindi naman ibig sabihin noon na hindi na muli niya susubukan.

He had been to the most dangerous parts of the world. He had been to Madagascar, Amsterdam, Iceland, Kauai, New Zealand and other places, wala naman siyang ginawa kundi ang maging daredevil, her had lived the life of a wanderer for the past ten years, matagal siyang hindi umuwi ng Pilipinas dahil na rin sa tampuhan nila ng kanyang ama.

His father was a good man, lahat naman halos ng gusto nitong ipagawa sa kanya noong bata pa siya ay sinusunod niya, isang bagay lang talaga ang hindi niya maatim, ayaw niyang maging doctor. He came from a family where everyone has careers in Medicine. His brother Nathaniel Miguel is a renowned brain surgeon, habang si Edward naman ang kanilang bunso ay isang magaling na cardiologist. Sa tatlong magkakapatid, siya lang ang lumisya ng daan. Hindi kasi talaga niya maatim na magiging doctor siya. Iniisip niya palang parang hindi na rin niya kinakaya.

It's not that he's not intelligent enough to be a doctor, it's just because being a doctor is boring. It bores the hell out of him; the hours spent in the hospital, checking people, taking care of others, kung sarili niya nga ay hindi niya maalagaan, ibang tao pa kaya.

At dahil sa rasong iyon, sumama nang husto ang loob ng kanyang ama sa kanya. Sa totoo lang, nakamatayan na nga nito ang nangyari sa kanila. Ni hindi na siya nakahingi ng tawad dito and somehow, he thought that taking care of his mom would make up for his shortcomings.

But who was he kidding?

Hindi enough iyon.

Sa dami ng pagkukulang niya sa kanyang mga kapatid, sa kanyang ina, sa kanyang pamilya kahit kailan ay hindi niya matatakpan ang mga iyon. Kulang ang alagaan lang niya ang kanyang Mama.

"Ewan ko ma, basta masaya naman ako." Muling sagot niya dito. His mother sighed.

"I am worried about you. Si Nathan nagsisimula na siyang magpamilya, Edward – we'll he's the busy bee, he likes being a career person pero kahit paano I am sure na malapit na siyang mag-settle down, ikaw, when  are you going to settle down? It's about time. Ikaw ang pinakamatanda sa ---"

"I love you ma, but right now, I am not thinking about that." He smiled at her. Tumayo siya at saka hinagkan ito sa labi.

"Bye ma, see you later."

Matapos magpaalam ay dumiretso siya sa kanyang kotse. He drove away from the mansion. He sighed, kailangan niyang huminga dahil kung hindi niya iiwan ang kanyang Mama sigurado siyang hindi siya nito titigilan.

Just a feeling (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon