Chapter VIII "who's that girl?"

846 4 0
                                    

Hannah's POV

ngayon lang ulit ako pumasok ng ganito ka excited, parang gusto kong pumasok dahil gusto kong makita si Jiro, hindi para mag aral, hindi ko parin makalimutan yung mga nangyari kahapon, yung mga nalaman ko, yung mga sinabi ni Jiro, ang hirap paniwalaan,

pero masaya ako,

ang aga pumasok ni Jiro, naka tingin na naman sya sa may window pero parang ang lalim ng iniisip nya,

"Im so worried about you Hann!" sabi ni Claire sabay yakap sakin, nakatingin parin ako kay Jiro, napatingin sya sakin nung narinig nyang kinausap ako ni Claire,

"don't do that ever again ha!" nagtatampong tonong sabi ni Claire,

si Jayne naman naka cross arm lang habang nakatingin samin ni Claire,

"sorry Jayne, biglaan kasi yung mga nangyari" sabi ko kay Jayne pero tinaas lang nya yung isa nyang kilay, ang taray talaga nya, hmp!

"Hannah!" tawag sakin ni Jayne sabay turo ng nguso nya sa likod ko na parang may tinuturo, bumitiw muna ako sa pagkakayakap ni Claire para lumingon sa likod ko,

si J-Jiro!?

may inaabot sya sakin na paper bag pero hindi sya nakatingin sakin habang inaabot nya,

ano kayang laman?

bakit nya ako binibigyan?

yan ang mga tumatakbo sa utak ko habang nakatitig lang ako sa paper bag na binibigay ni Jiro,

"nangangawit na ako, kukunin mo ba o hindi?" sabi ni Jiro sabay tingin ng seryoso sakin,

"aa.. ee.. salamat, ano bang laman nito?" sabi ko kay Jiro pagkakuha ko sa paper bag na binigay nya,

"sayo na yan kaya pwede mong tignan kung anong laman," sabi ni Jiro, ang sungit na naman nya, hmp!

bumalik na sya sa upuan nya tapos? kailangan ko pa bang sabihin?

hayy, oo, natingin na naman sya sa window nya,

"AYIEEE!"

"kaya pala absent sila yesterday, nag date pala"

"isang araw lang silang nawala mag on na, sweet naman"

panunukso samin ng mga classmate namin ni Jiro, pero mukang badtrip si Sofie dahil sa mga nakita nya,

medyo napayuko ako kasi medyo nahihiya ako sa mga sinasabi ng classmate namin,

at si Jiro?

wala syang kibo, bat biglang ang sungit na naman nya? ok naman kami kahapon aa? o akala ko lang yun? ang gulo naman nya, hmp!

binuksan ko yung paper bag,

nagulat ako nung nakita ko kung anong laman,

yung teddy bear pala na binigay nya sakin sa mall last tuesday, napa smile ako habang nakatitig sa teddy bear, nawala na to sa isip ko dahil sa mga nangyari, buti nabalik pa ni Jiro,

magpapasalamat na sana ako nung lunch break na kaso umalis agad sya ng room namin, ano na naman bang problema nya?

narinig kong tinawag sya ni Sofie bago maka layo ng class room, lumabas ako para tignan kung anong nangyayari,

nasa corridor pa lang sila,

"Jiro! bakit si Hannah!?" medyo mataray na tanong ni Sofie kay Jiro, pero walang imik si Jiro, tuloy tuloy lang sya sa paglalakad,

"bakit sya!? bakit hindi ako? mas maganda naman ako kay Hannah!" dugtong pa ni Sofie,

napatigil si Jiro sa pag lalakad, pati ako nagulat sa sinabi ni Sofie, ganun na ba talaga sya ka desperada? oo, alam kong gwapo talaga si Jiro pero wala na ba talaga syang natitirang pride pa sa sarili nya? maganda naman sya, may pagka maarte nga lang na kikay, ang alam ko kasi only daughter sya kaya siguro spoiled brat,

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon