Chapter XIV "a dream of reality"

782 2 10
                                    

Jiro's POV

"what's the temperature of the sun?" tanong nung teacher namin sa physics kay Sophie,

"the sun's outer visible layer is called the photosphere has a temperature of 6000*C and the temperature of the sun's core is aproximately 28 million*C," sagot naman ni Sophie tapos humarap sa klase tapos nagpa'cute bago umupo, ano na namang trip nya? para yun lang tuwang tuwa na sya,

may surprise recitation kasi kami ngayon, mahilig din kasing magbigay ng mga ibat ibang klase ng trivia tong teacher namin sa physics kaya kung ano ano na lang din yung mga tinatanong nya,

next na tinawag naman ng teacher namin sI Hannah,

"Hannah Flores,"

"miss Flores!?"

paulit ulit na tawag ng teacher namin kay Hannah, napatingin yung buong klase kay Hannah kasi hindi ata nya naririnig yung teacher namin, nung tinignan ko naman sya nakatitig na parang nakatulala sya..

saken..

what the hell??

ano naman bang problema nya?

"uy! Hann! it's your turn na!" sabi sa kanya nung Claire tapos siniko sya,

"a-ah! YES SIR!?" gulat na respond ni Hannah tapos tumayo na sya,

"are you alright miss Flores?" tanong ng teacher namin kay Hannah,

"o-opo sir," nahihiyang sagot ni Hannah tapos yumuko sya,

"okay, so let's proceed, why are you staring at Mr.Reyes?" tanong nung teacher namin kay Hannah,

medyo natawa yung buong klase dahil sa tanong nung teacher namin kay Hannah,

ano namang kinalaman nun sa tinuturo nya??

badtrip!

"baka nag de'day-dreams tungkol kay Jiro," sagot nung isa naming lalaking classmate tapos nagtawanan sila nung dalawa niyang katabi, nung tinignan ko siya binatukan naman sya nung isa nyang katabi,

weird,

pagbuhulin ko kaya silang tatlo, kaasar na talaga,

"just kidding, let's get into the real thing," sabi nung teacher namin tapos tumahimik na yung klase,

"how do you measure speed?" tanong nung teacher namin kay Hannah,

"distance over time po Sir," mahinang sagot ni Hannah,

"alright, good Ms.Flores, next is Mr.Reyes," sabi naman ng techer namin tapos tumayo na ko,

"what civilization coalesced around 3150BC?" tanong nung teacher namin,

ANAK NG TOKWA!

bakit ganito kahirap yung tanong nya sakin? yung kay Sophie sun's temperature, yung Hannah naman speed lang tapos yung akin tungkol sa civilazations??

"ancient egypt sir." sagot ko sa teacher namin tapos umupo na kaagad tapos tumingin sa bintana, alam ko naman yung sagot sa tanong nya pero napaka hirap nun kung ikukumpara sa mga nauna nyang mga tanong di ba? kaasar!

"as expected, you're really smart Mr.Reyes, keep it up!" sabi naman nya sakin tapos nag'smile sya,

medyo good mood na ko kaninang umaga kasi mahaba yung tulog ko kagabi pero mukang hanggang umaga lang yun, expired na ngayong tanghali, kaasar talaga, buti na lang puro lecture na lang yung next subject, medyo nawala na yung badvibes na kanina ko pa sinusolo,

nag-a'ayos ako ng gamit ko nung napansin ko na nasakarap ko na si Claire kaya napatingin ako sa kanya, kasama nya si Jayne and syempre, si Hannah,

"Jiro pwedeng sabay sabay na tayong kumain?" naka'ngiting request sakin ni Claire, nakatingin lang sakin si Jayne tapos si Hannah naman naka'tago lang sa likod ni Jayne, ano bang problema nya?

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon