Kabanata 1

64 4 0
                                    

Bakit kasi ang hirap labanan ng nararamdaman? Tila itong malakas na alon na walang sino man ang makapipigil.

Kahit anong pag iwas ang gawin ko, tadhana na talaga ang siyang gumagawa ng paraan.

"Arra, tapatin mo nga ako, mayroon ba akong aasahan sa iyo? I mean, may pag-asa pa ba ako?" Tanong ko sa munting binibini sa aking harapan.

"Miguel, alam nating dalawa na mali ito lalo na't kung ipagpapatuloy pa natin. Maraming tao ang masasaktan, paano si Kisha?"
Litanya ni Arra sa harapan ko. Kitang-kita ko ang disgusto sa mga mata niya.

"Pero paano ako? Paano tay-" Bigla na lamang naputol ang sasabihin ko at di ko alam kung anong mga kataga ang karugtong nito.

"Miguel! Ano ba? Anong oras na nakatunganga ka pa rin diyan anak. Halina't baka mahili tayo sa misa." Sigaw ni Mama mula sa ibaba.

Hanggang kailan ko kaya ititigil ang ginagawa ko? Ilang taon ko ng pinapangarap ang babaeng alam ko namang kahit kailan di ako magugustuhan. Napabuntong hininga na lang ako at pagkatapos ay nag-ayos na ng sarili.
Isang bagay na naman ang paulit-ulit na bumabagabag sa aking isipan.
Kailan kaya ang tamang panahon para sa bagay na nais kong sabihin sa kanya? Bahala na nga. Ipagpapasa Diyos ko na lamang ang lahat.

"Miguel, bilisan mo nga diyan at ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang misa." Bilin ni Mama na mag halo ng pagkainis.

Ganito kami palagi, tuwing linggo mayroon kaming nakalaan na oras para sa pamilya kahit na palaging nasa trabaho si Mama't Papa hindi sila nawawalan ng oras para sa aming magkakapatid. Nagsisimba't namamasyal kami, kaya naman masaya ako tuwing araw ng linggo.

Tuwing linggo din palagi namin kasama ang pamilya nila Arra, palagi rin kasi silang nagsisimba yun nga lamang patay na ang tunay na ina ni Arra kaya ina-inahan at ama niya lang kasama niya sa pagsisimba. Unica iha siya ni Tito Louise wala siyang ibang kapatid kaya nga masaya siya kapag nasa bahay dahil nararamdaman niyang may kapatid siya. Lagi nya kasing inaalagaan ang bunso kong kapatid na dalawang taong gulang.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng aking sarili dumiretso na ako sa ibaba upang mag agahan.

"Oh, bilisan mo ngang bata ka, hala sige! Mag-almusal ka na."
Sambit ni Mama ng makita niya ako habang pababa sa hagdan.

"Sorry ma, natagalan ako ng kaunti." Nagsimula nang magdasal si Papa at saka kumain na kami ng tahimik. Natutuwa ako dahil mayroon akong masayang pamilya di man perpekto ngunit alam kong mahal namin ang isa't-isa.

Nang matapos na kami sa pagkain ng agahan, umalis na kami at tumungo na sa simbahan.

Pagkarating namin sa simbahan agad na hinanap ng aking paningin si Arra. Pero di ko siya makita, nasaan kaya sila? Kadalasan naman sila ang nauuna sa amin. Bakit wala kaya sila sa pwestong palagi naming inu ukupa. Baka naman maya-maya pa ang dating nila, baka natrapik lang.
Sige hintayin ko na nga lang, baka maya-maya darating na rin ang mga yon.

A/N: I don't know where is this going. I don't have any plot about this story, I just want to write, that's all. Thanks for reading.

Comment..

Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon