Chapter Three - Gabriel

76 1 0
                                    

Thak you guys for supporting MDA! Enjoy reading!

X Dustin Alec Henderson

---

 Chapter Three

Gabriel

Nero’s POV 

"Good morning, Sir."

"Morning Maion."

Hindi na mabilang ni Nero kung pang ilan nang bumati si Maion sa boss niya. Hindi man lamang ito ngumingiti.

Nang makapasok sila sa loob ng opisina nito ay may tinawag ito mula sa intercom. Umupo na ito sa swivel chair habang siya naman ay matiyagang nakatayo at naghintay sa ipag-uutos nito. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto.

"Come in."

Tahimik na sinulyapan niya kung sino ang kumatok. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang babaeng nakita niya last time sa opisina ng boss niya. She must be her secretary.

Maputi ito at may mapupulang mga labi. Green eyes ito na bumabagay sa mahabang buhok nito na golden brown ang kulay. Maigsi ang suot na skirt,bahagyang kita ang cleavage sa suot na blouse.

Ngumiti ito sa kaniya bago bumaling sa kaniyang boss.

"Yes, AD?"

First name basis? Close siguro ang mga ito. Pasimpleng kinagat niya ang mga labi.

"Gab. I knew you already met Mr. Hudson.  I wanted you to orient him."

She rolled her eyes. "Why don't you just do it?"

"I'm the boss here ,Gab." He said with a warning in his voice. "And besides, I'm busy."

"Duh! It's such a lame excuse." Hinila nito ang kaniyang braso. "C'mon Nero. Baka maging yelo tayo dahil sa cold treatment ng isa diyan."

Hindi na siya nakapag-react pa dahil hinila siya nito palabas ng opisina ng boss nila.

Nakarating sila sa opisina nito. Ngunit mas tamang sabihing kwarto iyon ng isang bata. Bukod sa napaka kulay niyon ay puro stuff toys ang naka-display sa ibabaw ng lamesa nito, maging sa sofa at sa mga cabinet na nasa loob ng opisina nito.

"Ahm..."

"Upo ka, Nero. I hope you don't mind if I call you by your first name."

Umupo siya sa sofa. "I don't, Miss—“

"Uh-uh! Drop the formality Nero. Gab na lang." Kumindat ito sa kaniya bago nagsalin ng tsa sa dalawang tasa.

Ganito ba ka-flirt ang isang ito? Pero kahit mukhang flirt ito ay maayos naman ang pakikitungo nito sa kaniya. Medyo awkward nga lang.

"Okay, Gab." Nakangiting sagot niya dito.

Inilapag nito ang tasa sa kaniyang harapan kasama ang isang platito na may lamang isang slice ng strawberry cake. Kelan ba siya huling nakatikim ng paborito niyang cake?

Napansin yata nito ang pagkakatitig niya sa cake. "Help yourself."

Mabilis na nilantakan niya ang cake.

Ah! Heaven!

Gab’s POV

Humigop si Gabriella mula sa kaniyang tasa. Ang mabangong amoy ng lavander tea ay nanunuot sa kaniyang ilong. Tamang tama para pakalmahin ang kaniyang katawan.

Palihim niya tinignan si Nero na busy sa pagkain ng strawberry cake. Ito na ba ang sinasabi nilang wawasak sa mundo? Mukha lamang itong inosenteng binata. Ngunit gayon pa man ay di niya ipinalagay ang sarili.

My Demon Angel (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon